Chapter 1

107 13 0
                                    

Chapter 1

Tahimik ang aming biyahe. Tanging ang paghinga namin at tunog lang ng sasakyan ang maririnig. Kasalukuyan akong nakatingin sa labas ng sasakyan. Madilim na ang paligid kaya naman hindi ko masyadong makita ang dinadaan namin. Napahawak ako sa sentido ko nang sumakit ang ulo ko dahil sa maraming bagay na tumatakbo sa aking isipan.

Dadalhin ba talaga niya ako sa kaniyang bahay? Pero bakit? Parang ang bilis naman ata. Bakit parang ang dali lang sa kaniya? Hindi naman niya ako kilala, 'di ba?

"Anong pangalan mo, hija?" he uttered.

Bumaling ako sa kaniya.

I smiled. "Brianna po.. Brianna Jane Zamora.. "

"Oh, what a beautiful name. Anyway, why are you here? In this kind of place?"

Natahimik ako. Nang mapagpasyahan ko na kung sasabihin ko ba talaga ang totoong dahilan ay saka lamang ako nagsalita. "Honestly, umalis po ako sa'min.." I answered.

"You mean, naglayas?"

I nodded. Bahagya kong pinagdikit ang mga kamay ko at doon itinuon ang tingin. Hindi na ako nagsalita pa kaya naman hindi na humaba pa ang aming usapan. Mabuti at hindi na din siya nag-usisa pa kung bakit dahil hindi ko din naman siya masasagot agad. Ayoko munang pag-usapan ang tungkol doon.

Minutes passed.

"We're here." biglang sabi ni lolo Rd.

Pumasok ang aming sinasakyan sa isang malaking gate. Kahit may kadiliman ay kitang-kita ko pa din ang nakaukit na "Alonzo" sa taas nito. Marahil iyon ata ang surname ng pamilya nila. Sa una ay hardin ang makikita hanggang sa tumigil ito sa garahe katabi ng mansyon.

"Wow!" I whispered, namangha sa nakita.

"Let's go, hija." aya sa akin ni lolo Rd.

"Yes po..."

Pagkababa ko ay tahimik lang akong sumunod kay lolo. Pumasok kami sa malaking pintuan sa harap at agad bumungad sa amin ang malaking sala na may seven hot guys. Wait, what?

Halos lahat sa kanila ay walang suot na damit pang-itaas kaya kitang-kita ang kanilang matitipunong katawan, malalapad na balikat at dibdib. And infairness, may abs din.

"Shit!" bulong ko sa sarili ko.

Ano ba itong iniisip ko?

May kanya-kanya silang ginagawa. May dalawang nanonood ng basketball game sa tv, dalawang nagsasayaw, tulog, naggigitara at nagce-cellphone lang. Natigil lang sila sa kanilang ginagawa nang makita si lolo Rd.

"Hi, Lo!"

"Zup, Lolo! "

"Hey, Lolo!"

Napangiwi ako sa mga bati nila.

"Lo, who's that beautiful woman beside you?" tanong ng isa siya sa nagsasayaw kanina.

Natigilan ako.

"Mamaya ko na lang siya ipapakilala sa hapag, apo... Rosalinda," sigaw ni lolo, tinatawag ata ang kasambahay nila.

"Po?"

"Maghanda ka na ng dinner." utos ni lolo at sinunod naman ito ng matanda. Matapos niyon ay agad siyang bumaling sa'kin. "Hija, tara, ihahatid kita sa magiging kwarto mo."

Tumango ako at sumunod kay lolo gaya ng sinabi niya. Nadaanan namin ang pitong mga apo niya na nakatingin lahat sa amin. May ngumiti pa sa akin pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay yung parang masungit na nagce-cellphone kanina. Seryoso ang mga matang ibinigay niya sa akin. Nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi kaya umiwas ako ng aking tingin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon