Chapter 4
Maayos namang lumipas ang mga araw. Today is Saturday at napagpasyahan kong gumising ng maaga para makapag-jogging. Gusto kong mabanat-banat ang katawan ko. Hindi 'yong lagi na lang akong nasa bahay.
I'm just wearing a gray leggings and I paired it with black sports bra and black jacket. Dala ko din ang earpods at cellphone ko para makinig ng music habang tumatakbo.
Nang lumabas ako sa aking kwarto ay tahimik pa ang buong bahay. Tanging sa kusina lang at sa labas ang may ilaw. Madilim-dilim pa din ang kalangitan at agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Malambot itong dumampi sa aking balat at hindi ko mapigilan na mapayakap sa sarili.
Habang tumatakbo ay nakikinig ako ng mga music sa playlist ko. Nang makaramdam ng pagod ay tumigil muna ako sa nadaan kong parke at nagpahinga. Umupo ako sa may bakanteng bench at saka ininom ang tubig na nabili ko kanina sa malapit na convenience store.
Ang payapa kong pamamahinga ay nawala nang may biglang umupo sa tabi ko. Nakataas ang hood ng kaniyang gray na jacket kaya hindi ko makita ang mukha niya. Parang sa pustura niya isa siya sa mga tukmol pero agad akong nagkibit-balikat. Ang alam ko ay tulugan pa ang mga iyon.
"Brianna," nagulat ako dahil bigla na lang siyang nagsalita.
Teka, ako ba tinatawag niya? Tumingin ako sa paligid pero wala namang ibang taong malapit sa kinauupuan namin. Baka ako nga.
Bumaling ako sa kaniya at nagtanong ng, "Ako po ba tinatawag mo?" hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya dahil nasa harapan lang siya tumitingin.
"Kapag nakauwi kana, sasakit ng husto ang tiyan mo at magtatae ka ng sobrang dami hanggang sa walang-wala ka ng maiire at mangangayayat ka." sabi niya. Nangunot ang noo ko at nagtaka sa sinasabi niya.
Anong pinagsasasabi nito?
Unti unti niyang binaba ang hood ng kanyang jacket at nakita ko ang walangyang si Sean na tumatawa ng malakas. Sinuntok ko ang kaniyang braso na mas lalong nakapagpatawa sa kaniya.
Tarantado!
"Gago kang tukmol ka.."
"Ito naman si Nana hindi mabiro.. Tsaka ikaw lang naman ang katabi ko kaya natural na ikaw ang kausap ko, tss."
"Why are you here?" I asked.
"For your information Miss Zamora, I am a handsome basketball player. Nagjogging ako para mas lalong dumami ang aking fucking abs." Napangiwi at napatawa ako. Fucking abs, huh?
"Whatever," I rolled my eyes at tumayo na. Bahala ka d'yan, uuwi na 'ko. I'm hungry na.
"Wait, Nana.. Tara munang magbreakfast.. May alam akong malapit na coffee shop dito." aya niya.
"No thanks, ikaw na lang." tanggi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sa bahay na lang ako kakain. Baka magpalibre pa 'tong tukmol na 'to, wala akong dalang pera.
"My treat... Bilis na, minsan lang, e."
Tumigil ako at lumingon sa kaniya.
"Okay."
He chuckled. "Basta libre, ano?"
Nang makarating kami sa sinasabi niyang coffee shop ay agad kaming umorder. Pero kaunti lang dahil kakajogging lang namin tapos kakain kami ng madami. Okay na sa'kin ang isang coffee lang at slice ng vanilla cake.
Maaga pa kaya mangilan-ngilan pa lang ang costumer na nakikita ko. Tahimik at presko ang buong lugar. Sarap siguro dito mag-aral. Maganda din ang pagseserve nila kaya nakakaengganyong bumili at kumain.
BINABASA MO ANG
At First Sight (On-going)
RomanceHave you ever experienced love at first sight? This is the story of a girl who is thirsty for parental love. Will these seven hot guys fullfill the love she wants?