Nakatayo noon sa harapan ng counter si Bryan habang naghihintay ng in-order niyang milk tea nang biglang kunin at higupin ng katabi niyang babae ang milk tea na para sana sa kanya. Masyado kasi itong abala sa pagkukutkot nito sa cell phone kaya hindi nito napansin na iba ang nadampot. Patalikod na ang babae nang sitahin ito ng crew.
"Miss, kay Sir po, 'yang nadampot niyo," nakangiting sabi ng crew.
Biglang napatigil ang babae. Sinulyapan nito ang hawak na milk tea at doon lang nito napansin na mas malaki pala ang nakuha niya kaysa sa binili niya.
"S-Sorry!" nakangising sabi ng babae nang bumaling sa crew.
"Paano po 'yan, Ma'am? Nainom niyo na po."
Biglang namutla ang dalaga sa nais ipahiwatig ng crew. Kalalabas palang kasi nito at wala pa itong dalang extrang pera. Nilingon ng babae si Bryan pero nilakihan lang niya ito ng mga mata na tila nagtatanong.
Nginitian siya ng babae sabay nag-sign ng peace sa kanya.
Natawa si Bryan sabay napailing. "It's okay. You can have it," nakangiting sabi niya.
Gumuhit ang alanganing ngiti sa mga labi ng dalaga. "Thank you, ha?" anito atsaka ito yumuko.
Paalis na ang dalaga nang bigla itong may naalala kaya mabilis itong bumalik sa counter. "Bayad ko na 'to 'di ba?" nakangiting tanong nito habang nakahawak sa cup ng milk tea.
Alanganing napangiti ang crew. "Bali kulang pa po kayo ng Twenty Pesos, Ma'am?" tanong ng crew.
Biglang natigilan ang dalaga. Nagtatanong ang mga matang lumingon ito kay Bryan. "Sige, Miss. ako na ang bahala sa kulang," nakangiting sabi ng binata.
Lumuwang ang pagkakangiti ng dalaga at mabilis na inabot ang milk tea.
"Thank you, ulit! Bye!" anito atsaka mabilis na lumabas ng pinto.Napangiti na lang si Bryan habang nakatanaw sa dalaga na noo'y binabaybay ang daan papunta sa parking area kung saan naka-park ang motor nito. At nang makuha niya ang in-order na milk tea nagmamadali siyang lumabas at sumunod sa direksiyong tinahak ng dalaga pero hindi na niya ito matanaw kaya binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng kotse.
Sakay ng motorsiklo, maingat na binabaybay ni Yani ang kalsada nang bigla na lang tumigil ang sinusundan niyang kotse sa bandang unahan. Nasalpok niya ang bandang likuran nito at sumalpok din sa kanya ang kotse sa bandang likuran niya. Kasunod noon, nakarinig siya ng malakas na tunog kasabay ng pagbagsak niya sa kalsada.
"Miss are you okay?" narinig niya pang tanong ng humahangos na lalaki bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Gabi nang magkamalay ang dalaga sa ospital. Napabalikwas siya nang mapansin ang magarang kwarto na inookupa niya. Akmang tatanggalin niya ang swero na nakadikit sa kamay niya nang biglang dumating ang nurse.
"Miss, ano'ng ginagawa mo?" anito na agad na lumapit at inayos ang pagkakalagay ng swero sa kamay niya.
"Uuwi na po ako," agad na sagot niya.
"Naku, hindi pa pwede. Under observation ka pa," anito habang inaalalayan siya pahiga sa kama.
"Nurse, ala po akong ipambabayad sa mamahaling ospital na 'to. Kaya kung pwede po sana hayaan niyo na lang po akong umuwi," sabi niya.
Napangiti ang nurse. "Don't worry, Miss. Sinagot na po ni Sir Bryan ang lahat nang magiging bill niyo."
Napakunot ang noo niya. "Sino po si Sir Bryan?"
"Anak siya ng may-ari ng ospital at siya rin ang nagdala sa'yo rito."
"Siya ba 'yung nakabangga sa akin?" kunot ang noong tanong niya.
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...