Chapter 20

35 4 0
                                    


"I like you, too, Enzo.."

When I said those words, he kissed me immediately, smooth and gentle. At first, I don't know what to do because I'm really shocked. Hanggang sa  tumugon na din ako. Tumagal kami ng ilang segundo at sobrang init ng mukha ko.

"I'm really not like this before. I don't like other girls the way I like you. You make my heart beats so fast..." Enzo said straight to my eyes. "...The fuck, ang corny ko!" he added.

I chuckled. "Hindi lang naman ikaw."

"When I first met you, tinamaan na'ko. Yes, una pa lang, gusto na kita."

"Pero bakit mo ako sinusungitan lagi? Attitude ka ha!" I asked.

"Because I don't want to show my true feelings towards you! I'm scared that you don't... like me back. "

"Hindi mo talaga sigurado."

"I like the way you talk, no, I love it. I love the way you act. I love your personality. I love your facial expressions. I love your smile, your laugh. From every part of your face and all things about you, I really love it."

Ang kanina pang abot-tenga kong ngiti ay hindi matanggal-tanggal. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman hinahayaan ko siyang magsalita.

"You are more beautiful than the blue sky, baby."

Dahil sa pangyayari kanina ay hindi pa rin matanggal ang saya sa aking mukha.

Napakasarap sa pakiramdam.

Nandito na ako ngayon sa aming kwarto at kasalukuyang nakatitig sa kisame, nagpapahinga dahil kanina pa ako pagulong-gulong sa aking kama. Feeling ko nga baka nagising ko si Enzell.

Pagbigyan niyo na ako dahil ngayon lang ulit ako kinilig. Nakalimutan ko na nga ang rason kung bakit ako lumabas kanina.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tanggayin na ako ng antok na may ngiti sa labi.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising ganun din ang iba. Gusto ko pang matulog pero pinigilan ko ang sarili, nakakahiya kina lolo Rd. Bago bumaba upang mag-tanghalian ay naligo muna ako at nag-ayos ng sarili. Halos lahat ay nandoon na sa hapag. Nang makompleto ay nagsimula na din kaming kumain.

Napabaling ako sa katabi kong upuan dahil may biglang umupo dito.

"How's your sleep?" Enzo asked.

Basa pa din ang kaniyang buhok dahil sa pagkakaligo. Nakaputing t-shirt lang siya at black short pero ang lakas ng dating niya sa akin. Ang ginamit niyang shampoo ay amoy ko dahil na din sa lapit niya sa akin.

"I said, how's your sleep?" ulit niya na nakapagbalik ng aking katinuan. Kanina pa pala ako nakatulala sa kaniya!

"Uh.. Okay lang,"

"That's good. Akala ko 'di ka na nakatulog kakaisip sa akin."

I glared at him. Naalala ko na naman iyong nangyari kagabi. Namula ng kaunti ang aking pisngi kaya naman umiwas ako ng tingin sa kaniya at tinuon na lang ang mata sa pagkain.

"Excuse, bawal po ang landian sa hapag." Sean shouted.

Alam kong kami ang pinaparinggan niya kaya naman lalo akong napatungo. Hindi ako makatingin sa kanilang lahat. Nakakahiya!

Hanggang bagong taon pa kami dito sa Batangas kaya naman ilang araw pa kaming mananatili dito. Lolo Rd said sulitin na daw namin ang mga araw na iyon dahil pagkatapos ay back to normal na ulit kaming lahat. Which means back to school, back to work and back to everything on what we do.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon