Chapter 15#Bryan'sTantrums

487 17 3
                                    

"Kain na tayo!" ani Yani na tumayo na at inabot ang kamay ni Bryan atsaka niya ito hinila patayo pero lalo pa itong nagpabigat.

Nakakunot ang noong tumigil si Yani atsaka bumitaw sa kamay niya.

Inabot ni Bryan ang isang kamay niya atsaka siya hinila papaupo sa kandungan nito.

"bigyan mo muna ako ng kahit konting oras pa!"anito noo'y yumakap pa sa baywang niya atsaka inihilig ang ulo sa braso niya.

Unti-unting iniangat ni Yani ang kamay niya atsaka niya marahang hinaplos haplos ang buhok ng binata na noo'y nakasubsob sa braso niya habang nakapikit ang mga mata.

Nagtaas ito ng ulo at saka ngumiti sa kanya.

"I love you!" bulong nito sa hangin.

Nahihiya namang umiwas ng tingin ang dalaga.

Hinuli ni Bryan ang mukha niya atsaka sila muling nagkatinginan "I love you!" anito na nangingiti pang inulit ang pagbigkas sa hangin.

Nang hindi sumagot si Yani ay napalabi pa ito na animo'y batang nagtatampo.

"Why is it hard for you to say I love you back?" sabi pa nito.

Bigla namang kumabog ang dibdib ni Yani.
Bakit nga ba hindi niya mabigkas bigkas ang salitang iyon kay Bryan kahit pa nga nag-uumapaw ang pagmamahal niya para rito.

"Don't you love me?" naniningkit pa ang mga matang tanong ng binata.

Imbes na sumagot niyakap niya na lang ito nang mahigpit.

Napangiti na lang si Bryan atsaka gumanti ng yakap sa kanya.

"Kung hindi mo lang ako niyayakap ng mahigpit iisipin kong hindi mo ko mahal!"sabi niya nang bumitiw sa dalaga.

"May pagkain akong dala kain na tayo!" nakangiting sabi ng dalaga na hinila na siya patayo.

Hindi na nakatanggi pa si Bryan at nagpatangay na lang sa kanya.

Sa kusina hindi pa rin kumikilos si Bryan mula sa pagkakaupo,kahit pa nga nakahain na ang pagkain sa harapan niya.

"Kain na po!" ani Yani habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.

Malungkot lang na nakatanaw si Bryan sa plato niya na parang wala sa sarili.

"Kain na!"muling aya niya rito.

Inipit nito ang magkabilang kamay sa kilikili atsaka sunod-sunod na umiling.

Napabuga pa ng hangin si Yani na tila nagtitimpi bago siya tumayo at sinubukan niyang subuan ng pagkain ang binata.Pero tinikom nito ang bibig na parang batang ayaw kumain.

Dismayadong bumalik sa upuan si Yani.

"Kung ayaw mong kumain ako na lang ang kakain!" nakasimangot na sabi niya.

Nang akma na siyang susubo duon naman ngumanga si Bryan na tila nagpapasubo.

Napangiti na lang ang dalaga.

Kinuha niya ang kutsara atsaka inilagay sa kamay ng binata.

"malaki ka na!kaya mo na 'yan!"sabi niya sabay pisil sa pisngi ni Bryan.

"Hindi mo talaga ko love noh?" nakalabi pang sabi nito.

Halos maibuga ni Yani ang pagkain na nasa bibig niya pagkakita niya sa hitsura ni Bryan na parang batang nagmamaktol.

Nang hindi na niya natiis ang pagmamaktol nito tumayo na siya at lumapit sa binata.Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito atsaka niya ibinaling sa kanya.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon