Chapter 14#Yani'sSurpriseVisits

464 15 4
                                    

"Alam mo bang darating ako kaya pinatulog mo kay papa si Andrew?"biro niya.

Nagsalubong ang kilay ng dalaga.

"Hindi no!" mabilis na sagot niya.

"Hindi ko nga alam bakit bigla na lang kinuha ni papa si Andrew kahit mahimbing na 'yung tulog nung isa." dugtong pa niya.

Napangiti si Bryan atsaka siya kinabig pahiga sa kama.

"Umayos ka nga!" ani Yani na pilit kumakawala sa pagkakayakap niya.

"Matulog na tayo!Masyado kong napagod ngayong araw!"sabi nito na lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"makikita tayo ni papa!"bulong ng dalaga.

"Alam naman niyang nandito ko!"mahinang sagot niya na noo'y ipinikit na ang mga mata.

Napakunot ang noo ni Yani.

"sinabi mo kay papa na uuwi ka?" tanong niya.

Marahan lang itong tumango habang nanatiling nakapikit ang mga mata.

"kaya niya kinuha si Andrew?" muling tanong ng dalaga.

Sa halip na sumagot bumaling si Bryan sa kanya atsaka siya hinalikan sa noo.

"Tulog na tayo!"anito na lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Hindi na siya tumutol pa at hinayaan na lang niya itong matulog ng nakayakap sa kanya.

Nang magising si Yani kinabukasan wala na sa tabi niya si Bryan.

Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at hinanap sa buong bahay ang binata pero wala na rin pati ang kotse nito.

"Umalis na si Bryan anak!" ani tatay Lando nang mapansin siyang palinga-linga sa labas.

"Bakit hindi niyo po ako ginising pa?" nakalukot pa ang mukhang sabi niya na noo'y pumasok na sa tindahan at naupo sa tabi ng ama.

"Tinawagan nung Steve eh,nagkasunog daw sa hotel!" kwento nang matanda.

Sa narinig ay agad siyang tumakbo sa kwarto atsaka niya kinuha ang cell phone niya.Nakailang tawag na siya pero hindi pa rin sinasagot ni Bryan ang phone.

Napabuntonghininga na lang siya atsaka muling bumalik sa tindahan.

"Pa anong oras po umalis si Bryan?" tanong niya ng bumungad sa tindahan.

"Alas singko!" maikling sagot nito habang nagbebenta.

"Ilang oras lang pala siya nakatulog!Nanduon na kaya siya!" wala sa loob na sabi niya.

"Malamang nanduon na 'yun,wag mo munang asahan na mahaharap pang magtext nang isang 'yun, malamang busy na naman 'yun!"

Napabuntonghininga na lang ang dalaga.

Naging abala si Bryan sa pagtulong sa mga naghahakot ng gamit papalabas ng hotel,Halos nagmukha ng basahan ang puti niyang long sleeve,dungisan na rin ang mukha niya na may bahid na rin ng uling.bakas na rin sa mukha niya ang matinding pagod pero patuloy pa rin siya sa paghahakot ng mga gamit papalabas ng hotel.

Pasado alas dose na ng tanghali ng maapula ang apoy.Napaawang na lang ang mga labi ni Bryan nang tumambad sa kanya ang pinsalang dulot ng nagdaang sunog.Halos nasunog lahat ng kwarto sa 4th floor.

"Ano nang gagawin natin boss?" tanong ni Steve na noo'y kasama niyang umakyat.

"ilipat mo lahat ng guest sa kabilang hotel,kailangan nating mag stop operation habang hindi pa naibabalik sa dati ang lahat"bagsak ang mga balikat na sabi niya atsaka siya tumalikod at binabaybay ang hagdanan pababa.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon