-23-

1.8K 56 32
                                    

"What?" Natulala kong sabi kay Cedrick. Hindi ko na lubos maisip na ang taong iniiwasan ko ngayon ay nasa harapan ko na.

"Do you know that Cole was expecting you to be there?!" Hinawakan niya ang aking braso ng napakahigpit.

"T-teka let me expl--"

"Explain what? That your new MAN is more important than your OWN CHILD? "

I slap him hard. Nabitawan niya ako dahil sa aking ginawa. Wala naman akong lalake ha aside from Cole na nasa kanyang puder at si Craig na nasa akin. Ganyan na ba ang tingin niya sa akin?

Mga ilang segundo kaming tahimik at binasag ko na ang katahimikan.

"Ikaw pa rin pala ang dati kong kakilala na si Cedrick. Hindi marunong makinig at napakamakasarili." Tuluyan ng nahulog ang mga butil ng luha sa aking mukha. Pinunasan ko ito gamit ang aking palad.

Tumalikod ako sa kanya para bumalik sa tent ni Dianna. Ilang hakbang palang galing sa lugar namin kanina ng bigla siyang nagsalita.

"I think you are not ready to meet Cole? Don't you?"

Lumingon ako sa kanya at hinintay ang susunod niyang sabihin.

"You have wasted your time last week." Bigla siyang ngumisi na nagpakilabot sa aking katawan. I know that malicious smile.

"The day after tomorrow at Plaza Cleopatra. 9 pm. Ayaw na ayaw ko ng malate. Gusto mo naman makasama si Cole diba?"

Umalis na siya at nakatulala pa rin ako. Mabigat na buntong hininga ang ginawad
ko. Ayaw ko ng gawin ito pero kung para sa anak ko, ito nalang ang natatanging paraan.

Bumalik ako sa tent na mugto aking mata. Nakita ni Diana ang aking ekspresyon.

"Is it about your son?"

Wala akong ibang maisip kundi tumango nalang. Ayaw kong makipag-usap kahit kanino kaya niligpit ko nalang ang mga kalat.

Bakit ba napunta ako sa ganitong sitwasyon?

Bumalik na si Diana sa set at alam kong kailangan kong pumunta doon. Baka maghinala pa na may iniiwasan bako doon sa set. Kinuha ko ang tubig at minifan dahil mga ilang eksena pa ang kanilang tatapusin bago matapos ang araw na ito.

Pagkaabot ko sa set, nabigla ako kasi ang tahimik. Ang unusual lang na wala ni isa ang nagsasalita. Tinignan ko bawat isang crew na nandoon at nakita ko ang eksena kung saan normal na nagkakaroon ng pag-uusap ang bawat karakter. Pero nung lumingon ako kung nasaan ang direktor napagtanto kung bakit lahat ng tao ay tahimik na ginagawa ang kanikanilang trabaho.

Ang mukha ni Cedrick ay kasing lamig ng yelo sa antartica. Kung kanina lang ay para itong bulkan na sumabog at kasing init ng lava ang tingin na ipinupukol nito sa akin.

"CUT!" Sabi ni Cedrick. " Diana, better give me an expression that I need in this frame."

"Sorry po direk. I'll try po."

"Do not try. DO. IT." in his most poker face of all.

Bumuntong huminga si Diana. At humarap ito sa akin para sumenyas na kailangan niya ng tubig.

Agad naman akong lumapit sa kanya dala ng tubig pero bigla akong napatigil ng may nagsalita.

"Did I say BREAK, Ms. GONZALEZ?" Tanong ni Cedrick kay Diana.

Agad akong napatingin sa kanyang gawi at ito ay nakatingin kay Diana. Napunta agad ang aking mga mata kay Diana. Ibinaba niya ang kanyang ulo sa kahihiyan na ginawa ni Cedrick.

Sana lang hindi niya idadamay si Diana sa aking gulo.








"Damn! Nakakahiya talaga! I know I've done it better. Pero ano pa ba ang kulang dun?" Kwento ni Diana habang naiiyak dito sa Van.

Pauwi na kami at unang idadrop si Diana dahil gusto na rin nito magpahinga.

Kanina ay pinipigilan nitong umiyak habang nagtetaping kami. Dahil sa pagkakaalam ko, halos lahat ng nakatrabaho ni Diana na mga direktor ay iniispoiled siya. Iyan ang narinig ko. Baka naging emosyonal siya dahil una niya itong na encounter.

"Kuya, can I back out to this movie?" Tinawagan niya ang kanyang kuya Dino.

(No, you can't back out! May contrata tayong pinermahan. Malaking danyos ang gagawin mo Diana.)

"Kuya naman eeeh! I swear my reputation just got screwed."

(Diana, I know you're young but remeber what daddy told us...)

" 'If life give us challenges, we'll use it as a tool to mold us and become a better and stronger person.' "

(Now, that's right. Our little sister is now growing.)

"Cuz as if time can stop us growing. But anyway kuys, thanks for the reminder." At ibinaba niya na ang kanyang cellphone. Alam kong malungkot siya pero ano bang dapat gagawin?

"Diana, okay lang iyan. Tandaan mo na mga pagsubok lang iyon. Bata ka pa naman, marami ka pang maabot dito sa industriya na ito." Iyon lang ang nasabi. Tumingin ito sa akin sabay tango.

Hindi ko naman alam magcomfort pero natutuwa ako sa sarili ko na sinabi ko iyon sa kanya. Sana makatulong.

Pagkadrop namin ni Diana ay inihatid rin ako ni Manong sa aking bahay. Pagkaabot ko doon ay napaisip ako sa mangyayari sa susunod na mga araw.

Gustong-gusto ko na makita si Cole. Gusto kong makinig sa mga ikukwento niya sa akin. Gusto kong makita itong ngumiti sa akin. Gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya. Sana naman hindi ipagkakait ni Cedrick na maging nanay ako ni Cole kahit sa sandaling panahon.

Napaupo ako sa sofa at agad hinanap ang aking phone sa bag. Tatawagan ko sina nanay at kakamustahin si Craig.

Idadial ko na sana ang number ni nanay ng may tumawag na uknown number.

Sino kaya to? Wala naman akong ibinigay na number kahit kanino. Mukhang international call ito dahil iba ang number nito dito sa Pinas.

Nag-aalinlangan akong sumagot pero ilang segundo ang lumipas ay napagisipan ko na sagutin ito.

(Cy, remember me?

StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon