Kasalukuyan na silang kumakain ng dinner nang bigla siyang tinanong ni Bryan.
"Bhabe,sino 'yung kausap mo kaninang lalaki sa lobby?"
Napatigil sa pagkain si Yani na tila nag-iisip.
"Sinong lalaki?" kunot ang noong tanong niya.
"'Yung matangkad na medyo gwapo rin!" naniningkit pa ang mga matang sabi niya.
Bahagyang napangiti ang dalaga.
"Ah...baka si Harvey" nangingislap pa ang mga matang sabi niya.
Bigla namang napatigil sa pagsubo si Bryan na halatang nairita sa naging reaksiyon niya.
"Oh ba't sama mong makatingin diyan?"nanunukso pang tanong ng dalaga.
"Ba't parang kinikilig ka?"nagsusungit nang sagot ng binata.
Natawa si Yani.
"Nagseselos ka ba?"aniya na bahagya pang tumayo at inilapit ang mukha sa binata.
Bakas sa mukha ni Bryan ang pagka asar nang umiwas ito ng tingin.
"Sino ba kasi 'yung Harvey na 'yon?" tanong nito habang kunwaring nakatutok sa pagkain.
"Anak 'yun nung matandang guest na nagsisisigaw kanina sa labi at naghahanap ng singsing".kwento niya.
Napakunot ang noo ni Bryan.
"Nagkaproblema pala kanina,bakit hindi niyo nireport sa akin?"
Tumigil si Yani sa pagkain atsaka ito tumingin sa kanya.
"Hindi naman kasi totoo na nawawala 'yung singsing niya,may pinagdadaaanan lang kasi 'yung matanda"
Ibinaba ni Bryan ang kutsara't tinidor na hawak atsaka seryoso ang mukhang tumingin sa kanya.
"Next time sabihin mo pa rin sa akin kahit maliit na isyu lang!"mariing sabi nito.
"Yes boss!"nakangiting sagot ni Yani na tila di pansin ang pagsusungit ng binata.
Lalo namang naningkit ang mga mata ni Bryan nang tumingin sa kanya.
"Bakit na naman?" nangingiting tanong ng dalaga.
"Nananadya ka ba?" naasar na tanong nito.
Natawa si Yani.Tumayo siya at mula sa likuran ay yumakap siya sa leeg nang nakaupong si Bryan atsaka niya ito hinalikan sa pisngi.
"Ang cute mong magselos!" bulong pa niya.
"Pasaway!" sagot ni Bryan na agad ding humalik sa pisngi niya.
Kinabukasan nagulat na lang si Yani nang may madatnang paper bag ng isang mamahaling brand na nakapatong sa mesa niya.
"Kanino 'to?" tanong niya kay Ellen.
"Iniwan ni Sir Harvey,pakibigay ko raw sa'yo!"
Napakunot ang noo niya at agad niyang sinilip ang laman paper bag.
Isang mamahaling shoulder bag ang laman nito.
"Nasaan si sir Harvey?" agad na tanong niya.
"Lumabas siya kanina,hindi pa bumabalik" sagot ni Ellen.
Hindi mapakali si Yani,alam niyang wala namang ibang kahulugan ang pagbibigay ni Harvey ng regalo sa kanya pero hindi pa rin siya mapalagay hanggat hindi niya iyon nababalik kay Harvey.
Nang matanaw niyang paparating si Harvey agad na kinuha niya ang paper bag at pasimpleng kinausap niya ito.
"Hello!Good morning po sir!pwede po ba kayong makausap saglit?" magalang na bungad niya rito.
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...