"You are hired! Congratulations Miss Alejandro! You can start your work the day after tomorrow."
I am so happy that I get a job! Its been three months since I graduate in college. Its my first time to apply for a job and know, I am totally a worker!
Nagpasalamat naman ako sa interviewer ko at nagmamadaling lumabas sa kwartong iyon.
"YES!" Napatingin naman ang mga tao sa paligid.
Eh, kasi nakakatuwa lang na may trabaho na ako at makakatulong na ako sa mga gastusin namin sa bahay doon sa probinsya.
I immediately call my parents para naman hindi na sila mag-aalala sa akin.
"Hello?"
"Ma! May trabaho na po ako!"
"Cyra, anak . . . umuwi ka na dito." bigla akong kinabahan. Akala ko pa naman matutuwa siya na may trabaho na ako.
"Ma, hindi po ba pangarap niyo rin pong matulungan ko ang mga kapatid ko?" untag ko rito. Umupo muna ako sa may bench malapit lang sa pagtatrabahuan ko.
"Anak. . . U-umuwi ka na."
"Ma, wag po kayong mag-alala dahil buwan buwan po ako magpapadala tsaka hindi niyo na po kailangang magtrabaho. Tapos pakisabi kay itang, konting tiis nalang." ngumiti ako sa alaalang iyon.
" 'Nak. . . umuwi ka na."
"Si Mama oh naging iyakin na. Basta ma wag na wag kayong mag-alala sa akin dito. Kayo ko naman po ang sarili ko. Sige Ma, ibaba ba ko na to. Love ya!"
Ibinaba ko na ang tawag at saka nagsimula na akong maglakad papuntang pasakayan ng jeep. Nakakatuwa na nakakalungkot ang nangyari ngayon sa buhay ko. Nakakatuwa kasi agad akong natanggap sa aking inaapplyan. Nakakalungkot kasi ako lang nandito sa siyudad habang nasa probinsya ang pamilya ko.
Malapit na ako sa may pasakayan ng may bumangga sa akin. Nagmamadali itong sumakay sa jeepney na sasakyan ko pauwi. Magrereklamo sana ako kaso lumingon yung nakabangga sa akin.
"Sorry," at nagmamadali itong sumakay doon sa may front sit. Tumango nalang aki dahil natakot naman ako sa bangas ng pananalita nito at sa mga tattoo sa katawan nito. Hindi ko ito nakita ang kabuuan nito dahil naka shades ito at naka cap, isama pa na nagmamadali rin itong sumakay sa unahan.
Paunahan kasi ang pasakayan nila rito sa siyudad dahil maraming mga tao na nag-aabang ng jeepney rito.
Sumakay nalang ako sa may likuran at nakipagsiksikan.
*
Nakauwi naman ako na maayos kahit halos mahimatay ako sa baho ng kili-kili ng katabi ko kanina sa jeepney.
Binuksan ko ang gate ng aking bahay. Nangupa ako ng bahay dito sa may subdivision sa siyudad. Mumurahin lang ito at marami rin akonh mga kapitbahay. May guard rin sa subdivision kaya panatag na ako rito.
Pumasok ako sa bahay at ang makikita ko lang rito ay ang maliit na mesa at may isang upuan. Wala pa akong sofa pero bibili rin ako pagmakakapag-ipon na. 2 storey room kasi ang bahay na narenta ko. May isang CR at dalawang bedrooms. May mini kitchen rin.
Nilock ko ang pinto at saka pumanhik pataas para pumunta sa aking bagong kwarto. Pagbukas ko rito ay agad bumungad sa akin ang nakakalat na mga maleta ko. Hindi ko pa kasi nailigpit ang aking mga damit.
Humiga muna ako at natulog. Magpapahinga muna ako.
*
Alas-dos trienta y uno ng umaga ng magising ako. Para kasing may nakatingin sa akin. Tumingin ako sa paligid ng aking kwarto. Wala namang tao doon dahil nag-iisa lang naman ako. Posible naman kung multo dahil hindi naman ako naniniwala roon. Tumingin rin ako sa may bintana. Tumingin sa labas. Wala namang tao.
Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa pagtulog.
*
Kinabukasan, nagluto ako ng maaga para sa aking umagahan. Pagkatapos nito ay magluluto ako ng spaghetti at mamimigay sa kapitbahay ko. Gusto ko kasing may makilalang kapitbahay.
Pagkatapos kong magluto ng spaghetti ay inilagay ko ito sa may pinggan at nilagyan ng foil.
May dala akong dalawang pinggan. Una kong binigyan ay si Mrs. Mendez. Mabait naman si Mrs. Mendez at nag-iisa nalang siya sa bahay nila. Nasa ibang bansa kasi ang asawa niya. Nag-uusap usap lang kami at napag-alaman ko na may mga asawa na ang dalawang anak nila. Ang isa ay wala pang asawa pero malapit narin daw.
Nagpaalam ako kay Mrs. Mendez at nagpasalamat naman ito sa spaghetti na bigay ko. Pumunta ako doon sa kabilang bahay. May kalakihan ito. Nagdoorbell ako. Mga ilang segundo ay walang sumagot ay nagkibit balikat nalang ako at pumunta sa ibang bahay.
Mga tatlong bahay rin ang aking nabigyan ng spaghetti. Mga may pamilya ang mga nabigyan ko. Natutuwa naman ako na may kakilala na ako rito sa subdivision.
Alas sais na ng gabi ng mapagtanto kung umuwi. Maghahanda pa kasi ako dahil bukas na ang simula ng aking trabaho. Dapat paimpress at first glance!
Tinignan ko ang aking phone at nakita ang text ng aking ex best friend. Aba't nagtext ang hinayupak!
At ito lang naman ang laman ng text niya.
From Jella:
Thanks bitch, I'm happy that you let him go.Paki ko sa text niya?
Kahit nairita ako sa text niya ay tinext ko siya.
To Jelai:
R.I.P. Garcia. Both of you.
BINABASA MO ANG
Stalker
Ficção Geral"Stalking is unwanted or obsessive attention by an individual or group toward another person. Stalking behaviors are related to harassment and intimidation and may include following the victim in person or monitoring them."