Hi guys! Are you one of my Hell Mary readers? If you are one, ipagpatuloy ko pa ba yun? Gusto ko na kasing gumawa ng fanfic about Jiminshi my loves! Omegash don't me. Akin lang si Jimin. Kaya gagawa ako ng fanfic namin. Hahaha!
By the way, I know gusto niyo ng update agad. Hindi naman sa busy pero minsan kasi tatamaan ka talaga ng katamaran kaya isa siya sa dahilan kung hindi agad ako makaupdate. Para makaupdate ako sa next chapter, 30 votes and 30 comments sa chapter na ito para gora sa next. Hahaha!
Happy 82K READS and 2K VOTES!
*****
"Sorry if I disturb you... Gusto ko lang kasi ng may makausap."
We're here at this fragile moment where I hold the hand of my vulnerable son. Nasa may upuan lang si Dino habang nakatingin sa amin. May nakasuporta na oxygen sa aking anak dahil hindi na siya makahinga ng maayos.
"It's okay. Nandoon naman si Kuya Luis para gabayan si Dianna." He smiled. An uplifting smile.
"Hindi ko kasi alam kung sino ang kakausapin ko. Pasensya na rin kung nagpaadvance pay ako. Huwag kang mag-alala, pag magaling na ang anak ko, magdodoble kayod na ako." Nakatingin pa rin ako sa anak ko na natutulog. Bigla may isang butil na luha ang nakawala sa aking mata.
"Kailan ang operation niya?"
"Mamayang gabi 'yong inischedule ni doc." Pagkatapos ng ilang minuto na katahimikan ay biglang bumuka ang mga mata ni Craig at binigkas niya ang mga salitang noon hindi ko binibigyan ng pansin.
"Ma.."
Bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay bilang pagsasaad na hindi ko na siya iiwan.
"Anak nandito lang ako ha. Magpapalakas tayo okay? Hindi ka na iiwan ni mama."
"Ako...lakas...para...kay...mama" At ngumiti ito na parang inaasure nito na magiging okay siya. Hinalikan ko ang mga kamay niya at hinagkan ito.
DINALA NA si Craig sa ICU para sa kanyang operasyon. Hinintay ko si mama na dumating dahil kinuha niya pa ang mga gamit ni Craig. Hindi ako mapakali kaya nagdasal ako sa labas ng ICU ng may biglang humawak sa kamay ko. Tinignan ko kung sinong humawak nito ng mapagtanto kong hindi pala ako nag-iisa dito. Nandito pala si Dino at binigyan niya ako ng ngiting alam niyang ikagagaan ng loob ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Alam mo yung anak mo, nakita ko sa kanya ang determinasyon na gumaling. Kaya magpalakas ka sa kanya."
Tinignan ko siya at binigyan niya naman ako ng ngiti.
"Salamat." Sinuklian ko rin ang ngiti na binigay niya sa akin. Alam kong makakaya ito ng anak ko. "Kamusta na pala ang upcoming movie ni Dianna?"
"Nagphotoshoot na sila ngayon tapos next week ang taping nila. Hindi pa kasi nagpapakita ang director. Ang alam ko lang kasi ay busy pa ito kaya ang assistant director muna ang nandoon sa photoshoot. "
"Hindi ba't mukhang malaswa 'yong ibang scene? Nabasa ko kasi 'yong script ni Dianna." Tanong ko sa kanya. Bata pa pa talaga kasi si Dianna para sa ganoong role.
"Pinag-usapin iyon ng team ng maagi. Papalitan ata o may magdodouble kay Dianna. Hindi rin naman namin ipapahamak ang among munting prinsesa para sa ganoong scene." Pagpapahayag ni Dino.
"Tanong ko lang ah, bakit ba kinuha ni Diana iyong role? Eh pwese naman siyang humindi dahil marami namang nakaline up na role sa kanya."
"Iyon nga ang paliwanag namin sa kanya eh."
"Eh, bakit 'di niyo pinigilan?" Bigla itong bumuga ng hangin na parang nagsasabi na wala silang magawa. Tumingin ako sa kanya na nakatingin sa kawalan.
"Paborito niya kasi ang direktor eh. Simula ng magdebut ito sa industriya, palagi niya nalang itong pinapangarap na makatrabaho. Syempre bilang isang kapatid, di ko naman kayang makitang masaktan ang kapatid ko dahil tinanggihan niya ang makatrabaho ang paborito niya direktor. So, iyon wala na kaming nagawa." Bigla siyang tumingin.
"Kilala niya pala ang direktor? Bakit hindi ito sumipot sa press conference? Bakit hindi rin pinakilala ng team?"
"Dahil ang executive producer lang at ang lead actors ang dapat munang makakaalam. Ininsist ko kasi na dapit rin namin malaman kung sino ang makakatrabaho niya. Kaya ayon nalaman namin na iyong paborito niya palang direktor ang makakatrabaho niya." Hindi maipaliwag ang aking mukha sa aking narinig. Pero hinay-hinay kung inalisa at ng mapagtanto ay kumibot ang aking labi sa kakaisip.
"Malalaman mo rin kung sino siya. Basta ang alam ko sikat siyang direktor sa Europa."
"NICOLAS, ba't hindi mo na ako pinapansin. Hoooy nicolas! Naman eh." Tinawagan ni Dianna si Nicolas. Naging malapit silang magkaibigan dahil sa teleseryeng 'prinsesa' na nag-eere pa rin sa Xero TV. Naging busy ang schedule ni Dianna kaya nakalimutan niya na ang ikamusta si Nicolas."Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Nicolas kay Dianna.
"Nasa bahay ako ngayon. Hoy, hindi mo sinagot ang tawag--" Binabaan siya nito ng tawag. Bigla siyang napahilot sa kanyang sentido. Hindi na niya maipapaliwanag kung ano ba talaga sila ni Nicolas. Lagi itong nakangiti sa kanya kung magkikita sila, binibigyan siya ng pagkain nito at mga regalo. Pero ang sungit sungit kung makatawag. Lahat ata ng tawag niya sa binata ay sinusungitan siya nito.
Humiga siya sa kanyang higaaan at maya maya ay gigil na gigil itong pinasasabunit ang kanyang mga unan. "Hay nako sayo Nicolas Edison Alcaraz! Lagi mo nalang pinapagulo ang isip ko."
Mga ilang minuto ay may bumusina sa kanilang gate. Baka ang kuya Dino na niya ito na naggaling pa sa hospital. Alam niya ang sitwasyon na kinahahaap ng kanyang PA na si Cyra kaya binigyan ito ng limang araw na leave dahil sa susunod na linggo ay magsisimula na ang kanilang taping.
Hindi na siya nag-abala na buksan ito dahil meron naman ang kanilang katulong kaya humiga nalang muna siya at nag-iisip kung ano ba ang kasalan niya kay Nicolas.
Maya-maya ay may kumatok sa kanyang pintuan.
"Pasok po."
"Dianna, may naghahanap po sa inyo." Sabi ni manang kuring.
"Sino po sila manang?"
"Hindi po nagpakilala eh." Napasabunot siya sa narinig."
"Paki sabi nalang po na bababa na ako."
Isinirado niya ang pintuan at nagmamadali si Dianna. Pumunta siya sa wardrobe at nanalamin. Nagbabakasakali na si Nicolas ang nasa ibaba. Kaya nagperfume siya para sigurado na mabango siya. Agad siyang lumabas sa kanyang kawarto. Habang bumaba siya ay hindi niya makikita ang mukha nito dahil nakatalikod ito. Nang makababa ay agad siyang pumunta sa sala at nabigla siya sa kanyang bisita.
"Kuya Lucas?"
![](https://img.wattpad.com/cover/23931505-288-k206201.jpg)
BINABASA MO ANG
Stalker
Ficção Geral"Stalking is unwanted or obsessive attention by an individual or group toward another person. Stalking behaviors are related to harassment and intimidation and may include following the victim in person or monitoring them."