Kinauumagahan,marahang pumasok sa kwarto si Yani para mag C.R. ingat na ingat siya para hindi makalikha ng tunog na ikakagising ng binata. Halos nakapikit pa siya habang umiihi nang biglang bumukas ang pinto.Kapwa sila napatili nang mabulaga sa isa't isa.
Halos madulas si Bryan sa pagmamadaling lumabas ng banyo.
"Bakit kasi hindi ka naglock ng pinto!" sigaw nito.
Biglang nag-init ang mukha ni Yani sa sobrang hiya.
Nang makalabas siya halos hindi niya matingnan ng diretso ang binata.
"Ano ka ba naman!alam mong dalawa tayo sa bahay tapos hindi ka naglalock ng banyo!" agad na bungad nito.
Napayuko na lang dalaga.
Naglakad si Bryan papalapit sa kanya kaya nagtaas siya ng paningin. Nakatapis lang ito ng tuwalya at walang damit pang itaas kaya bahagya siyang napaurong.
"Huwag na huwag mo ng uulitin 'yun ah?Dito man o maging sa ibang bahay?"naniningkit pa ang mga matang sabi nito.
Tumango na lang siya at dali daling umiwas sa binata.
Matapos ang ilang minuto lumabas si Bryan sa kwarto,nakasuot na ito ng puting t-shirt at grey na short habang kinusot ng tuwalya ang buhok.
Napalunok ang dalaga,ang gwapo at ang linis nitong tingnan sa suot na iyon.Agad siyang nagbaba ng paningin nang mapasulyap ito sa kanya.
"Gusto mo bang maligo?"tanong nito.
Agad siyang napatango.
"Tutulungan kita!" blanko ang mukhang sabi nito.
Hindi pa rin tumitinag ang dalaga na tila nabigla lang sa pagkakasagot.
"Tara na!" aya nito sa kanya.
Nagpatiuna na si Bryang pumasok sa banyo habang siya naman ay tila nagdadalawang isip pang pumasok.
"Bilis na!" anito na hinila na siya papasok.
"iwawash ko muna 'yang buhok mo,tapos ikaw na ang bahala sa iba" sabi nito na inabot na ang shower at sinimulang paliguan ang buhok niya.
Abot-abot ang kabog ng dibdib ni Bryan habang marahang shinashampuhan ang buhok ng dalaga,pilit niyang iniiwas ang tingin sa katawan ng dalaga dahil unti-unti na ring nababasa ang suot nitong t-shirt.Lingid sa kaalaman niya parehas sila ng nararamdaman ni Yani ng mga sandaling 'iyon.Kaya nang matapos niya itong shampuhan kapwa sila nakahinga ng maluwag.
"Kaya mo na sigurong mag-isa" sabi pa niya bago tumayo.
Sunod-sunod ang naging pagtango ng dalaga na kulang na lang ay itulak na siya palabas.
Napahawak pa sa dibdib si Bryan at napabuga ng hangin nang makalabas ng banyo.
"Grabe 'yon!" naiiling pang sabi niya.
Nang matapos maligo lumabas si Yani na ang isang kamay lang ang nakasuot sa bathrobe habang ang kabilang kamay na may benda ay nakatakip lang.
Mariin siyang napapikit.
"Paano ako magbibihis nito!" naiiyak nang sabi niya.
"Yani,tapos ka na ba?" nadinig niyang tanong ni Bryan mula sa labas ng pinto.
"Hindi pa po ako nakakapagbihis sir!" sagot niya.
"Papasok ako ha?" paalam nito.
Agad na tumalikod ang dalaga at ikinubli ang sarili sa suot na bathrobe.
"Eto bang isusuot mo?"alanganing tanong ng binata nang makita ang tshirt na nakalapag sa kama.
Tumango lang ang dalaga na nuo'y namumula na ang mga pisngi.
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...