Papasok palang sa entrance ng hotel sina Bryan at Yani nang masalubong nila ang isang matandang babae na may hila-hilang maleta.Nginitian pa ito ni Yani.
Ilang hakbang na ang layo nila nang biglang mapatigil sa paglalakad si Yani.
"Why?" nakakunot ang noong tanong ni Bryan.
"Para kasing pamilyar sa akin 'yung matanda" aniya na muling lumingon sa likuran.
"Of course, nasa front desk ka rin ,kaya malamang na meet mo siya nung nag check in siya" nakangiting sabi ni Bryan na inakbayan na siya papasok sa hotel.
Pero tila hindi parin mapakali si Yani,muli niyang nilingon ang matanda na noo'y tila naghihintay nag masasakyan.Doon na niya ito tuluyang naalala.
"Siya 'yung mama ni sir Harvey"halos pasigaw ng sabi niya atsaka siya biglang tumakbo pabalik sa kinatatayuan ng matanda.
"Bhabe!" sigaw ni Bryan na agad ding tumakbo kasunod niya.
Hindi pa nakakasakay ang matanda kaya nahabulan pa ito ni Yani.
"Mommy,nagcheck out na po pala kayo,hindi niyo po ba kasama si sir Harvey?" malumanay ang boses na agad na tanong niya sa matanda.
"Kailangan kong makita ang anak kong si honey". sagot nang matanda na hindi man lang siya sinusulyapan.
"Anong nangyayari Bhabe?" naguguluhang tanong ni Bryan sa dalaga.
"Hindi siya okay,hinahanap niya 'yung anak niyang namatay na 2months ago pa,I'm sure hindi 'to alam ni sir Harvey" halos pabulong ng sagot niya.
Tumango-tango lang si Bryan habang tila pinagmamasdan ang matanda.
Hinawakan ni Yani sa braso ang matanda atsaka niya ito inaya pabalik sa hotel pero matigas ang ulo ng matanda at pilit nitong tinatanggal ang kamay niyang nakakapit sa braso nito.Duon na lumapit si Bryan at kunwaring inalok ang matanda ng libreng sakay para sumama ito sa kanya.Nang makasakay na ito sa kotse duon na tumakbo pabalik sa hotel si Yani para katukin sa kwarto si Harvey.
Humahangos pa ang dalaga nang pagbuksan siya ng pinto ni Harvey.
"Sir,'yung mommy niyo po, nag check out mag-isa" hinihingal pang sabi niya.
"What?" ani Harvey na halatang nagulat sa narinig.
Sinamahan niya si Harvey hanggang sa parking lot kung saan ipinarada ni Bryan ang kotse.
Naabutan pa nila ang matandang nagpupumilit nang lumabas dahil sa pagkainip.
Agad naman itong inalalayan pababa ni Harvey.
"Pasensiya na po kayo sir!" nahihiyang sabi ni Harvey.
Ngumiti si Bryan atsaka tumango.
"Okay lang po 'yun sir!obligasyon po namin ang pangalagaan ang kapakanan ng mga guest" sabi nito nang makababa at humarap kay Harvey."By the way,I'm Bryan Cha,hotel owner and CEO."aniya na inabot ang kamay kay Harvey.
Napaawang ang mga labi ni Harvey na tila nagulat sa narinig.
"Lagi kitang nakikitang nakikipag interact sa guest,I thought your the hotel manager" nangingiti pang kwento nito kasabay ng pag abot sa kamay niya.
Duon naman biglang sumingit si Yani.
"Hands on po kasi talaga si sir Bryan sa hotel,kaya minsan po napapagkamalan din siyang staff"nangingiti pang kwento niya.
Tumango-tango si Harvey na tila nag-iisip.
"Bihira sa isang hotel owner ang ganyan".nakangiti pang sabi nito.
"Oh, I forgot to introduce myself...I'm Harvey Brown,isa akong hotel critics and reviewer".dugtong nito.
Nanlaki ang mga mata nina Bryan at Yani na noo'y bumaling ng tingin sa isa't isa atsaka muling bumaling kay Harvey.
"Nagulat ba kayo?" nakangiting sabi nito nang hindi pa rin sila kumikibo.
Unang nakabawi si Bryan na muling nakipagkamay kay Harvey."Nice meeting you sir!I hope you enjoy your stay!"nakangiting sabi niya.
Nangingiti lang si Harvey habang nakikipagkamay sa kanila.
Nang makabalik na sila sa hotel agad na kinuwento ni Bryan kay Steve ang nangyari at hindi rin ito makapaniwala na sa hotel nga nila nag check in ang hotel reviewer.Hindi rin kasi ganoon kadali ang mapabilang sa hotel na bibisitahin ng isang hotel reviewer.Kaya nga 'yung ibang hotel owner kanya-kanyang diskarte para magpapansin sa social media.
"Steve,sigurado ka bang maayos ang lahat sa hotel?" tanong ni Bryan.
"Oo naman!ako pa ba?" buong pagmamalaking sagot nito.
Napabuntonghininga si Bryan.
"Sa tingin mo bibigyan niya tayo ng mataas na rating?"tanong ni Bryan.
Napatingala si Steve na tila nag-iisip bago ito bumaling sa kanya.
"Hindi ko pa siya namemeet kaya hindi ko pa masabi sa ngayon"
"Nag-isip ka pa talaga?" naiiling na sabi ni Bryan.
Sa bahay laman pa rin ng isip nang dalawa ang tungkol kay Harvey.
"Sabi ko na nga ba may kakaiba sa kanya eh!" ani Bryan na noo'y nakahiga sa sofa habang nakaunan sa hita ng dalaga.
"Talaga namang may kakaiba sa kanya eh,ang gwapo niya kaya".nangingiti pang sabi ni Yani.
Naniningkit ang mga mata ni Bryan nang hawakan nito ang magkabilang pisngi niya atsaka siya tinitigan.
"May gusto ka ba kay Harvey ha?" tanong nito.
Natawa si Yani.
"Ayan na naman siya!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ng binata.
Bumangon si Bryan at naupo paharap sa kanya.Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi atsaka siya nito hinalikan nang paulit-ulit.Sinasadya pa nitong patunugin ang bawat halik na parang humalik sa bata.
"Ayokong napapangiti ka ng ibang lalaki" anito na seryosong nakatingin sa kanya.
Hinwakan niya ang pisngi ng binata atsaka siya ngumiti.
"Ako din,ayokong napapangiti ka ng ibang babae"sagot niya.
Napasimangot si Bryan.
"Seryoso ako!" sabi niya.
"seryoso din naman ako ah" aniya na pinisil pa ang pisngi ng binata.
Hinawakan ni Bryan ang isang kamay niya na nakahawak sa pisngi nito habang nakatitig sa kanya.
"I love you!"seryosong sabi nito.
Ngumiti si Yani atsaka bahagyang inilapit ang mukha sa mukha ng binata.
"I love you more" sagot niya.
Lumuwang ang pagkakangiti sa pisngi ni Bryan at agad siya nitong kinabig at hinalikan sa labi.
"Next week bisitahin natin sina papa at Andrew" anito nang bumitiw sa kanya.
"Talaga?" nanlalaki ang mga matang sabi niya.
Ngumiti lang si Bryan atsaka tumango-tango.
Sa sobrang tuwa, sinunggaban niya ng yakap si Bryan atsaka niya ito pinaghahalikan sa pisngi.
"Thank you!Thank you!Thank you!" paulit-ulit na sabi niya kasabay ng paghalik.
Tuwang-tuwa naman na niyakap siya ni Bryan at ginantihan ng halik sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...