Chapter 19

31 4 0
                                    

"Oo naman, sobra... Sobrang-sobra..."

Ngumiti lang siya sa akin at hindi na muling umimik pa. Ganoon din ako,

Matapos ng usapang iyon ay hindi na ito muling nasundan pa. Tinawag na din kami ni lolo Rd kaya pareho kaming tumayo.

Sa buong maghapon ay pamamasyal  ang ginawa ko pero malapit lang sa bahay. Ayokong magpakalayo dahil ayokong maligaw. Nag-upload din ako ng mga pictures sa instagram na ang caption ay 'Batangas' pero napasimangot lang ako sa mga comments na nabasa ko.

terrencepaul03 wow ang ganda...nung dagat

DaveAlonzo_ sanaol

alonzokyler i missed Francine:(

seanmykel andaya, di ako sinama.. Friendship over!

reyesfrancine_ I wished nand'yan din ako.. Miss u beshie;)

jaXonAlonZo I like... the view.

steven_michael Cutie.

EnzoDominic My white long sleeves is better than the one that you wear.

Matapos mag-scroll ay itinago ko na ang  aking phone at inayos ko na ang  sarili ko para lumabas ng kwarto.

"I'm Brianna po..."

"Nice name.. By the way, I'm David, Dave's dad and this is my wife, Tanya." nakangiting pakilala niya.

I smiled, too. Nasa hapag na kami para magdinner. Kakadating lang kanina ng mga magulang ni Dave at ngayon ay kausap ko na sila. Kagaya ni Tito David si Tito Paolo, sila ay parehong mabait, magaan at masaya kausap. May pinagmanahan nga talaga ang mga tukmol.

Si Tita Tanya naman ay mabait din pero parang may pagka-masungit ng kaunti. Hindi naman siya ganon sakin pero feeling ko lang, base na rin sa physical appearance niya.

"Hi I'm Daniel, older brother of Dave." he winked after he said that. Naglahad pa siya ng kamay.

Nakakahiya namang hindi tanggapin kaya tatayo na sana ako since nasa kabilang table siya para makipagkamay dito pero napatigil ako nang may biglang umapila.

"Don't do that. Kumakain tayo. " walang emosyong sabi ni Enzo.

Narinig kong nagtawanan ng mahina ang mga kapwa niya tukmol. Anong nakakatawa?

Tumawa din ng mahina si Daniel bago ibaba ang kamay. Nang matapos kumain ay nagpunta na kami sa kaniya-kaniya naming kwarto. Ngayon ang unang gabi ko dito at wala akong kasama sa silid. Hinayaan ko na lang at sanay naman akong mag-isa. Sino kaya ang gagamit ng bakanteng kama sa tabi ko?

Kinabukasan ay abala ang mga tao dahil bisperas na ng kapaskuhan. Kaming mga kabataan ay walang ginagawa dahil ang mga matatanda na daw ang mag-aasikaso para sa magaganap na barbeque party.

"Merry Christmas!" sigaw naming lahat habang nakataas ang mga hawak naming shot glass.

Kaliwa't kanan ang batian. Ang lahat ay nagsasaya. Ang lahat ay nagdiriwang.

Nang matapos ang batian ay lumayo muna ako sa pamilya ng mga Alonzo. Gusto kong hayaang mag-celebrate sila doon.

Nagpunta muna ako sa may tabing-dagat. Ang suot kong puting dress ay hinihipan ng hangin pati na din ang mga buhok kong nakalugay. Ang hampas ng mga alon ay kita ko pa din kahit na madilim dahil na rin sa liwanag na nanggagaling sa buwan at mga bituin.

"Merry Christmas, Jane!"

Muntikan ko ng matapon ang dala kong pagkain dahil sa gulat. Bakit ba bigla-bigla na lang may tatabi at  magsasalita sa tabi ko?

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon