Chapter 3

60 11 0
                                    

Chapter 3

"Class Dismiss.."

After we heard that ay inayos na namin ang aming mga gamit. Our morning class was ended. We're glad kasi kaunting turo lang ang ginawa ng prof namin dahil unang araw pa lang naman ng pasukan.

"Cafeteria?" Francine asked.

I nodded habang inaayos at nililigpit ang mga gamit ko. Nang matapos ay lumabas na kami ng room.

"Buti na lang hindi masyadong nagturo ang prof natin." She uttered.

Bahagya akong lumingon sa kaniya. "Dapat lang. Unang araw pa lang naman kaya ng pasukan 'no."

She nodded. "Uh, may sasabihin ako sayo pero secret lang natin, huh." She whispered. Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad papuntang cafeteria. Ang layo naman kasi ng cafeteria sa room!

"What is it?"

"Basta secret lang natin, h'wag mong pagsasabi sa iba. At h'wag na h'wag mo akong aasarin. Ikaw pa lang ang una kong mapagsasabihan nito."

"Oo nga, ano ba 'yun?"

"Ano kasi..."

"Ano?"

"Ahm..."

Mamaya magaganutan ko 'to! Ang tagal, ayaw pang diretsuhin.

"I have a crush on one of the Alonzo."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Seriously? Isa pa talaga sa mga Alonzo! Ang dami-dami d'yang iba, bakit sa kanila pa?!

But I cannot blamed her. Honestly, most of the girls in the campus have a crush on them. Okay, I admit, those tukmol are good-looking, 'yung tipong pwede na silang maging model or actor sa gan'yang edad pa lang.

"It just happened earlier. I don't know basta bigla na lang nangyari iyon. He's so handsome kasi.."

"What? Sino sa kanila, kung gan'on?"

"Si..."

"Who?"

"Kyler.." nahihiya niyang amin kaya bigla siyang tumungo. I saw her cheeks reddened.

"Why Kyler?"

"Anong bakit siya? Hindi na dapat pinapaliwanag ang bagay na 'yan. He's too good to be true.."

Napangiwi ako. "H'wag na lang siya, madami pang iba d'yan. Masasaktan ka lang sa kanya." I said with a blank expression.

"Why do you say so? Ni hindi pa nga kami magkakilala."

"Basta 'wag siya."

Kahit kakakilala pa lang namin ni Francine, ayoko siyang masaktan ng dahil sa isa sa mga Alonzo. I guess madami na silang napaiyak na babae at ayokong masama sa kanila si Francine.

Nang makarating kami sa cafeteria, hindi na siya nagsalita pa tungkol doon. Nahalata rin niya atang seryoso ako sa sinabi ko.

Habang kumakain we talk more about random things. Mas lalo ko pa siyang nakilala because of it. Limang minuto bago magsimula ang klase ay umalis na kaming cafeteria. Baka nandoon na kasi ang susunod naming prof. Ayaw naman naming ma-late.

Pagkapasok pa lang namin ng room ay malakas na sigawan ang bumungad sa amin. Napahawak ako sa tenga ko dahil doon.

"Wala tayong klase ngayon. Wala ang susunod na prof may biglang meeting daw." Bungad sa amin ng isa sa kaklase ko.

Since pwede naman daw lumabas ay inaya ko muna si Francine para magpasama maglibot sa campus dahil hindi ko pa ito kabisado.

"Janice, may maglalaban daw ng basketball. Kasali daw sina Sean at Kyler Alonzo."

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon