Chapter 4 #InstantBFToTheRescue*

511 19 1
                                    

Mag- aalas-onse nang umaga nang biglang tumunog ang cell phone ni Bryan.

"Hello," bungad ng binata.

"Hello, Sir. Nandito po ako sa presinto. Tulungan niyo po ako. Please!"

"What?!" Napalakas ang boses ni Bryan kaya napalingon si Steve.

"Oh, ano na naman ang problema ng jowa mo?" agad na tanong nito.

"Tawagan mo si Attorney. Pasunurin mo sa akin sa presinto. Ite-text ko sa'yo kung saan," ani Bryan.

Napataas ang kilay ni Steve. "Ano ba naman 'yang jowa mo, lapitin ng disgrasya."

Hindi na siya pinansin ni Bryan. Dahil magmamadali na itong umalis.

Pagdating sa presinto agad niyang napansin ang dalaga. Namumutla ito habang kinakausap ng mga pulis.

"Hello, Sir, good morning. Ano ho ba ang problema?"agad na tanong niya.

"Kaano-ano niyo po si Ma'am, Sir?" tanong ng pulis.

"Girlfriend ko ho," walang kagatol-gatol na sabi niya.

Napalingon sa kanya ang dalaga na tila nagtatanong. Nginitian niya lang ito atsaka niya ito inakbayan.

"May reklamo po sa kanya, eh. Nagasgasan niya po kasi 'yung kotse ng doctor," sagot ng pulis.

"Sir, hindi pa ho ba 'yon na-settle sa barangay?" tanong niya.

"Eh, hindi ho pumayag magbayad si Ma'am, eh. Pinananinindigan niya po kasi na hindi siya ang may kasalanan," sagot ng pulis.

"Naku, Sir, pasensiya na po kayo. May kakulitan lang po talaga 'tong girlfriend ko," aniya sabay pisil sa balikat ng dalaga atsaka niya ito nginitian.

"Ano'ng makulit? Wala naman talaga akong kasalanan," bulong ni Yani.

Bumaling ang binata sa pulis atsaka ngumiti.

"Boss, pwede ko ho bang makausap saglit 'tong girlfriend ko?" aniya.

"Sige po, Sir."

Hinila niya si Yani sa 'di kalayuan atsaka niya ito sinermunan.

"Ano ba'ng ginagawa mo, ha? Gusto mo ba talagang makulong ka?"pigil ang galit na sabi niya rito.

"Eh, Sir, hindi naman po talaga ako ang may kasalanan. 'Yung kotse po ang sumagi sa akin. Kahit tingnan niya pa ang motor ko," katwiran ng dalaga.

"May lisensiya ka ba?" naniningkit ang mga matang tanong niya.

"Wala po," nakatulis ang ngusong sagot ng dalaga.

Napailing si Bryan.

"Ang lakas ng loob mong makipagmatigasan ni wala ka ngang lisensiya."

Mangangatwiran pa sana si Yani pero dumating na ang abogado. Kaya muli na silang pumasok sa loob ng presinto. Matapos niyang maipaliwanag ang sitwasyon. Ang abogado na ang nakipag-usap sa doktor. Mabuti na lang magka-church ang abogado at ang doktor kaya madaling naayos ang gusot niya. Sa pakiusap ng abogado, hindi na ito nagdemanda.

Walang imik ang dalaga habang nagbibiyahe sila pauwi.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Bryan.

Sinulyapan siya ni Yani na noo'y tila wala sa sarili habang nakatanaw sa kalsada. "Hindi pa po," mahinang sagot nito atsaka muling tumanaw sa labas. Matamlay ito dahil isang araw na naman ang lumipas na wala itong kinita. Mahalaga pa naman ang bawat oras sa kanya.

Katitigil lang nila sa parking area ng isang restaurant nang biglang tumunog ang cell phone ni Yani.

"Hello, Papa," agad na bungad ng dalaga. Napasulyap sa kanya si Bryan na noo'y kasalukayang nagtatanggal ng seatbelt.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon