-2-

10.5K 257 6
                                    

*

"Hmm..."

Tila nababaliw siya sa ibinigay sa kanya ng estranghero na isang malalim at mapusok na halik. Sabik na sabik silang dalawa sa kanilang ginagawa. Halos mapugutan din sila ng hininga sa kanilang ginagawa.

Kung saan-saan umaabot ang kamay ng estranghero sa kanyang katawan. Siya naman ay nagpapadala sa sensasyong bawal pero nakakabaliw.

Nasa may higaan na sila. Hindi niya alam kung sinong kwarto ito. Hindi niya rin kilala ang estranghero na kahalikan niya ngayon.

Dahan-dagan siya nitong nilapag sa malambot na higaan pero hindi pa din napuputol ang kanilang halik.

Nung bumitaw ang estranghero sa halik ay hinabol niya ang labi nito pero ang mukha nito ay dahan-dahang hinubad ang kanyang damit at pumunta ang ulo nito sa kanyang dibdib.

Binugnot niya ang buhok nito dahil nababaliw na siya sa sensasyong ibinibigay nitong lalaking kahalikan niya. Hindi niya pa nakita ang mukha nito.

There's lust and desire building on her body. Dinilaan ng estranghero ang kanyang pusod papunta sa kanyang V line. Bumibigat na rin ang kanyang hininga.

Hinubad ng estranghero ang kanyang panty at doon siya natauhan.

"Huwag!"

Ngunit nanghihina siya nung tinignan siya ng lalaki. Dahil may buwan sa labas, nakita niya ang mata nitong magaganda. May balbas. Matangos na ilong. Nakapuwang na labi.

"AAH!"

Napabangon ako sa kama. Sinong hindi mapapabangon kung ikaw ay nanonood ng porn sa iyong panaginip! At ang masaklap ay ako ang babaeng may kahalikan na lalaking maganda ang mata! Ok na sana kaso GOSH! First time kung mag wet dream!

Bumangon ako sa kama kaso napaigtad ako sa sobrang sakit ng aking ulo. Napabalik ako sa pag-upo dahil sobra talagang sakit ng aking ulo.

Tinignan ko kung anong oras na. 6:10 na pala.

Bumaba na ako para makapagluto na ng agahan.

*

"Magandang umaga Mrs. Mendez!"

"Magandang umaga rin sayo, hija. Oh, saan ang punta mo?" Nagdidilig siya ng halaman malapit sa bahay nila.

"Papasok na po ako sa trabaho. Sige po at pupunta na po ako!" Nginitian ko naman siya at saka nag wave ng kamay.

"Mag-iingat ka hija!"

Naglalakad-lakad ako at sa wakas ay may jeepney na rin papuntang siyudad. 6:58 pa naman at makakaabot pa rin naman ako sa aking destinasyon. 20 minutes lang naman ang layo ng aking pinagtatrabahuan. Alas otso pa kasi ang pasok doon. Ioorient lang naman kami ngayon sabi ng manager namin at siguradong bukas na bukas ay marami na kaming trabaho.

6:18 ng makaabot ako sa isang tv network company. Dito ako nag-apply since I am a college graduate with a degree of BA Communication. Ang dream ko kasi noong elementary ay ang maging artista. Nagbago noong high school instead na maging artista ay maging direktor o maging producer. At dumating ang college years ko ay nagpursige akong nag-aral para makapagtrabaho ako sa aking dream company. Ang Xero TV. Maganda rin kasi ang school na napasukan ko sa probinsya at maimpluwensyang eskwelahan rin yun kasi isa yung state university. Kahit hindi kagandahan ang ibang grades ko noon, I did try my best just to pass the entrance test, medical test at interview. Akala ko sa TOR ako papatayin, yun pala dapat maging pursigido tayo sa lahat bagay kung gusto natin ng magandang buhay. Dahil pinagpala ako, welcome to Xero TV where your channel is always at its best quality and the 1 company here in the country!

Pagpasok ko sa may glass door ay binati ako ni manong guard tapos binati rin ako ng ibang empleyado. Ngumingiti lang ako dahil nahihiya ako. Ganito ba ang feeling pag maraming bumabati? Feel na feel ko kasi ang artista feel! Na pag marami ang bumabati ay WHOOOH! Nakakahambog! Hahaha! Feel ko kasi ang ganda ko! Ok, pakisapak sa along sarili. Sumusobra na kasi eh!

Nang makapasok ako sa isang office, maliit pa ang bilang na nandoon, maaga pa kasi.

May mga nakakausap rin ako, mga natanggap sa trabaho katulad ko. Nagkekwentuhan kami kung anong place of originality nila tapos ang kanilang school at kung ano-ano na yung topic na napag-uusapan namin.

Malapit ng mag 8 ng pumasok ang head ng department sa office para sa orientation para sa mga bagong na hire. Mga ilang minuto rin at pagtatak ng 8 ay agad kaming nagsimula. Akala ko filipino time ang mga tao na nandirito. Kaya pala nangunguna ang kompanyang ito ay dahil sa kanilang madisiplinang pamamalakad. Palangiti ang mga tao rito. Hindi mo malalaman kung peke ba o hindi pero ok na rin yun.

*

"What a very beautiful day mga inday!" Sigaw ng katrabaho kung si Lilia. Ang weird niyang manamit pero cute naman siya kaya ok nalang.

"Pero okey lang at nakita ko naman si Pappi Jay! Ang hot niya!" sigaw rin na katrabaho na si Joseph o mas kilalang Sephine. Ayaw niyang magpatawag ng Joseph, dapat lang daw na Sephine ang itatawag sa kanya kundi Goodbye Philippines, Hello Dreamland!

"Ay, kay gwapo naman kasi ng hayop na iyon!" Pagsang-ayon naman ni Riko aka Rika. Sinapak naman siya ni Sephine.

"Anong hayop? diyos ng kagwapuhan yun! Was na see ang oven toaster na body sis?"

"Oo nga. Ang hot kaya ni Pappi Jay!" Agad naman akong sinamaan ng tingin ni Sephine.

"Hoy, Cyrateh! 'Wag kang mang-agaw ng tawagan!" Cyrateh ang tawag niya sa akin dahil maganda daw ang name ko. Gusto lang daw niya itong murderin kaya hinayaan ko nalang.

"Ok, Fafa Jay nalang. Happy?" At nagpeace sign naman ako.

"That's bettah!"

Tawa kami ng tawa kami dito sa may hallway. Papauwi na kasi kami. Nang malapit na ako sa may exit ay may tumawag sa akin.

"Ms. Alejandro! Wait!"

Tumigil naman ako sa paglalakad at sinabihan ko sila na mauna muna sila.

"By Cyrateh! Kitakits tomorrow! Mwuah!"

"Ingat kayo!" At nagwave naman ako ng kamay sa kanila. Agad akong pumunta doon sa tumawag sa akin. Hinihingal pa ito.

"Yes po? Ano po ang kailangan niyo sa akin?" Tanong ko dito. Nang mahimasmasan ito ay agad itong nagsalita.

"I'm sorry Ms. Alejandro for disturbing you but the head manager wants to see you at his office, immediately. "

"Ok, thank you." Agad naman akong tumungo sa elevator at pinindot ang 10th floor. Ayaw ko mang-aminin pero kinakabahan ako.

Pagkaabot ko sa 10th floor ay agad akong pumunta sa head office ng head manager. Kumatok ako. Sa pangalawang katok ko ay agad sumigaw ang nasa loob na papasukin ako.

Pagbukas ko ng pintuan ay agad akong namangha sa loob nito. Ang daming trophies, certificates at awards!

Nakita ko naman agad ang head manager. Bumalik naman ang kaba ko. Bakit kayo pinatawag?

Busying-busy ito sa kanyang ginagawa. At ng maramdaman naman ang presensya ko ay agad nitong ibinaba ang binabasa. Nasa mga 40s na ito. At teka, ito yung nag-interview sa akin!

"Good afternoon sir, pinapatawag niyo raw ako?"


"Good Afternoon also Ms. Alejandro. I just want to inform you that there will be changes about your work first thing tomorrow."

Unti-unti akong kinabahan. Nanlalamig ang kamay ko sa sobrang kaba.

"B-bakit po sir?"

"You will work at the office pero hindi na mabibigat ang ibibigay na trabaho sayo run dahil you will become a PA to a certain artist. We will also double your salary. If it's ok with you?"

StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon