Chapter 18

29 3 0
                                    

"Tapos ka na?"

I nodded. "Kanina pa,"

Siya na lang naman ang hinihintay ko. Kanina pa ako tapos mag-ayos ng gamit ko. Nang matapos siya ay lumabas na kami ng room ni Francine, pupuntang cafeteria. Isang oras at kalahati ang lunch break namin kaya makakapagtagal pa kami doon.

"What's your plan on Christmas break?" she asked, kakatapos lang namin kumain.

"I don't know."

Hindi ko alam ang plano ni lolo Rd o kung may plano ba siya. Kung saan sila, doon din ako. Wala din akong plano na bumalik sa totoo naming bahay, ayoko muna sa ngayon. Pag-iisipan ko pa.

"Makikita ko sila?" I asked myself.

Nakatulala ako sa puting kisame ng kwarto ko. Kaninang dinner ay nagplano na si lolo Rd kung anong ganap namin sa darating na pasko. Sabi niya'y doon na lang daw kami sa isa sa mga beaches sa Batangas.

Darating daw ang mga magulang at kapatid ng mga tukmol. As in lahat sila. Ganon naman sadya ang kinagisnan nila kapag may okasyon ayon sa kwento ni lolo.

Kinakabahan ako. Iniisip ko lang naman na baka hindi ko sila maka-close o kung mababait ba sila. Sana,

Hindi ko na muling inisip iyon at natulog na lamang. One week pa naman bago ang Christmas break.

"Pass girl, may tatapusin pa 'ko." tanggi ko sa aya ni Francine na gumala.

Napasimangot siya sa sagot ko. Kailangan ko ng matapos iyon at maipasa dahil last day na ng pagpasok bukas. Mabuti siya at tapos na!

Wala siyang nagawa kundi umuna na. Ako naman ay nagpuntang library para maghanap pa ng ibang information para maidagdag sa project ko.

"Rian, tapos ka na?"

"Give me five minutes more." sigaw ko kay Terrence.

"Ang tagal, kanina pa!"

Napairap na lang ako sa kawalan. Hindi pa ako tapos mag-ayos. Aalis kaming lahat ng mga tukmol kasama si lolo Rd. Bago daw kami pumunta ng Batangas ay dadaan muna daw kami ng sementeryo. Kaya heto ako't nag-aayos pa ng sarili.

Lumabas na ako at naabutan silang lahat sa sala. Mga nakabusangot ang mukha kakahintay sa akin.

"Buti natapos ka pa!"

"Ang tagal,"

Sinimaan ko na lang sila ng tingin dahil sa mga reklamo nila. Akala mo naman isang taon naghintay, ilang minuto lang naman.

Matapos ang mga reklamuhan ay inaya na kami ni lolo Rd na sumakay. Sa isang van na lang daw kami para sama-sama na. Mabuti at nagkasya kami. Sakit pa naman sa ulo kapag kumpleto kami dahil ang gugulo ng mga tukmol.

May driver na kinuha si lolo Rd para hindi na daw mahirapan ang mga apo niya. Siya na din ang driver namin papuntang Batangas. Nasa mid's 30 na ata ito.

Sa front seat na lang ako umupo since ayokong katabi ang mga tukmol. Habang nasa biyahe ay sa labas lang ako nakatingin. Mabilis naman kaming nakadating sa sementeryo dahil dalawampung minuto lang ang aming biyahe.

Nang makababa ay doon dumiretso sina Sean at Steven sa puntod ng kanilang mga magulang habang kami naman nina lolo ay doon sa asawa niya. Magkakatabi lang ang puntod ng mga ito.

"Luicia, kamusta ka d'yan?" sabi ni lolo Rd habang nagtitirik ng kandila at naglalagay ng mga bulaklak sa puntod ng namatay niyang asawa.

"Advance Merry Christmas and Happy New Year in heaven, mahal." dagdag niya pa.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon