Chapter 8
"Ang hirap..." reklamo ni Francine.
Kanina pa kasi kami nagtatayo ng tent namin pero hindi namin magawa."Hawakan mo kasi ng maayos." untag ko naman.
"Oo nga.." sabi ni Chloe, kagrupo nina Francine.
Kami kasi ang magkakasama sa iisang tent. Malaki naman ito kaya paniguradong kasya kami. Hindi naman pwedeng ang mga kasama ko ay 'yung mga kagrupo ko dahil puro lalaki ang mga 'yon.
Ilang sandali ay napatigil kami sa paggawa at napalingon sa biglang dumating.
"Hi, girls.. Kanina pa kayo d'yan.." Terrence said.
"Do you need help?" Dave added, nasa likod siya ni Terrence.
"Obviously.." I answered before I rolled my eyes.
"Ang taray talaga ni Brianna."
***
"Where are they?" I asked habang nililinga ang paligid.
Kasalukuyan na kaming papunta nina Francine at Chloe sa nasabing pagtitipon para i-discuss sa amin ang mga activities na gagawin mamaya. Halos lahat ng esrudyante ay nandoon na kaya hindi ko tuloy makita ang mga kagrupo namin.
"Brianna, nando'n sila.." agad na turo ni Francine nang makita niya ang mga tukmol.
Nakisiksik pa kami bago makapunta sa pwesto nila. Buti na lang at walang nagreklamo.
"Hey, bakit ngayon lang kayo?" bungad na tanong ni Sean.
Bumaling ako sa kan'ya. "Wala ka na do'n."
He pouted. "Sungit mo talaga, Nana.. Alam mo ba na ang pagiging masungit ay hindi gamot at hindi pwedeng ipanggamot sa anumang uri ng sakit?"
I laughed. At dahil narinig din 'yon ng mga kapwa niya tukmol, nakita kong napatawa din sila.
"Ampucha,"
"What the hell, dude?"
"Saan mo nakuha 'yon?"
Matapos niyon ay nagpaalam na sina Francine at Chloe na pupunta na sila sa kagrupo nila at tanging tango lang ang isinagot ko sa mga ito.
Napabaling naman ako kay Enzo nang biglang nagsalita ito. "Sit here.." He said sabay muwestra ng katabing upuan niya.
"Kung makautos ka, ah.."
"Okay, edi mangalay ka d'yan." bagot na saad niya.
A minute passed nang marinig kong nagsalita na ang speaker. "Good day, students."
Ngunit hindi pa rin ako naupo kaya nagsalita na si Terrence.
"Rian, hindi ka pa ba uupo? Magsisimula na, nakaharang ka d'yan."
"Hindi daw siya uupo kasi mas gusto niya daw nakatayo." bagot pa ring saad ng tukmol na si Enzo.
Napatingin naman ako sa estudyante na nasa likod dahil biglang nagsalita ito. "Ate, nakaharang ka po diyan. Magsisimula na po."
At dahil wala na akong choice, padabog akong umupo sa tabi ng tukmol. Tinignan ko muna siya ng masama bago pinagkrus ang mga braso sa bandang dibdib at itinuon ang mata sa unahan.
"Good day, Students. Since nandito na ang lahat, let's start na.. Today is the first day of our camping and I will announce to all of you the activities that you should do. But before I start, let me ask a question first. May kanya-kanyang grupo na ba ang lahat?" panimula ng speaker.
BINABASA MO ANG
At First Sight (On-going)
RomanceHave you ever experienced love at first sight? This is the story of a girl who is thirsty for parental love. Will these seven hot guys fullfill the love she wants?