Chapter 16

18 2 0
                                    

"Hi, pwede dito?" tanong ni Francine sa dalawang babae na nasa harap namin.

Sa tapat lang kasi nila may bakanteng upuan, puno ang cafeteria so mahirap makahanap ng pwesto. Tumango sila at nilapag na namin ang aming pagkain sa table. Nang makaupo ay napatingin ako sa katapat ko. Teka, parang mamumukhaan ko 'to. Parang nakita ko na 'to dati. Saan ko nga ba siya nakita? Tama...

"Ikaw yung nakabangga ko dati, 'di ba? Yung sa cr? Sa amusement park? Tama, ikaw nga. Ryzel Noreen, " sabi ko.

"Ah, oo. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nahihiya niyang tanong.

"Eto," sabay abot ko sa kanya ng I.D niya. "Buti napapasok ka ng guard."

"Salamat, ang tagal ko na 'tong hinahanap. Maraming salamat talaga!"

"Naku, wala 'yon. Ako nga pala si Brianna. Eto namang katabi ko ay si Francine, kaibigan ko." pagpapakilala ko habang kumakain.

"Hi, I'm Francine. Nice to meet you." nakangiting bati niya.

"Hello, magpapakilala na ako ng ayos. Just call me Ryzel na lang for short. This is my bestfriend, too. Her name is Ayesha." pagpapakilala niya din sa kaibigan niya. Ngumiti lang si Ayesha sa amin.

Nagkukwentuhan kaming lahat habang kumakain. Parehas silang magaan at masarap kausap, dagdag pang madaming chika si Francine, akala ko talaga dati ay mahinhin ang babaeng ito pero nung makilala mo ay may itinatagong daldal din pala. Same.

Pero mabilis lang ang pagkukwentuhan namin dahil nagpaalam na agad sila dahil baka ma-late daw sila sa next class nila. Kami naman ni Francine ay may kalahating oras pa bago magsimula ang susunod naming klase.

Sayang, gusto ko pa sila kausap pero wala nang oras. Siguro next time na lang ulit kapag nagmeet kami.

Tumambay muna kami ni Francine sa cafeteria, ubos na din ang pagkain namin. Ang kinauupuan namin ay nakaharap sa entrance kaya naman kitang-kita namin kung sino ang mga pumapasok. Maya-maya ay napatingin ako sa pinto dahil may biglang dumating. Hindi lang isa kundi anim. Sino pa ba? Edi 'yung magpipinsang ungas. Kung nasaan ang tae, nandoon ang langaw.

Nasaan si Steven? Siguro nasa library na naman 'yon.

Akala ko ay didiretso sila sa counter para umorder pero sa table namin sila dumiretso. Tumingin ako sa paligid, ang daming table na bakante, kakaunti na lang ang mga estudyante dahil nasa kanya-kanya na silang mga klase. Wow, magkakatugma.

Pero ang mga tukmol na ito ay dito pa sa amin nagpunta. Pang-apatang tao ang pwede sa table namin, si Enzo at Terrence lang ang naunang maupo sa harap namin. Si Kyler ay humila ng upuan para doon tumabi kay Francine na nasa kanan ko. Hindi ko pa din natatanong kung sila na nga ba talaga dahil nakakalimutan ko din itanong. Si Dave ay nasa kanang side ng table na kaharap namin at humila din siya ng upuan. Bakit parang magmemeeting kami?

"Bakit nandito kayo? Ano ba?! Umalis ka nga dyan, sa lamesa ka pa talaga umupo."

"Ang sungit mo naman, Nana. Uupo lang, e." inirapan ko lang si Sean.

Nakita kong kumuha din siya ng upuan at tumabi sakin. Tinuon ko na lang ang sarili sa cellphone pero hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko dahil kita ko sa peripheral vision ko na may nakatitig sakin. Napasulyap ako kay Enzo pero binawi ko din agad ang tingin ko. Hindi ko kaya, masyadong seryoso.

Nakaramdam ako ng pagka-uhaw kaya naisipan kong bumili ng inumin. Hindi pa ako nakakatayo ay may naglapag na ng drinks sa harap ko. Napatingin ako sa nagbigay nito.

"Wow, akin yan?" Sean asked.

"No, bro. Buy your own drinks. Here, Bri." baling niya sakin.

"Thank you, Jaxon." kukunin ko na sana ito kaso may biglang humablot ng mabilis at ininom ito.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon