Bumibiyahe na sila pauwi sa bahay pero halatang hindi pa rin mapakali ang dalaga.Agad naman iyong napansin ni Bryan kaya inabot nito ang isang kamay niya atsaka pinisil.
"Don't look down on yourself Bhabe,mabait si papa,at isa pa mayaman na kami hindi na kailangang kumuha pa ako ng isa pang mayaman para mapangasawa!"biro nito.
Napangiti naman si Yani at yumakap na sa braso niya.
Bago bumalik sa hotel inihatid muna ni Bryan si Yani sa condo.
"Dito ka lang muna ha?magpahinga ka lang buong araw!" sabi nito na bahagya pang yumuko at humalik sa noo niya.
Sa bahay,masiglang nagluto ng pananghalian si Yani,Pakanta-kanta pa ito habang nagluluto,nilagyan niya pa ng mga dekorasyon ang pagkain na inilagay niya sa mga lunch box na dadalhin niya sa hotel.Pagkatapos ay nangingiting pinagmasdan niya ang makukulay na pagkain."Siguro naman hindi niya ko papagalitan pag nakita niya 'to!" nangingiti pang sabi niya.
Pagdating niya sa hotel agad siyang natanaw ni Bryan mula sa itaas kaya agad itong sumalubong sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" nakakunot ang noong tanong nito na agad hinubad ang suot na safety hat at isinuot sa kanya.
"Dinalhan lang kita ng pagkain mo!"nakangiting sagot ng dalaga.
"Pasaway ka talaga!delikado rito!"anito na agad na hinila siya pababa ng hagdan.
"Abah!Abah!may bisita pala tayo!" ani Steve na kadarating lang din bitbit ang pinamiling pagkain.
Agad namang yumuko at bumati si Yani.
"Hello po Ms.Steve!"
Napakunot ang noo ni Bryan nang makita ang ginawang pagyukod ni Yani kay Steve.
"Ms.Steve?" naniningkit pa ang mga tanong ni Bryan.
Alanganin namang napangiti si Steve.
"Ikaw ha?tigilan mo ang
pambubully sa girlfriend ko ha?" aniya na nilakihan pa ng mata ang kaibigan."Sus!Ano ka ba!biruan lang namin ni Yani 'yon!"anito na hinampas pa ang braso ni Bryan.
Napangiti na lang din si Yani.
Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang dalang pagkain ni Yani at pagkatapos ay nagpaalam na rin ang dalaga.
Mabilis na lumipas ang araw at muling nagbalik operasyon ang hotel.Lalo pang naging abala si Bryan sa pagpapaganda ng hotel.Pati tuloy ang pagbibigay ng posiyon para kay Yani ay pinaubaya na niya kay Steve.
Katatapos lang ng meeting niya sa mga investors nang maisipan niyang tawagan ang dalaga.Pero gaya ng dati hindi na naman nito sinasagot ang mga tawag niya.
Mula ng bumalik sa operasyon ang hotel bihira na silang magkausap ni Yani,kung hindi siya ang busy, si Yani naman ang hindi niya makontak.
Pagkalabas na pagkalabas niya ng conference room agad niyang hinanap si Steve.
"Nasaan si Yani? bakit hindi ko siya makontak?" kunot ang noong bungad niya kay Steve.
"Baka nasa biyahe!" maikling sagot ni Steve habang ang mga mata ay nakatuon sa computer.
"Biyahe?"lalong kumunot ang noo ni Bryan na napahampas pa sa mesa.
Napaigtad si Steve at salubong ang kilay na tumingin sa kanya.
"Ano bang problema?bakit ang init na naman ng ulo mo?"tanong niya rito.
"Anong posisyon binigay mo sa kanya?bakit kailangan niyang magbiyahe?"halos pasigaw ng sabi nito.
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...