Chapter 2

85 11 3
                                    

Chapter 2

Today is our first day of school.

Buti na lang at nagising ako ng maaga, baka kasi iwanan ako ng mga tukmol. Hindi ko pa naman alam kung paano ang papunta sa Rydell High. Iyon ang name ng school dito, ayon kay Steven.

Kasalukuyan akong nakatingin sa harap ng salamin, tinititigan ang sarili. I'm just wearing a white long-sleeves polo, high-waisted pants and white flat shoes since wala pa akong school uniform. Pwede naman daw itong suot ko kasi first day pa lang naman.

I took a deep breath nang maalala ko na naman ang ginawa sakin ni Warren. Hanggang ngayon ay may kirot pa rin sa aking puso. Sa tagal na naming nagsasama, nagawa niya pa rin talaga ang bagay na 'yon.

Hindi ko na namalayan na may tumulong luha galing sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan at pilit na ngumiti.

Makakamove-on din ako.

Halo-halo na ang aking nararamdaman dahil ngayon nga ang first day of school ko sa Rydell High. Nakaka-excite pero at the same time nakakakaba.

Sino-sino kaya ang mga makakasalamuha ko ngayon? Masungit kaya ang prof ko? Magiging maganda kaya ang araw ko? May magiging bagong kaibigan kaya ako?

Lumabas na ako sa aking kwarto upang pumunta sa dining para sa breakfast. Si Steven, Dave, Terrence at lolo Rd palang ang nandoon.

"Good morning, Aya." bati ni Steven.

"Aya?" naguguluhan kong tanong.

"Short for Brianna."

I shrugged. Ilang sandali pa ay sunod-sunod na lumabas sina Sean, Kyler at Enzo.

"Where's Jaxon? Para sabay-sabay na tayong kumain." Lolo Rd asked.

"We don't know, Lo. Gabing-gabi na kasi matulog kakatext sa mga chicks niya." naiiling na saad ni Sean.

"Pag-inggit, pikit.." sabat naman ni Kyler kay Sean.

"What did you just say? Mas magaling pa nga akong maglaro kaysa sayo.." asar ni Sean, sabay dila. Natawa ako sa asta niya, childish.

"Hoy, anong sabi mo?! Sa pagkakaalam ko'y ako ang mas magaling kaysa sa'yo.."

"Sa pagkakaalam mo lang 'yon.."

"What?"

"Wala.. Sabi ko, ang pogi ko."

"Asa.."

"Stop it! Ang iingay niyo!" Steven shouted, iritang-irita na sa mga kapwa niya tukmol.

"Ang iingay niyo.." panggagaya ni Sean sa kapatid.

Ngunit kahit nasaway na sila ni Steven, nagpatuloy pa rin sila sa kanilang bangayan. Sa kabilang banda, napabaling din ako sa katabing upuan ko dahil may nagbabangayan din dito. Ang dalawang tukmol na ito ay parang mga bata na nagtatalo kung sino ang tatabi sa'kin.

"Sabi nang tabi nga kami ni Bri.." inis na sabi ni Jaxon.

"Anong ikaw? I will sit here so get out of here.. Dun ka sa tabi ni Dave."  seryosong sabi ni Enzo.

Napatampal na lang ako sa noo ko. Kailan ba 'to matatapos?

"Ikaw ang nakaisip kaya ikaw ang d'on. Basta, ako ang tatabi kay Bri.."

Sabay silang napatingin sa akin nang bigla akong nagsalita. "Magsitigil nga kayo! Nakakarindi!" Then, I rolled my eyes and turned my back to them.

"Lagot, nagalit.."

Nadako ang mga mata ko kay Lolo at nakita kong napailing din siya sa asta ng mga apo niya. Maging ako ay sumakit din ang ulo. Kung gan'yan ang mga kasama mo araw-araw ay siguro maaga talaga akong tatanda.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon