Gaya nang napagusapan nila,nagsilbing human alarm clock niya si Yani.
"Hello!" naalimpungatan pang bungad ni Bryan.
"Alas sais na po sir!" matabang ang tono ng boses na sabi ng dalaga.
Napangiti si Bryan nang marinig ang boses niya.
"I love you!" nakapikit pang sabi nito.
Sumama ang mukha ni Yani at agad na ibinaba ang phone.
Napangiti na lang sa Bryan,inaasahan na niya ang reaksyon na 'yon ng dalaga.
Hindi mawala ang pagkakangiti ni Bryan hanggang sa makapasok siya sa opisina.
"Hmp!good mood boss?" agad na bungad ni Steve.
"Anong schedule ko today?" excited na tanong niya.
"May meeting po kayo kay Engineer at architect mamayang 2pm"masiglang sagot naman ni Steve.
"Okay!" nakangiting sagot niya na nakipag appear pa kay Steve.
"Kaloka!May tama na naman siya!" nanlalaki pa ang mga matang sabi ni Steve na nagpaiwan na sa pwesto niya sa labas ng opisina ni Bryan.
Naging masigla ang araw ni Bryan,Matapos ang kabi-kabilang meeting nakuha niyang mag surprise inspection sa ilang hotel na pag-aari rin niya.
Hindi magkadantuto ang mga hotel manager sa biglaan niyang pagdating.
"Steve bakit aligaga ang mga tao?" tanong niya nang makitang agad nagpulasan ang mga hotel staff nang matanaw siyang papasok.
"Tinatanong mo pa?Alam mo namang dulo palang ng buhok mo ang matanaw ng mga 'yan natataranta na!" natatawang sabi ni Steve na kaagapay niyang naglalakad.
Matapos ang matensiyong hotel inspection umuwi na agad sa bahay si Bryan.
Naghahanda na siya sa pagtulog nang maisipan niyang tawagan si Yani.Nakailang pa ring na siya pero hindi parin ito sumasagot.
"Hay!Bakit ba ayaw mong sagutin ang tawag ko!" naiinis na sabi niya habang tinatawagan ang dalaga.
Nang hindi pa rin ito,sumagot agad niya itong tinext.
"Sagutin mo ang tawag ko!" utos niya rito.
Akmang tatawagan niya ito nang bigla naman itong tumawag.Napangiti ang binata.
"Bakit ba ayaw mong sagutin ang tawag ko ha?"agad na bungad niya.
"Sorry po sir!nasa banyo ako kanina!"
"Kumain ka na ba?"
"Opo! Sir!"maikling sagot nito.
"Kumusta ang sugat mo?Hindi na ba masakit?"
"Hindi na po!"
"Hay!Bakit ba ganyan kang makipag-usap sa'ken ha?Robot ka ba?" naiiritang sabi niya.
Doon na biglang bumuga ang tinitimping emosyon ni Yani.
"akala ko po busy kayong tao sir,pero mukhang hindi naman po pala, dahil naiisingit niyo pa po ang pagtripan ang ibang tao!"
Napakunot ang noo ni Bryan.
"Pagtripan?Sino ang nagtitrip kanino?"
"Anong tawag niyo sa ginagawa niyo sa akin sir?Hindi ba pinaglalaruan niyo ako?Ito bang kapalit ng mga utang na loob ko sa inyo?Ganito ba kayo maningil sir?Susundin ko lahat ng gusto niyong gawin ko kasama na ang paglalaro niyo sa feelings ko?"
Mariing napapikit si Bryan.Iyon na siguro ang sinasabi ng papa niya na baka ikasabit niya.
"Mali ang iniisip mo Yani,hindi kita pinaglalaruan!"
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...