LOLO RD POINT OF VIEW
"You're still beautiful, my love."
Nakatitig ako sa aking pinakamagandang asawa na nakahimlay sa puting kabaong. Hinahaplos ang salamin nito. Para lang siyang mahimbing na natutulog pero hindi, e. Hindi na muli siyang gigising kahit kailan. Masakit! Napakasakit!
"Dad," napalingon ako sa dumating kong anak na si Stan. Pangatlo sa aming mga anak ni Luicia, kasama niya ang asawa niyang si Alice at dalawa nilang anak na sina Sean at Steven.
"Mom, bakit ka nandyan?! Wag mo naman kaming iwan, oh." hinaplos ko ang likuran ni Stan. Muli akong napaiyak dahil sa labis na pighati.
"My condolences, dad." si Alice. Pinunasan ko muna ang aking luha at tumango lang ako sa kaniya. Hinaplos ko muna ang buhok ng dalawa kong inosenteng apo saka umupo. Hahayaan ko muna silang tignan siya.
Maya-maya ay ang bunso naming anak na si David naman ang dumating. Kasama niya din ang asawa niyang si Tanya at dalawa ding anak na sina Daniel at Dave.
"Mom... No... No... Don't do this, please!" hindi ko sila kayang tignan. Lalong nadudurog ang puso ko.
Hindi nagtagal ay ang panganay ko naman anak na si Paolo ang dumating. Kasama niya din ang pamilya niya. Ang asawa niyang si Danna at nag-iisang anak na si Terrence. Nakaupo na kaming lahat at nakatitig sa kaniya. Tahimik ang buong lugar at walang may gustong magsalita.
"Dad, bukas pa daw si Lorenzo makakapunta. Kailangan pa nilang magbook ng flight." si Paolo. Tumango lang ako sa kanya.
Kinabukasan ay dumating nga ang pangalawa naming anak na si Lorenzo. Kasama niya ang asawa niyang si Ireen at dalawang anak na sina Enzo at Enzell. Kumpleto kami ngayon ng mga anak at apo ko. Lahat nagluluksa, lahat nagdudusa.
"Mommy, bakit po nandoon si lola? Bakit hindi po siya nagigising?" inosenteng tanong ng apo kong si Terrence.
Napalingon ako dahil do'n. Hindi alam ni Danna kung sasagutin niya ba ang anak niya. Nang makitang tumango ako ay sinabi niya din sa anak kung bakit nandoon ang lola niya.
"Because your lola is dead. She will never be wake up. That's why, baby. No more question na ha."
"Oh, edi wala na pong kasama si lolo sa house? Kawawa naman po si lolo mag-isa na lang po siya,e." walang umimik sa aming lahat. "Pwede po ba kay lolo na lang po ako tumira para may kasama po siya, please?"
"Me, too. Gusto ko din pong samahan si lolo." napalingon ako sa isa ko pang apo na si Dave na nagvolunteer na sa akin na lang daw sila tumira.
Hindi nakaimik ang kanilang mga magulang. Pero hindi nagtagal ay sumang-ayon din ang mga ito dahil sa pangungulit ng mga bata. Sumang-ayon na lang din ako dahil gusto ko ding makasama ang mga apo ko. Dalawang chikiting na ito.
"Rudolfo," napatayo ako sa aking kinauupuan para salubungin ang dumating.
"Amanda," ang matagal ng kaibigan ni Luiciana. Magkaibigan na sila mula bata pa. Kapatid na ang turing nila sa isa't isa. May kasama siyang batang babae, apo niya ata.
"Luicia, bakit nandyan ka na agad? Naunahan mo pa ako.... Dapat sabay tayo, ah..." nanatili akong nakatayo sa tabi ng umiiyak na si Amanda na tinitignan ang nakahimlay kong asawa.
Maya-maya ay napatingin kami ni Amanda sa mga apo namin dahil...
"Hey, that's my ball." si Enzo.
"Here." pinulot ng apo ni Amanda ang bola dahil gumulong ito sa paanan niya at ibinigay ito sa apo ko. Walang sinabi ang batang Enzo at bigla na lang itong umalis.
BINABASA MO ANG
At First Sight (On-going)
RomanceHave you ever experienced love at first sight? This is the story of a girl who is thirsty for parental love. Will these seven hot guys fullfill the love she wants?