Dahil inspired,Nahimok ni Bryan ang mga investors na mag invest sa hotel kaya ganoon na lang ang tuwa ni Steve.
"'Boss,'yung promise mo ha?" agad na hirit nito.
"Oo na sige nah!Lalabas tayo mamaya after work!" nakangiting sabi niya bago niya ito iniwan.
Buong maghapon na nagtrabaho si Bryan at pagkatapos ay tinupad niya ang pangako kay Steve at kumain sila at nag happy- happy sa isang bar.
Malalim na ang gabi nang makauwi siya sa bahay.Sa magkahalong espiritu ng alak at pagod niya sa maghapon, agad siyang nakatulog.
Sa probinsiya,masama ang mukha ni Yani habang nakatitig sa hawak niyang cell phone.Ni hindi kasi siya naalalang itext ni Bryan.
"Sabi ko na nga ba pinagtitripan lang ako ni sir Bryan!"bulong niya sa sarili.Mag-uumaga na noon pero hindi pa rin siya natutulog.Napaigtad pa siya nang biglang sumilip sa pinto ang papa niya.
"Tulog na anak,baka busy lang 'yun,bukas pa tatawag 'yun!"
"Hindi ko naman po siya hinihintay!"nakalukot ang mukhang sabi niya.
"Bakit sino ba ang tinutukoy ko?" pilyong tanong ng papa niya.
"Papa naman eh!"nagmamakatol na sabi niya atsaka siya bumaling ng pagkakahiga patalikod sa pinto.
Napailing at napangiti nalang ang papa niya.
Alas singko nang madaling araw nang magising si Bryan.Inabot niya ang cellphone niya na nakapatong sa side table at agad niyang tinawagan si Yani pero naka off ang phone nito.
"Lagot na naman ako nito!" napasapo sa noong sabi niya.
Sa maghapong iyon hindi niya makontak si Yani.Kaya ganoong nalang ang init ng ulo niya.
"Steve,nasaan na 'yung file na hinihingi ko sa'yo!"sigaw niya sa kaibigan.
salubong ang kilay na tumayo ang bakla at lumapit sa table niya.
"Ano ka ba naman?May mens ka ba?Bakit ang init ng ulo mo?Kahapon lang ang saya-saya mo!"nakapameywang pang sabi nito.
"Nasaan na ba kasi ang file?" gigil na tanong ng binata.
"Kaloka!Nagmumurit kang ganyan!Ano? iniwan ng jowa?Ayan po ang file sa drawer niyo sir!" nang-iinis pang sabi ni Steve na noo'y siya nang nagbukas ng drawer niya.
Padabog naman na kinuha niya ito.
"Ano bang nangyari?Bakit nagtataray kang ganyan?" tanong ni Steve na naupo pa sa silya sa harapan ng mesa niya.
"Hindi ko makontak si Yani!"
"Sus!Iyon lang?" napapalatak pang tanong ni Steve.
"Anong iyon lang?Kahapon ko pa siya hindi nakakausap!" halos magsalubong na ang kilay na singhal niya sa kaibigan.
Napangiti si Steve.
"Bakit? siya lang ba ang may cell phone sa kanila?Wala ka bang ibang pwedeng tawagan?"naniningkit pa ang mga matang tanong ni Steve.Tila bigla namang natauhan si Bryan na napatayo sa upuan.
"Tama!Si Papa Lando" nakangiti nang sabi niya.
"Papa talaga ha?" nangingiting tanong ni Steve.
Hindi na siya pinansin ni Bryan at nagmamadali na itong lumabas habang tinatawagan ang numero ng papa ni Yani.
Napailing na lang si Steve na sinundan lang ng tingin ang papalabas na binata.
"Hello pa?kumusta po?" agad na bungad niya.
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...