Chapter 6 #LDR?(8)

505 15 1
                                    

Laking pasasalamat ni Yani nang makitang maayos na ang lagay ng kanyang ama. Maayos na nitong naihahakbang ang kanang paa. Hindi tulad nang iniwan niya ito.

Matapos niyang ayusin ang bill sa ospita ng kapatid niyang si Andrew, naiuwi na rin nila ito sa bahay.

"Papa, ako na po ang magpapakain kay Andrew," aniya matapos maiayos ang mga gamit ni Andrew sa drawer.

"Anak, kumusta ka naman sa Maynila?" tanong ng ama habang pinapanood silang magkapatid.

Lumingon ang dalaga at ngumiti sa ama.
"Okay naman po ako, Papa. May mga kaibigan na po ako ro'n," kwento niya.

"Ang trabaho mo, kumusta? Hindi ka naman ba nahihirapan?" usisa ng ama.

"Naku! Madali lang po, Papa. Para lang po akong namamasyal araw-araw," nakangiting sabi niya.

"Mabuti naman kung ganun. Hindi na ako masyadong mag-aalala," ani Mang Lando.

Napalingon si Yani sa ama at nahuli niya ang pagpunas nito sa nangilid na luha sa mga mata. Tumayo siya at yumakap sa ama.

"Papa. Huwag niyo po ako alalahanin. May isang tao po roon na sa tingin ko padala ni Mama para tumingin sa akin
Lagi niya po akong tinutulungan kapag nagkakaproblema ako. Sobrang bait niya po sa akin," kwento niya.

"Masaya ako na marinig 'yan anak. Sana makilala ko rin ang sinasabi mong tao na 'yan. Gusto ko siyang pasalamatan," anito.

Ngumiti si Yani. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ni Mang Lando.

"Smile na, Papa. Matatapos rin ang problema natin." Pilit siyang ngumiti kahit nangingilid na rin ang mga luha niya sa mga mata.

Ilang araw na rin ang lumipas mula nang makauwi siya. Uti-unti nang bumabalik ang dating sigla ni Andrew. Nakakapaglaro at humahalakhak na rin ito gaya ng dati.

"Wow! Magaling na si bunso," aniya habang nilalaro ang kapatid.

"Anak, hindi ka ba hinahanap ng boss mo?" tanong ni Mang Lando na noo'y abala sa pagkukutkot ng sirang electric fan.

"Naka-leave po ako ng isang linggo, Pa," aniya.

"Pa, mukhang malala na ang sira ng isang 'yan, ah. Bumili na lang po tayo ng bago para hindi na kayo naiinitan ni Andrew," aniya habang pinapanood ang ama.

"May pambili ka pa ba riyan, anak? Mukha ngang wala ng pag-asa ang isang 'to," nangingiting sabi ni Mang Lando habang pinagmamasdan ang bulok at kalawanging electric fan.

"Meron pa po akong natirang pera. Meron pa rin po tayong panlagay diyan sa tindahan niyo, Pa. Para hindi na kayo maubusan ng allowance ni Andrew at hindi niyo na rin po kailangang bumalik sa construction site" nakangiting sabi niya.

Kinabukasan naging abala si Yani sa pag-aayos ng pinamili sa tindahan. Kaya hindi na niya nagawang nahawakan ang cell phone niya. Halos mapuno ang tindahan ng mga paninda. Siniguro niyang sasapat ang laman ng tindahan para sa magiging allowance ng tatay at kapatid niya. Binilhan niya na rin ng gatas at vitamins si Andrew na pang isang buwan.

"Anak, saan ba galing ang mga pinambili mo niyan? Hindi ba't kailan lang sinabi mong wala ka pang sasahurin?" tanong ni Mang Lando.

"Sobra-sobra po kasi 'yung perang pinahiram sa akin ng boss ko, Pa. Akala po siguro niya mahal ang bayad sa ospital. Kaya gamitin niyo na lang pong puhunan para hindi po kayo mainip ni Andrew."

"Salamat, anak,ha? Hayaan mo't pagbubutihin ko ang pagtitinda," nangingilid ang luhang sabi nito.

Gabi na nang mahawakan ni Yani ang cell phone niya. Nakailang tawag na pala sa kanya si Bryan.

"Naku! Lagot," aniya.

Dali-dali niyang tinawagan ang binata.

"Hello, Sirlr?" nag-aalangang bungad niya.

"Hello, Yani? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? May problema ba? Kumusta ang kapatid mo?" sunod-sunod na tanong nito.

"Pasensiya na po, Sir. Busy lang po kame kanina. Nag-aayos po ako ng tindahan," nahihiyang sabi niya.

"Okay ka lang ba?" sunod na tanong ng binata.

Hindi agad nakaimik ang dalaga. Para kasing may kakaiba kay Bryan. Para kasi itong boyfriend kung magtanong sa kanya.

"Yani?"

"Yes, Sir?" biglang sagot niya.

"Kumusta na si Andrew?" Lalong natigilan ang dalaga. Hindi niya akalaing matatandaan nito pati pangalan ng kapatid niya.

"Yani," nag-aalala na ang boses ng binata.

"Sigurado ka ba'ng okay ka lang?" muling tanong ni Bryan.

"Opo. Okay na okay po, Sir."

"You sounds tired. Magpahinga ka na."

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng binata.

"Sir, kayo po yata ang may problema, eh. Okay lang po ba kayo?" ganting tanong niya.

"Yeah. Pagod lang ako," matamlay ang boses na sagot ng binata.

"Marami pong meeting?"

"Medyo."

Tumagal ang kwentuhan ng dalawa hanggang sa kapwa na sila makatulog at mabitiwan ang cell phone.

Kinabukasan magaan ang katawan na bumangon sa kama si Bryan.

"Nakatulugan ko yata siya," napakunot pa ang noong sabi niya nang makita ang cell phone na nahulog sa sahig.

Napangiti siya nang makita ang morning greetings ng dalaga. Tila lalong na inspired ang binata. Nagluto pa ito ng sariling breakfast bago pumasok ng opisina.


Naging abala si Yani sa pag-aalaga at pagbabantay ng tindahan. Habang ang tatay niya naman ay abala sa pagkukumpuni ng mga sirang appliances ng mga kapitbahay. Ilang araw na lang at babalik na siya sa Maynila kaya sinasamantala na niya ang pagkakataon para maalagaan si Andrew.


Naging abala rin si Bryan sa pagpapatakbo ng hotel.

"Bryan, nag-lunch ka na ba?" Naisipang itanong ni Steve nang mapansin ang pamumutla ng binata.

"Tanghali na ba?" aniya sabay sulyap sa relos.

"Abah, alas dos na kaya. Kumain na kami kanina hindi ka pa sumabay. Nagha-hunger strike ka ba dahil hindi na bumalik ang jowa mo?" nang aasar sabi ni Steve.

"Sira! Tara kain tayo," nangingiting aya niya sa kaibigan.

"Abah! Narinig lang ang jowa na energized na!" nangingiting sinundan na lang siya ng tingin ni Steve.

Nang matapos kumain ay muling sumabak sa trabaho ang binata. Halos gabi na rin nang umuwi ito ng bahay.

"Boss, inom muna tayo sa bar," aya ni Steve nang makalapit sila sa parking lot.

"Hindi na. May hinihintay akong tawag,"vnangingiti pang sabi niya habang pasakay ng kotse.

"Abah! May long distance call," nangingiti pang biro nito.

Nginisihan niya lang ito atsaka niya binuhay ang makina ng kotse.

"Bye!"

Naiiling na lang na tinanaw siya ni Steve.

"Grabe! Hindi na niya pinapansin ang beauty ko," bubulong-bulong pang sabi nito.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon