Chapter 5 #DestinedToEachOther*7

498 19 1
                                    

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Bryan matapos niyang maibaba ang phone. Hindi niya akalain na magkakatotoo ang sinabi ng mama niya noon. Bagong lipat palang siya sa unit niya. Kasalukuyan silang nag-aayos ng gamit nang maisipan ng mama niyang pakialaman ang pass code ng pinto.

"Oh, anak. Birthday ng girlfriend mo ang code na inilagay ko, ha? 1006," nakangiting sabi ng mama niya.

"Ma, saan mo naman nakuha 'yon? Eh, wala pa naman po akong girlfriend," aniya habang inaalalayan ang ina paupo sa sofa.

"Basta. Kung sino ma'ng babae ang makapagbubukas ng pintuan mo. Iyon ang magiging girlfriend mo," anito sabay pisil sa pisngi niya.

"Ma, ang imposible naman nun. Parang sinabi mo namang hindi ako magkaka-girlfriend niyan. As if naman may magta-try manghula ng pass code ko," nangingiting sabi niya.

"Ayon ang tinatawag na destiny, Anak. Basta pagdumating ang araw na 'yon mararamdaman mo ang kabog ng dibdib mo at maaalala mong tama ako."

Napangiti si Bryan. Sabay sulyap sa larawan ng ina na nakapatong sa lamesita katabi ng lamp shade.

"Weird," aniya habang dinadama ang bilis na tibok ng puso niya.

Inabot niya ang larawan atsaka niya kinausap ang ina na para bang nasa harapan niya lang ito.

"Sinadya mo ba 'to Mama?" aniya habang nakatitig sa larawan. "Ikaw ba ang nagpadala sa kanya rito?" nangingiting sabi niya. Maaliwalas ang pagkakangiti ng mama niya sa larawan na tila ba nasisiyahan para sa kanya.

Hindi dalawin ng antok si Bryan nang gabing iyon. Nakailang beses na siyang lumabas para uminom ng gatas pero tila hindi ito umeepekto sa kanya. Sa bawat pagpikit kasi niya mukha ni Yani ang nakikita niya. Para siyang nakalutang sa alapaap. Sobrang gaan ng pakiramdam niya. "Hay! Ano ba? Patulugin mo ko," nangingiting sabi niya.

Mag-aalas otso nang umaga nang makarating sa condo si Yani. Pumasok siya sa kwarto ng binata para kunin ang iniwan nitong pera. Pero bigla siyang napaurong nang makita niya itong natutulog pa sa kama. Napasandal siya sa pinto matapos niya itong isara.

"Bakit nandito pa siya? Mali ba ako ng intindi sa sinabi niya kagabi? bulong niya.
Nang hindi makatiis, muli niyang sinilip ang binata. Mahimbing pa rin ang tulog nito.

"Hindi kaya may sakit si Sir?"

Hindi niya magawang kuhanin ang perang sinasabi nito. Nag-aalala siya na baka bigla na lang itong magising at magulat sa kanya. Ilang minuto pa siyang nanatiling nakasandal sa pinto habang tila nag-iisip, kung gigisingin niya ba o hindi si Bryan.

Maingat at dahan-dahan siyang lumapit kay Bryan. Halos pigil ang hininga niya nang salatin niya ang noo nito.

Biglang hinawakan ni Bryan ang kamay niya kaya bigla siyang napasigaw.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon