Chapter 17#Bryan'sSweetGesture

475 16 2
                                    

Dahil sa nangyari inilipat ni Bryan si Yani sa information desk.Ayaw pa nga sana nitong tanggapin noong una pero naging mapilit si Bryan at wala nang nagawa pa si Yani.

Sa buwan na 'yon inaasahan ang pagbisita ng isang hotel expert na siya ring magbibigay ng review para ma appraise ang hotel,pero wala ni isa man sa kanila ang nakakaalam kung saan at kailan ito unang bibisita.

Dahil kagagaling lang sa renovation ng hotel malaking challenge para kay Bryan ang ma please kung sino man ang reviewer na iyon.

Katatapos lang bumisita ni Bryan sa iba pa niyang hotel nang tapatan niya si Yani sa information desk.

"Kumusta ang trabaho Ms.Yani?" aniya na kumindat pa sa dalaga.

Namula ang pisngi ni Yani sa sobrang hiya sa katabi at kasamahan niyang si Ellen kaya agad niyang nilakihan ng mata si Bryan.

"See you later!"anito na bahagya pang pinisil ang baba niya.

Maliban sa paminsan-minsang pagsilip at pagbisita ni Bryan sa pwesto niya hindi na sila halos nagkikitang dalawa.

Gabi na,nang may isang matandang guest na nagwala sa lobby,nawawala raw kasi ang singsing nito.Agad na umalis sa pwesto si Yani at sinubukang payapain ang matanda.

"Hello ma'am,ano po bang maitutulong ko sa inyo?"mahinahong sabi niya.

"'Yung singsing ko ilabas niyo!"sumisigaw na sabi ng matanda.

Inalalayan ni Yani ang matanda paupo sa sofa atsaka niya ito kinausap.

"Ano po ba ang hitsura ng singsing niyo ma'am?"

"Hindi ko alam,basta bigay 'yun ng anak ko!"sigaw nito.

"Ganito na lang po ma'am,ihahatid po muna namin kayo sa room niyo at pagkakatapos hahanapin po namin ang singsing niyo!" malumanay ang tono ng boses na sabi niya.

Biglang natigilan ang matanda at napatitig sa kanya.Dahan-dahan nitong hinawakan ang mukha ng dalaga.

"Honey anak?"naluluha pa ang mga matang sabi nito.

Napakunot ang noo ng dalaga.May kakaibang kislap sa mga mata ng matanda habang nakatitig sa kanya.

"ikaw nga 'yan anak!"

Niyakap siya ng mahigpit ng matanda,yakap na tila ayaw ng bumitaw.

"alam niyo po ba kung saan 'yung room niyo?" malambing ang tono ng boses na tanong niya.

Bumitiw ang matanda atsaka ngumiti.

"Oo naman,halika ipapakita ko sa'yo!"anito na kinuha pa ang isang kamay niya.

Lumingon si Yani sa kasamahan niyang si Ellen atsaka niya ito sinenyasan na ihahatid lang niya ang matanda.

Inalalayan ni Yani ang matanda hanggang sa marating nila ang silid na inooukupa nito.

"Dito po ba kayo mami?" nakangiting tanong niya.

"Oo,dito!" naaligaga pang sabi ng matanda na agad siyang hinila papaupo sa sofa.

Habang nagkukwentuhan sila,dumating ang anak ng matanda na si Harvey.

"Naku!miss pasensiya na,may ginawa ba si mami?" nag-alalang sabi nito na agad na lumapit sa matanda.

"Wala naman po sir!May hinahanap lang po siyang singsing"

Lumungkot ang mukha ni Harvey.

"Naalala na naman niya siguro si ate!"sabi nito na sumulyap pa sa ina.

"ibig po bang sabihin nun sir,wala pong nawawalang singsing si ma'am?" paglilinaw niya.

Mapait na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Harvey atsaka ito umiling.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon