Chapter 15

28 2 0
                                    

LOLO RD'S POINT OF VIEW

"Hey! Give me back my phone." Napamulat ang aking mata sa pagkakatulog nang marinig ko ang boses ni Kyler.

"Wait, dude. May titignan lang ako."

"Ano ba, Sean! Akin na kasi 'yan."

Ano bang pinag-aagawan ng dalawang 'to? Agang-aga at sa kwarto ko pa talaga. Bumangon ako at nakita ang dalawa na pagulong-gulong sa sahig. Bakit ba ayaw na lang ibigay ni Sean nang matigil na?!

"Sabing akin na 'yan."

"Wait lang kasi."

"Get out of my room. Now!" I shouted sabay talukbong ng comforter.

Narinig ko pang nagsisihan ang dalawa bago sinarado ang pinto senyales na nakalabas na sila. Tumahimik ang buong kwarto, tinangka kong matulog ulit pero hindi nagtagumpay dahil nawala na ang antok ko.

Napagpasyahan kong lumabas ng kwarto, tinignan ko muna ang orasan at nakitang alas-syete na nang umaga. Naabutan ko ang mga apo ko na sabay-sabay na nagbe-breakfast, naka-uniform na din sila. May pasok nga pala sila ngayon

"Hi, Lolo."

"Zup, Lolo. Good morning." Terrence greeted with a! wide smile.

Napailing na lang ako sa kalokohan nila at naupo na para sabayan silang kumain. Maya-maya ay umalis na din  sila para pumasok.

Ilang taon na ang nakalipas simula nung nawala si Luicia. Ilang taon na ang nakalipas simula nung nawala sina Stan at Alice. Ilang taon na ang nakalipas simula nung tumira dito ang mga apo ko. Napakabilis talaga ng mga araw. Nasa high school na ang mga apo ko at patanda na ako ng patanda. Baka mamaya ay kasama ko na si Luicia pero huwag naman sana.

Masaya ako dahil may kasama ako sa buhay. Hindi ako nakakaramdaman ng pag-iisa dahil nandyan ang mga apo ko kahit puro kalokohan lang ang ginagawa nila. Napalaki ko sila ng sabay-sabay at ngayon ay magkakasundo na sila. Yung tipong hindi na sila mapaghiwalay, kung nasaan ang isa ay nandoon din ang iba. Kapag may okasyon tulad ng birthday, pasko at bagong taon ay kompleto kaming lahat. Yung mga magulang nila at iba ko pang apo ay nabisita dito para makapag-celebrate kami. Puno ng tawanan at kwentuhan ang buong bahay kapag ganon. Pero hindi namin nakakalimutan na bumisita sa puntod nina Luicia.

Kung nasaan man sila ay alam kong masaya sila ngayon. Tanggap ko na ang mga nangyari noon kahit masakit. Miss ko na sila. Miss na miss!

***

BRIANNA'S POINT OF VIEW

"Brianna,"

Natauhan ako sa pagkakatulala nang tawagin ni lolo ang pangalan ko. Grabe, ganon pala ang nangyari sa buhay ni lolo. Ganon pala kahirap ang dinanas niya. Hindi ko pa napa-process ng ayos sa utak ko ang mga nalaman ko.

Namatay ang asawa ni lolo. Kyler and Jaxon is not a real Alonzo. Namatay sa car accident ang mga magulang nina Sean at Steven.

Kaya pala malungkot at ayaw magkwento ni Sean noong gabing iyon. Hindi ako makapaniwala na ganon pala talaga ang lahat ng mga nangyari.

"Sorry po, nabigla lang po ako sa lahat ng kinuwento niyo. Sobrang kakalungkot po. Pang-mmk na po ang buhay niyo, di joke." pagbibiro ko para gumaan ang atmosphere. Natawa lang si lolo sa sinabi ko.

Hindi na namin namalayan na magtatakip-silim na pala at malapit nang maghapunan. Nakaligtangan na namin ang  pagtatanghalian kaya pala kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Nagpaalam nako kay lolo na pupunta muna akong kwarto. Tanging tango lang ang sagot niya.

Binagsak ko ang katawan ko at pinikit saglit ang mga mata. Talagang grabe talaga ang lahat ng mga nangyari. Sobrang sakit sa utak ng mga nalaman ko kahit wala naman talaga akong utak. Alam ko ang feeling na mawalan ng mahal sa buhay dahil naranasan ko na din 'yon. Nakakapanlambot at nakakawalang-gana.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon