Chapter 24

16 2 0
                                    

Big smile plastered on every student's face. Kahit ang kanilang mga magulang ay hindi maalis ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Sino'ng hindi sasaya kapag tinawag ang pangalan mo sa entablado, 'di ba? Syempre lahat naman.

Kasalukuyan kaming nasa Rydell High na at ang buong pamilya Alonzo ay nandito maliban lang kay Kuya Daniel na hindi sumama dahil may pupuntahan lang daw siya saglit. Ang inuupuan namin ay nasa unahan kaya naman kitang-kita namin ang mga nangyayari sa taas ng entablado.

I sat beside Enzo. Pwede naman daw kung saan na umupo since wakas na pagbati na lang naman ang nagaganap. Nang bumaling ako kay Lolo Rd, nakita ko ang saya sa kanyang mga mata.

Sino ba naman hindi sasaya kung ilang beses kang umakyat sa stage? Siya kasi ang umakyat para sa akin, kay Sean, Steven, Kyler, at Jaxon. May mga award pa ang mga apo niya kaya nakailang balik din siya. Si Steven ang may pinakamaraming award sa amin.

"Makakapunta ka mamaya?" I asked Francine. Kakatapos lang ng program namin at kasalukuyan na kaming kumukuha ng mga litrato.

May party kasing magaganap sa mga tukmol mamaya after ng dinner namin sa isang kilalang restaurant na napili nila. Paniguradong malaking pagdiriwang ito.

"I don't know, Brianna. But maybe makapunta ako after din ng dinner namin. I'll text you na lang later." she said. I nodded at pinagpatuloy na ulit namin ang pagkuha ng mga litrato.

Pagkatapos kasi nito ay hindi namin alam kung magagawa pa ba namin ito. Magka-college na kami at paniguradong bihira na kami magkikita at magkakasama.

I stopped when I felt a hand on my waist. "Baby," Enzo whispered.

Because of it ay naging dahilan iyon ng pagkakaroon ng kiliti sa sistema ko. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan.

"Why?" tanong ko.

"Let's go?" he said softly.

Tumango ako at nagpaalam na kay Francine na kailangan na naming umalis. Niyakap ko muna siya ng mahigpit saka nagpaalam na din sa mga magulang niya. I bit them a goodbye and they just waved and smiled at me. I'm happy that she have a lovely parents.

Before we go to the restaurant where we eat our dinner, dumaan muna kami sa sementeryo. Papalubog na ang araw and it was so beautiful and relaxing.

"I'm sure that Stan and Alice are very proud to the both of you." Lolo Rd said to Sean and Steven.

Ang dalawa naman ay walang imik at parehong nakatingin lang sa lapida ng kanilang mga magulang. Sa kabila ng kaingayan, kakulitan at kalokohan nila sa araw-araw lalo na si Sean, hindi mo mahahalata na may pangyayari sa kanilang buhay na hindi mo inaakala. Hindi mo mahahalata na sa bawat ngiti nila ay may pangungulila pala sila sa kanilang mga magulang.

Matapos niyon ay umalis na kami at umuwi muna para magpalit ng damit at mag-ayos. Pagdating namin ay kitang-kita na agad sa garden ang mga tauhan na nag-aayos para sa party mamaya. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at agad na nagshower.

Before going downstairs, I took a last glanced at the mirror, checking myself again. I'm just wearing a red dress and I paired it with my black pointed toe heels. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko and I put a little bit makeup.

"Ang ganda mo, Ate." bungad ni Enzell nang makababa ako. She's wearing a dress, too.

I smiled. "You, too."

Iginala ko ang tingin sa buong sala at ang mga tukmol ay halos nandoon na. Iba't ibang outfit ang nakita ko at talaga namang napakalakas ng dating nila. Pogi, ah.

"If Luicia was here, I'm sure that she was glad. Even Stan and Alice, too." Lolo Rd said while we are eating.

Yeah, Lolo. I'm sure pati ang Lola ko.

At First Sight (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon