Chapter 12

32 4 1
                                    


"I'm fine as long as I'm with you."

Katahimikan ang bumalot sa amin, hindi ako nakapagsalita. Nang matauhan pinilit ko siyang kumain, hindi pwedeng hindi siya kakain dahil may sakit siya at kailangan niyang uminom ng gamot. Pinasandal ko siya sa headboard ng kaniyang king-sized bed.

"Eat it."

"Then, subuan mo'ko."

"Aba naman!"

"Please," pamimilit niya.

"Fine," teka, bakit sumang-ayon ako? Pede naman siyang kumain ng mag-isa. May sarili siyang kamay. Wala na akong nagawa kundi subuan siya dahil nakasang-ayon na'ko.

Naiilang ako sa una habang sinusubuan siya dahil nakatitig siya sa mukha ko pero kalaunan ay nawala din dahil hindi ko na iniintindi yon. Nang matapos ay pinainom ko na agad siya ng gamot para bumaba man lang ang lagnat niya.

"Matulog ka na." hindi siya umangal sa sinabi ko at ginawa ito. Tinulungan ko na din siya sa paghiga at pag-ayos sa comforter niya.

"Thank you!"

Hindi ako umimik at tumango na lang sa kaniya. Nakita kong pinikit na niya ang mata niya,hihintayin ko siyang makatulog bago umalis. Nang matiyak kong nakatulog na siya ay aalis na sana ako pero nagdalawang isip ako na manatili muna. Tumingin ako sa kaniya at hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha niya.

Ang amo ng mukha niya, hindi halata na masungit siya kapag gising. Hindi ito ang unang beses na napatitig ako sa mukha niya habang natutulog pero hindi ko maiwas na tagalan ang tingin dito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at biglang uminit din ang pisngi ko. Para saan 'yon?

Hindi naman masamang sumubok ulit magmahal pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan ulit. Natatakot akong umiyak ulit. Natatakot akong baka hindi ako masuklian sa pagmamahal ko. Natatakot ako.

Hindi kaya may gusto na ako sa kaniya kaya ganito ang nararamdaman ko? Pero baka hindi. Baka gutom lang 'to? Hindi ko alam.

Ilang sandali ay napagpasyahan ko ng umalis. Inayos ko ang pinagkainan niya para madala na sa kusina. Inayos ko din ang nagulo niyang comforter dahil wala na ito sa kaniya. Muli kong hinawakan ang noo at leeg niya para pakiramdaman kung mataas pa ba ang lagnat niya. Buti na lang bumaba ito kahit papaano. Hindi na din siya nanginginig gaya kanina. Dahan dahan kong sinarado ang pinto ng kwarto niya upang hindi makagawa ng ingay para hindi siya magising.

"Kamusta ang pakiramdam niya?" nagbigla ako dahil may nagsalita mula sa likuran ko.

"Okay na po siya, lo." tumango si lolo Rd saka ngumiti. Nandito kami sa tapat ng kwarto ni Enzo, hawak ko pa rin ang tray na lalagyan ng pinagkainan ni Enzo kanina. "Sige po, dadalhin ko lang po ito sa kusina."

Dadalhin ko na sana ito pero pinigilan niya ako. Tinawagan niya si Ella at ito na lang nagdala sa kusina. Mabuti na din para hindi ako mahirapan dahil malayo ang kusina mula sa kinatatayuan ko. Marami kasing pasikot-sikot sa mansyong ito. Nang makita kong papasok si lolo sa library niya ay napagpasyahan kong sumunod.

"May kailangan ka?" he asked.

"Wala po, gusto ko lang po kayong makakwentuhan."

"Oh, sure."

Umupo si lolo sa single sofa habang ako ay do'n sa mahaba. Nagpadala din si lolo ng makakain para sa aming dalawa habang naghuhuntahan.

"Maraming salamat, hija."

"Para saan po?"

"Para sa lahat." tumango na lang ako kay lolo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Maraming bagay ang aming napagkwentuhan. Minsan seryoso, minsan nakakatawa. Napagtanto kong may tanong pa pala akong hindi nasasabi sa kaniya.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon