Chapter 7 #JelousFeeling(9)

501 16 2
                                    

Matiyagang naghintay ng tawag si Bryan mula kay Yani pero hindi ito tumawag sa kanya.

"Hindi pa rin ba siya natutulog?" nakakunot ang noong tanong niya sa sarili.

Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya nagdesisyong tawagan na ang dalaga.

Napakunot ang noo niya nang madinig ang mga nagkakaingay na kalalakihan na tila nagkakatuwaan.

"Hello sir!" bungad ng dalaga.

"Nasaan ka?"

"Nandito po sa bahay, sa may tindahan."

Dinig na dinig niya ang kwentuhan ng mga lalaki tungkol kay Yani.

"Bakit parang may nag-iinuman?"

"may lamay po kasi sa katabing bahay namin.Kaya po nakabukas pa kame.sayang din po kasi ang benta!"paliwanag niya.

"Hindi ba pwedeng si papa mo na lang ang magbantay?"

"aakyat na rin po ako maya-maya."

"Ganda! apat na beer pa nga please!" narinig niyang sabi ng isang lalaki."

Napatiimbagang ang binata.

"Huwag kang lalapit diyan."aniya na hindi na nakapagtimpi pa.

"ha?" kunot ang noong sabi niya.

Doon biglang pumasok ang papa niya.

"Ako na lang diyan anak!Matulog ka na!"

Napasandal sa headboard si Bryan nang marinig ang boses ng matandang lalaki na sa tingin niya ay siyang papa ni Yani.

Hindi umiimik si Yani habang paakyat sa kwarto.

"Hindi pa ba okay si Andrew?Kailan mo ba balak bumalik dito?" nagsusungit ng tanong niya.

"Bukas po!"maikling sagot niya.

"Bukas ka bibiyahe tapos nagpupuyat ka ng ganyan?"

"Sungit!" bulong niya.

"Paano akong hindi magsusungit pinag aalala mo ko!"wala sa loob na sagot ng binata.

"Po?" napakunot ang noong sabi ni Yani.

Mariing napapikit ang binata.

"Never mind!Matulog ka na!" anito sabay baba ng phone.

Madilim ang mukhang hinagis ni Bryan sa kama ang cell phone atsaka siya lumabas ng kwarto.Dumiretso siya sa ref at kumuha ng isang lata ng beer atsaka naupo sa sofa, habang lumalalim ang gabi nakakarami rin siya ng inom.

Tanghali na nang makarating sa Maynila si Yani,Kaya naman agad siyang dumiretso sa condo ni Bryan para maipagluto niya pa ito.

Saktong pipindutin na niya ang code nang bigla itong bumukas at bumungad ang binata.Agad niyang napansin ang hawak nitong garbage bag kaya dali-dali niya iyong kinuha.

"Ako na po diyan sir!"

Hindi naman na tumanggi ang binata at agad na inabot sa kanya ang supot ng basura atsaka ito bumalik sa loob.

"Sir kumain na po ba kayo?" agad na tanong niya nang makabalik sa loob.

Hindi siya pinansin ng binata na noo'y nanonood ng tv.Nakailang tanong pa siya pero hindi siya nito pinapansin.Hanggang sa humarang na siya sa harap ng tv para lang makuha ang atensiyon nito.

"Ano bang ginagawa mo?Huwag ka ngang humarang diyan!"seryoso at buo ang boses na sabi nito.

"Sir?Kumain na po ba kayo?"aniya na pilit ibinababa ang boses.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon