Chapter 22

35 4 0
                                    

Kanina pa may sumusundot at tumatapik sa pisngi ko pero hindi ako nagpatinag sa pagkakatulog. Sa halip ay lalo ko pang itinaas ang comforter at yumakap sa malaking unan.

"Baby, wake up."

Hindi ko iyon pinansin.

Gusto ko pang matulog, ano ba?!

Mas hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa unan at isiniksik ang mukha ko doon. Pero teka, bakit parang ang tigas naman nito? At 'yung unan ko nagsasalita?

Binalewala ko ito at nagkibit-balikat na lang.

"Enjoying my chest, huh?"

Natawa ako sa isip ko. Dibdib, my ass.

Wait, dibdib?!

Iminulat ko ang mata ko at si Enzo ang unang nakita nito. Nang dahil sa gulat ay naitulak ko siya kaya nalaglag siya sa sahig. Mabilis akong bumangon at itinaas ang comforter ko para maitago ang aking katawan. Napahawak tuloy ako sa ulo ko sa biglang ginawa.

Bakit nasa tabi ko siya? May nangyari ba? I'm not virgin anymore?! Pero ang pagkakaalam ko ay mag-isa lang ako sa kwarto kagabi at ka-text ko lang siya.

Napasabunot ako sa aking buhok.

"Ouch, why did you do that?" tanong niya habang hawak ang sumasakit niyang likod.

"Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko din.

"I just want to wake you up, that's why."

"Totoo?"

He nodded. "May pasok tayo kaya gusto kitang gisingin, okay? I didn't do anything to you, baby." he pouted while saying the last statement.

My expression softened. Tinignan ko ang suot ko at nakitang ganoon pa rin ito kagaya ng kagabi.

Ano ba kasing iniisip mo, Brianna?!

Nabalot ng guilt ang buong katawan ko dahil sa nagawa ko sa kaniya. Nandoon pa rin siya sa sahig kaya naman lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang tumayo.

"I'm sorry.." mahina kong sabi nang maka-upo na kami sa kama.

Hindi niya ako pinansin kaya naman hinawakan ko ang braso niya at yumakap dito.

"I'm sorry na, hmm?"

Ngunit wala pa rin siyang kibo. Kaya naman hinawakan ko ang baba niya at iniharap ang mukha niya sa'kin. Tinignan ko ang mga mata niya papunta sa labi niya at binigyan ko ito ng mabilis na halik.

"I'm sorry, baby."

Ang naka-pout niyang mukha ay biglang nagliwanag dahil sa ginawa ko.

"Apology accepted."

Natawa ako sa karupukan niya at mahinang pinisil ang kaniyang ilong.

Minutes later ay dumiretso na ako sa banyo at siya naman ay lumabas na para hayaan akong mag-ayos ng sarili. Sabay-sabay kaming kumain ng mga tukmol, si lolo Rd ay kanina pa umalis dahil may meeting pa daw siya.

Nang makarating sa school ay kami pa rin ang pinag-uusapan ng mga estudyante. Kailan ba sila mapapagod? Kalat na din sa buong Rydell High na doon ako nakatira sa mga Alonzo.

Tatlong klase lang ang meron ako ngayon, dalawa sa umaga at isa sa hapon.

"What do you want to eat, baby?"

"Kahit ano." sagot ko kay Enzo.

"I think, walang tindang kahit ano doon."

I glared at natawa lang siya. Nasa cafeteria kami ngayon upang mag-lunch. Hindi kami kumpleto dahil may ibang inaatupag ang ilang tukmol. Si Sean ay pinuntahan ang crush niya upang sabayan itong kumain kahit hindi daw siya pinapansin nito. Ayaw niya daw sa'min sumabay dahil na-uumay na daw siya sa mga pagmumukha namin.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon