Halos hindi makatulog si Bryan mula sa hinihigaan niyang mahabang upuan sa sala.Panay ang baling niya para makakuha ng magandang pwesto hanggang sa mahulog na siya sa sahig.Malakas ang naging tunog na umabot sa kwarto ni Yani na natatabingan lang ng kurtina ang pinto.Napaigtad ang dalaga at mabilis na nagtungo sa sala.Naabutan niya pa ang papatayong si Bryan.
"Okay lang po kayo sir?"
Ngumiti lang ito sabay kamot sa ulo.
"Duon ka na lang sa amin ni Andrew matulog".aniya na kinuha na ang kumot at unan atsaka hinila sa isang kamay ang binata.
"Okay lang ba?Baka magalit ang papa mo?" nahihiyang sabi nito.
"Okay lang po 'yan sir!Maluwang naman ang kama.Tabi na kayo ni Andrew".sagot ng dalaga.
Hindi kumikilos si Bryan na noo'y nakatayo lang sa sulok ng kwarto.
"higa na po kayo sir!" ani Yani na ipinuwesto na ang mga unan sa tabi ni Andrew.
Alanganing kumilos ang binata atsaka marahang humiga sa tabi ni Andrew.
Abot-abot ang kabog ng dibdib niya lalo't abot tanaw niya lang ang dalaga.
Kinabukasan nakatanaw sa bintana si Bryan habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan.
"Naku!anak,mukhang ayaw ka pang pauwiin ng langit ah?May gumuho raw lupa sa kalsada paluwas ng Maynila".sabi ni tatay Lando sabay abot ng tasa ng kape sa kanya.
"Hindi ho ba nakakahiya na kung mag iistay pa ako ng ilang araw tay?" nahihiyang sabi niya.
"Naku!walang problema sa akin anak!kaysa mag hotel ka, mas gugustuhin kong dumito ka na lang muna sa amin"
Napangiti na lang ang binata.
"Pupunta ako sa bayan baka may gusto kang ipabili?" alok ng matanda bago humigop ng kape.
"mamimili po ba kayo ng paninda?Samahan ko na po kayo!" excited pang alok niya.
Hindi naman na tumanggi pa si tatay Lando dahil gusto niya rin namang makilala pa ng lubusan ang binata.
Sa sandaling oras na magkasama sila nabatid niyang mabuting bata si Bryan at dahil duon panatag siya kung sakaling magugustuhan din ito ng anak niya.
"Bukas inaaya ako sa birthday ng bayaw ko,baka gusto mong sumama?" sabi ni tatay Lando habang papasok sila sa bahay bitbit ang mga pinamili.
"sigeh po!"agad na sagot ng binata na noo'y ngumiti sa matanda.
Napakunot ang ang noo ni Yani nang makitang tila magkasundo agad ang dalawa.
"Pa ba't di mo ko ginising?" nakasimangot na inabot niya ang bitbit ng matanda pero agad naman humarang sa Bryan.
"Sinabi na ngang bawal ka pang magbuhat eh!" seryoso ang tono ng boses na sabi nito.
Masama ang mukhang tinalikuran niya si Bryan atsaka siya bumalik sa kusina.
Nagkatinginan naman ang dalawa na kapwa pa napailing sa katigasan ng ulo ng dalaga.
Sa kusina naabutan niyang naglilinis ng plato si Yani.
Napakunot ang noo niya at agad niyang inagaw ang platong hawak ng dalaga.
"Tigas naman ng ulo!" sabi pa niya.
Hinila niya sa isang kamay si Yani papalayo sa lababo.
"Hindi ka ba talaga marunong makinig ha? Gusto mo bang tuluyan ng mabaluktot 'yang braso mo?"mariing sabi niya sabay turo sa braso nito na may benda pa.
"Kaya ko naman po sir!" katwiran niya.
"Puro ka naman ganyan eh!"
Sa narinig,biglang napaurong si tatay Lando na noo'y papasok sana sa kusina dala ang pinamiling ulam.
"Bakit ba wala kang pakialam sa sarili mo ha?Gagawin mo ang gusto mong gawin kahit pa alam mong mapapahamak ka sa huli!"mariing sabi ni Bryan.
"Sir! alam kong boss ko po kayo, pero hindi ba labas na sa pagiging boss niyo ang pakikialam niyo sa buhay ko?"seryoso ang mukhang sagot ng dalaga.
Napatiimbagang ang binata.
"Okay fine!Gawin mong gusto mo!Mula ngayon hindi na ako pakikialaman!"ani Bryan na madilim ang mukhang lumabas ng kusina.
Napailing na lang si tatay Lando.
"Bakit naman pinagsalitaan mo ng ganun si Bryan?" may himig pagkadismaya sa tono ng boses ng matanda.
"Pa?huwag niyong sabihin kakampihan niyo siya?"aniya na hindi maipinta ang mukha.
"Bakit naman hindi?nagmamalasakit lang naman sa'yo 'yung tao!" hindi lumilingong sagot ng ama habang naglilinis ng isda sa lababo.
Yumakap sa ama si Yani mula sa likuran.
"Sorry po papa!" aniya tanda ng pag-amin ng pagkakamali.
"Huwag ka sa aking mag sorry!" sagot ni tatay Lando na noo'y naghugas ng kamay at hinarap ang anak.
"Maswerte ka at may isang katulad ni Bryan na nagmamalasakit sa'yo anak" malamlam ang mga matang sabi nito
"Alam ko naman po 'yun pa eh,kaso lang po hiyang-hiya na ako sa dami kong utang na loob sa kanya"
"Iyon na nga anak eh,hindi ba mas dapat na pakitunguhan mo siya ng maayos?"
Napaisip si Yani sa sinabi ng ama.
Kakausapin niya sana si Bryan pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon dahil may kausap ito sa telepono.Nang bitiwan nito ang telepono ay nagpaalam ito sa tatay niya na may bibilhin lang sa bayan.Gabi na rin nang bumalik ito ,hula niya ay nagpalipas lang ito ng sama ng loob sa labas.
Kinabukasan umalis sina Bryan at tatay Lando.
"Bayaw happy birthday!"bati ni tatay Lando sa bayaw niyang si Marko.
Maluwang ang pagkakangiting tumayo ito mula sa umpukan at sinalubong sila.
"Bayaw,ipakilala mo naman ako sa binatang kasama mo" magiliw na sabi nito.
"Si Bryan!Ang mamanugangin ko!"nakangiting sabi nito.
Kinilig si Bryan sa pagpapakilala sa kanya ng matanda.
"Bryan anak!magmano ka sa tito mo,nag-iisang kapatid 'yan ng mama ni Yani!"sabi nito.
Agad namang lumapit at nagmano si Bryan.
"Mano po tito!"
Sunod-sunod nang ipinakilala sa kanya ang mga kamag-anak ni Yani at ang lahat ay nagpakita ng pagkagiliw sa kanya.
Habang sumasarap ang kwentuhan napaparami rin ang inom nila hanggang sa tuluyan ng makaramdam ng pagkahilo si Bryan.
"Nak,ano okay ka pa ba?"tanong sa kanya ng halos lasing na rin na si tatay Lando.
"Pa,gabi na po,hindi pa po ba tayo uuwi?wala hong kasama 'yung dalawa sa bahay" bulong niya.
Biglang napatayo si tatay Lando at pilit iminumulat ang mga mata.
"Mauna na kaming uuwi sa inyo?Walang kasama ang mga bata sa bahay" paalam nito.
Hindi na sila pinigilan pa ng mga ito dahil alam naman ng mga ito ang sitwasyon ni Yani.
Ilang saglit pa at nakarating na sila sa bahay.
"Pa,nandito na po tayo!" tawag niya kay tatay Lando na noo'y nakatulog na sa loob ng kotse.
Pilit niya itong inalalayan papasok sa bahay.
Hindi pa niya pinipihit ang doorknob kusa na itong bumukas.Bumungad sa kanya ang namumutlang mukha ni Yani.
BINABASA MO ANG
Since That Day I Met You
RomanceSi Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran pero naging mailap ang swerte sa dalaga. Sa halos araw-araw, kabuntot na yata niya ang...