Chapter 5
Lumipas ang araw ng sabado na nasa kwarto lang ako. Gaya ng sabi ko, nanood lang ako kahapon ng movies. Linggo ngayon pero namomoblema na naman ako kung ano ang gagawin ko. Gusto ko sanang magmall kaso wala naman akong kasama. Alangan namang yayain ko ang mga tukmol, baka sumakit lang ang ulo ko kaya 'wag na lang.
Oo nga pala, si Francine. Bakit 'di ko naisip 'yon? May Francine pa nga pala ako. Agad akong nag-message nang makita ko ang name niya sa contacts.
Me:
Francine? Are you free today?Francine:
Yes, why?Me:
Let's go to the mall, please? I'm so bored here.Francine:
Sure:)Me:
Yes! Magkita na lang tayo 'don. I'll text the location later. Ingat!Matapos niyon ay hindi na siya nag-reply. Malamang nagreready na siya so nag-ready na din ako.
I'm just wearing a simple red dress na umabot hanggang taas lang ng tuhod ko and I paired it with white doll shoes. Hinayaan kong ilugay ang hanggang baywang kong buhok and I put a lightly make-up. Matapos tumingin sa salamin ay saka ko binalingan ang cellphone ko para malaman kung anong oras na. Kinuha ko muna ang pouch ko sa kama bago lumabas ng kwarto.
Habang pababa ay may narinig akong ingay sa sala.
"Bro, ano na? Ang tagal-tagal mo, kanina ka pa d'yan.. Baka gusto mo namang bilis-bilisan?" I heard Kyler's voice.
"Wait a minute, kapeng mainit." it's Sean's voice.
Naabutan ko ang dalawang tukmol na nagtatalo na naman. Pinagmamadali kasi ni Kyler itong si Sean sa kung ano mang ginagawa nitong tukmol na ito. Nang makita akong pababa ay saka lamang natigil ang kanilang bangayan.
"Mamaya pag-uuntugin ko kayo dyan.. Tumigil nga kayo.. Ang sakit niyo sa tenga.. " bungad ko at buti na lang sumunod sila.
"Where are you going?" Enzo asked, nakakunot ang noo.
Bumaling ako sa kaniya. "You don't care.. " masungit ko pang sagot.
"Makikipagdate ka, Rian?" Terrence asked.
"What? Kay Jungkook ba, Bri?" napasigaw na singit ni Jaxon.
Napatawa ako. Seriously? Hindi niya pa din nakakalimutan iyong tungkol doon? Nangingiting napailing na lang ako sa kanila.
"Jungkook is a K-pop idol. As if naman na makadate niya si Aya.. In her dreams.." Ouch! Sakit naman magsalita ni Steven. Baon sa heart, tagos na tagos parang regla, ews.
Napa-irap na lang ako sa kawalan.
"Alis na nga ako.. Sakit niyo sa bangs. D'yan lang ako sa mall, babalik din ako kaagad. I'm with Francine." paliwanag ko para hindi na sila magtanong ng magtanong kung saan ako pupunta.
"Wala kang bangs, Nana.." Sinamaan ko ng tingin itong si Sean. Napakaepal..
"Wait, Ria.. Your with Francine later?" habol ni Kyler.
"Oo, bakit? May sinabi pa ba akong iba, 'di ba wala na? Kaya oo si Francine, bakit? Anong meron?"
"Mas maganda kung h'wag na kayo mag-mall. Sumama na lang kayo samin.." suhestiyon pa ni Kyler.
"At bakit? Saan kayo pupunta?"
"Court.. To play basketball." sagot niya.
"Lahat kayo?" tanong ko pa bago sila pasadahan ng tingin dahil puro sila nakasuot ng jersey. Agad namang nagtanguan ang mga tukmol.
BINABASA MO ANG
At First Sight (On-going)
RomanceHave you ever experienced love at first sight? This is the story of a girl who is thirsty for parental love. Will these seven hot guys fullfill the love she wants?