Chapter 8 #WorryMuch! (10)

486 14 2
                                    

"Ma'am, kailangan niyo po ba ng tulong?"
boses mula sa likuran.

Napalingon si Yani. Nakangiti sa kanya ang nakaunipormeng gwardiya. Gwapo ito, matangkad at may matipunong pangangatawan.

"Tulungan ko na po kayo, Ma'am," anito atsaka inabot ang kamay sa kanya para alalayan siya sa pagtayo.

"Naku! Salamat po, Kuya," aniya habang tumatayo.

Kinuha nito ang malalaking bag at maleta niya. Kaya tanging ang maliit na box na lang ng abubot ang dala niya.

Papasok na sana si Bryan sa unit niya nang bigla itong natigilan. "Bakit ko ba siya pinagseselos? Eh, hindi naman kami," anito. Napabuga ito ng hangin bago ito muling naglakad pabalik. Pero bigla rin itong natigilan nang matanaw si Yani na kasama ang gwardiya. Bigla na lang dumilim ang mukha nito. Naglakad ito papalapit sa dalawa atsaka nito inabot ang mga bag na noo'y dala ng gwardiya. Pagkatapos ay walang kibong pumasok na ito sa loob.

Napakamot na lang sa ulo ang gwardiya sabay napangiti. "Sige po, Ma'am."

"Sige, Kuya. Salamat, ha?" nakangiting sabi ng dalaga.

Pabagsak na inilapag ni Bryan ang mga gamit ni Yani sa sala atsaka siya dumiretso sa kwarto.

"What's happening on me? Bakit ba ako nagkakaganito?" aniya matapos magpatibuwal sa kama. Habang nagmumuni-muni siya, tahimik lang habang naghihintay sa labas si Yani.

"Saan kaya ang kwarto ko?" mahinang sabi ng dalaga habang nakatanaw sa saradong pintuan ng binata.

Nag-aalangan siyang katukin ito. Kaya sinubukan niya na lang itong i-text. "Sir, saan po ang kwarto ko?" Nakapikit pa ang isang mata niya habang isine-send ang mensahe. Hindi niya 'yon idinidilat habang naghihintay siya ng sagot. Hanggang sa nangawit na ang mata niya at napadilat.

"Nakatulog kaya siya?" Mayamaya pa, bigla siyang naka-receive ng tawag mula sa Dak's chicken kaya dali-dali siyang umalis. Hindi pa naman siya opisyal na nagsisimula kay Bryan kaya sinamantala niya pa ang pagkakataon. Sayang din kasi ang kikitain niya.

Nangingiti pa si Bryan habang pinagmamasdan ang message ng dalaga. Aliw na aliw siya sa ideya na naghihintay ito sa kanya sa labas. Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya lumabas ng kwarto. Kaya nagulat pa siya nang wala na ito.

"Saan na naman nagpunta ang isang 'yon?"

Kunot ang noong binalikan niya ang cell phone niya sa kwarto. Akmang ite-text na niya ito pero biglang nagbago ang isip niya. Kaya inihagis niya na lang uli sa kama ang cell phone niya atsaka siya muling lumabas sa sala. Napadako ang paningin niya sa gawing kusina at noon niya lang napansin ang pagkaing nakahain sa mesa. Napangiti ang binata. "Ganitong- ganito 'yung inihahain na merienda sa akin ni Mama noon," sabi niya habang pinagmamasdan ang mga kakanin na nakalatag sa mesa. Excited siyang naupo at isa-isa niyang tinikman ang mga kakanin na matagal niyang kinasabikan.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin bumabalik si Yani kaya ganoon na lang ang pag aalala ni Bryan. Nakailang text na siya sa dalaga pero hindi pa rin ito nagre-reply sa kanya. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi rin ito sumasagot sa mga tawag niya.

Hindi mapakali si Bryan ng mga sandaling iyon. Panay ang dungaw niya sa bintana. Hindi na rin mabilang kung ilang beses siyang napainom ng tubig sa sobrang pag-aalala. Gustuhin man niya'ng hanapin ang dalaga pero wala siyang ideya kung nasaan ito.

Halos mapapikit na siya sa sobrang antok nang bigla siyang mapaigtad sa tunog ng cell phone niya.

"Hello, Yani, Nasaan ka?" agad na bungad niya.

Pero bigla siyang natigilan nang boses ng isang lalaki ang sumagot. Matapos makipag usap ay natatarantang hinablot niya ang susi ng kotse atsaka siya nagtatakbo palabas.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon