"Hello, Miss Yani? Si Bryan 'to," bungad ni Bryan sa telepono.
"Hello po, Sir."
"May iuutos sana ako sa'yo. Pwede ka ba?"
"Sige po, Sir. Ano po ba 'yun?"
"May ipapa-pick up ako sa'yong box sa isang office supply. Paki-ingatan lang, ha?"
"Sige po, Sir. I-text niyo na lang po ang address ng store at 'yung address kung saan ko dadalhin," aniya sabay baba ng phone. Napakunot ang noo at napangiti si Bryan nang bigla niyang babaan ng phone.
Matapos ang isang oras nakarating sa hotel ang dalaga.
"Wow! Ang gara naman ng hotel na 'to." Nangingislap ang mga matang pinagmasdan niya ang buong paligid habang buhat ang kahon. May mahabang escalator ito sa gitna na tila wine-welcome paakyat ang mga bisita. Habang sa ibaba naman ay nakahanay ang mga elevator.
"Ms.Yani?" tanong ng security na lumapit sa kanya.
"Yes po," natatarantang sagot niya.
"Hinihintay na po kayo ni Sir Bryan sa itaas," anito sabay turo ng escalator paakyat.
"Ah, okay. Thank you po." Nagmamadaling tinungo niya ang escalator.
Hindi pa rin maalis-alis ang mga mata niya sa magagarang chandelier na nakasabit sa paligid.
Pagdating sa itaas agad naman niyang natunton ang opisina ni Bryan.
"Sir, eto na po 'yung pinakuha niyo sa akin," aniya habang maingat na inilalapag ang dalang box sa mesa.
"Good!" nakangiting sabi ng binata.
Habang nakatayo siya sa harap ng mesa ni Bryan iniangat nito ang phone.
"Ella, pakikuha na rito 'yung coupon bond at pakidala sa stock room."
Ilang saglit pa pumasok, dumating ang babaeng tinawag nitong Ella at kinuha ang box.
Napaawang ang mga labi ni Yani.
"Akala ko po ba babasagin 'yun, Sir?" aniya nang makaalis ang babae.
Napangiti si Bryan.
"Kung hindi ko sinabing ingatan mo 'yun, malamang wala pang thirty minutes nandito ka na."Napasimangot ang dalaga."Sana po sinabi niyo ang totoo, Sir. Sayang naman po ang biyahe ko."
Napakunot ang noo ni Bryan.
"Bakit naman nasayang ang biyahe mo?""Sa thirty minutes po na nawala sa akin, pwede pa po akong makabiyahe ng isa o dalawa."
Napatango-tango si Bryan hindi niya kasi naisip ang bagay na 'yon.
"Sige, dodoblehin ko na lang ang bayad ko," sabi niya atsaka kumuha ng pera sa drawer.
"Hindi po ganun ang ibig kong sabihin, Sir," mabilis na sagot niya.
Bahagyang napangiti si Bryan.
"I'm sorry. Hindi ko alam na ganoon kahalaga sa'yo ang bawat minuto. Gusto ko lang naman na mag-ingat ka sa pagmamaneho."
Hindi na umimik pa si Yani. Pagkaabot niya ng pera, agad na itong tumalikod at hindi na nagpaalam pa.
"Napikon ko yata," bulong niya.
Sinubukan niyang tawagan ulit ang dalaga pero hindi na ito sumasagot sa phone.
"Hindi naman siguro niya papatakbuhin nang mabilis ang motor dahil sa inis niya sa akin."
Pauwi na siya mula sa opisina nang muli niyang maalala ang dalaga. Bago pa siya sumakay ng kotse ay tinext na niya ito at inutusang bumili ng pagkain niya para sa hapunan.
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...