Chapter 7
"Ang lamig.."
Tinaas ko ang comforter ko dahil wala na pala ito sa ayos at nasa paanan ko na. Bakit kasi ang lamig?
Iminulat ko ang mata ko at saka hinagilap ang phone ko para tignan kung anong oras na. And as I can see, it's only 5:30 in the morning. Kaya pala sobrang lamig, naulan tapos nakabukas pa ang air con. Tumayo ako para patayin ito kahit na bahagya pang nakapikit ang mga mata ko dahil sa antok. Nang mapatay ay lumapit din ako sa bintana at tinignan ang labas. Sobrang lakas talaga ng ulan at hangin. Natigil lang ako dahil biglang tumunog ang phone ko. It means, may nagtext.
Good morning, class. According to the announcement, we don't have classes for today because of the typhoon. For those students that still have unfinished task, please finish it. And for those students that already finished the tasks, you can now take a rest. That's all. Keep safe, my dear students.
Oh great!
Matapos mabasa ay bumalik na ulit ako sa aking pagkakatulog dahil inaantok pa talaga ako. Maaga pa naman kaya okay lang 'yon. Wala na naman din akong gagawin dahil tapos ko na lahat ng mga kailangang ipasa.
Pagkagising ko, umuulan pa din pero hindi na kasinglakas kagaya kanina. I check the time once again and it's exactly 8 in the morning. Bumangon na ako at ginawa ang aking morning routine. After that, lumabas na ako ng room ko para magbreakfast.
I stopped nang madatnan ko ang apat na tukmol sa sala na may kanya-kanyang ginagawa. Kahit maaga pa ay nakita kong nanonood ng movie sina Jaxon at Terrence while Steven is reading a book. Si Kyler naman ay cellphone ang inaatupag. Nangunot ang noo ko dahil pangiti-ngiti ang tukmol. Sino kayang katext nito?
By the way, where's the other?
Napabaling si Terrence sa akin nang makita niya ako kaya naman napatingin din sa'kin ang tatlo.
"Good morning, Rian!" Terrence smiled so I smiled back, too.
"Sarap ng tulog natin, Ria, ah. Mukhang may pinagpuyatan kagabi kaya tanghali na nagising. Siguro may textmate ka?" Kyler said, nangaasar.
What? Anong pinagsasasabi nitong tukmol na 'to? Siya nga 'tong nadatnan kong pangiti-ngiti sa cellphone niya. Sa una lang 'yan, hoy!
"Whatever.." maarte kong saad. Inirapan ko lang siya at saka bumaling kay Steven dahil alam kong siya lang ang matinong matatanungan ko.
"Hey, Steven. Where's Lolo Rd?" I asked.
Sinarado niya muna ang librong binabasa niya bago siya bumaling sa akin. "Library." tipid niyang sagot.
"E, 'yung tatlo mo pang pinsan nasaan?"
"Dave and Kuya Sean are in the—" Hindi pa natatapos sumagot si Steven ay may biglang nagsalita galing kusina.
"Nana! I'm still here, I don't leave you. Gumawa lang akong sandwich, miss mo na agad ang kagwapuhan ko. Mali 'yon, Nana. Very wrong..." Agad kong binatukan si Sean ng malakas nang makalapit siya sa akin. Muntikan pang matapon sa sahig yung ginawa niyang sandwich. Bakit ba agang-aga napakaenergetic na agad nitong tukmol na 'to?
"Kapal mo din 'no?"
"Ito naman, lagi ka na lang bang mananakit? Ang sakit-sakit na ha.. " Sean pouted habang nagpapahid ng luha kahit wala naman.
"Pareng Enzo..." Dave said.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may maramdaman akong nakatayo sa likuran ko. Hindi ako makalingon dahil pakiramdam ko sobrang lapit niya sa 'kin. Naaamoy ko kasi ang pinaghalong pabango at shower gel niya.
BINABASA MO ANG
At First Sight (On-going)
RomanceHave you ever experienced love at first sight? This is the story of a girl who is thirsty for parental love. Will these seven hot guys fullfill the love she wants?