-3-

8.3K 218 5
                                    

"GET OUT IN HERE! YOU. . .YOU UGLY, PATHETIC,WOMEN IN RED! IDON'T WANT YOU TO BECOME MY PERSONAL ASSISTANT!" napailing nalang ako. Hindi ko rin siya gustong maging amo no.

She is Diana Gonzalez. The ever gorgeous 15 year old girl. She is the Primetime princess of Xero TV. Laging nangunguna ang kanyang ratings sa kanyang bagong teleserye na "Prinsesa". Nagsimula siya sa industriya noong tatlong taon na ang nakalipas. Napakagandang bata pero napakasama ng ugali.

"Diana, kailangan mo si Cyra para mapadali lahat sa mga kinakailangan mo sa iyong taping." Sabi ni Mr. Benjamin sa namin.

"BUT SHE IS SO UGLY! I DON'T WANT HER TO BECOME MY PERSONAL ASSISTANT!"

"But then you don't have a choice." At saka umiiling na umalis ang head namin. Ako nalang at ang batang iyon ang naiwan. Tumingin siya sa akin ng masama. Umiling nalang rin ako at saka sinimulan na ang trabaho ko.

Kinuha ko ang mga kakailanganin niya sa set. Ako ang bagong Personal Assistant niya kasi gaya ng sinabi ko kanina, napakasama ng ugali ng batang 'to. Base sa aking naririnig sa sabi-sabi sa kompanya, marami na raw'ng PA ang batang ito na hindi nagtagal sa trabaho. Baka ako rin, hindi ako magtatagal sa ugali ng batang to. Pero kailangan kong kumayod para mapag-aral ang aking kapatid na nag-aaral na rin sa kolehiyo. Dapat mataas ang aking pasenya sa trabahong ito kundi mawawalan din ng saysay ang pakikipagsapalaran ko dito sa Manila.

"URGH! BILISAN MO! MALELATE NA AKO!" sabay walk-out sa kanyang dressing room sa loob ng kompanya. Bumuntong hininga nalang ako. Nako, mukhang mapapasabak ako sa gyera nito.

PAGKAABOT namin sa set, hingal na hingal na ako. Naman kasi, 'tong demonyita batang ito, ang daming gamit na pinapadala na ewan ko naman kung kakailanganin niya.

" Diana and Reighla, get ready in 20 minutes." Sabi nung isang crew sa demonyitang batang 'to.

Tumingin naman ang demonyita sa akin. "Get my dress. 'Yung pinakamaganda." Tumango naman ako bilang pagtugon. Kinuha ko sa van ang kanyang susuotin sa kanyang take. Aalis na sana ako ng makarinig ako ng tunog ng parang ringtone. Tinignan ko kung nasa loob ba ng van at doon nakita ang phone ng batang iyon na may tumatawag. Kinuha ko naman iyon at ng pumunta ako sa tent. Pagkaabot ko doon, halos hindi na maipinta ang mukha ng batang demonyita.

"YOU ARE 5 MINUTES LATE." Sabi naman ng batang demonyita. Napataas ang kilay ko. Ano ako si flash? Na sa isang iglap lang mawawala't-makikita mo?

Papatulan ko na sana nang makita niya na hawak ko ang phone niya.

"Why are you holding my phone? Are you trying to steal it?" sabi niya ng may diin.

Ito na ang pagkakataon ko, "Well, if you excuse me there is this somebody that has been calling you In your phone and for your information, I can buy any phone that I want." Inirapan ko ito at ibinigay ko naman sa kanya. Mukha naman siyang napahiya at agad iyon kinuha at tumingin ng masama sa akin. Nang tumingin siya kung sino ang tumawag sa kanya, agad lumambot ang kanyang ekspresyon.

"Hello Kuya! Napatawag ka." Tumalikod nalang ako baka kasi sisigawan na naman ako nito mamaya.

"Yes, kuya. Mamaya? Sasama ba sina daddy at mommy? . . . Ah, ganun ba. Sige mamayang 7 nalang. . .May nakita na pala ako kuya. . . Sige. Ingat ka kuya! Magpagwapo ka ha? Mwuah!" at Narinig ko na binabaan niya ng tawag ang tinatawag niyang 'kuya'. Nang tuminngin ako sa kanyang nakasimangot na naman ito na tumingin sa akin. May sasabihin pa sana ito kaso naunahan ko na siya.

"Magbihis ka na. You only have 10 minutes left." Masama naman akong tinignan nito. "Oh, sisimangot kaba jan o magbibihis ka na? Gusto mo ako magbihis sayo?"

Simangot itong umalis sa tent. Napailing nalang ako. Masunurin naman pala eh.

"Wow! Kahit kaming mga crew at staffs hindi namin mapasusunod 'yung batang 'yun pero 'yung ginawa mo kanina napakaunbelievable!" sabi ng isang babaeng staff sa akin. Ngumiti naman ako at umupo dahil kanina pa ako nakatayo.

"Ako nga pala si Wella, lights director. PA kaba ni Diana?"

Tumango naman ako. Hindi ko kasi feel na makipag-usap sa mga tao ngayon.

Mukhang nabasa naman ni Wella ang nasa isip ko. "Okay ka lang ba? Hindi ka kasi nagsasalita?"

"Okay lang ako. Pagod lang ata ako."

"Masanay ka na. Nga pala, ano ba ang name mo?"

"Cyra." Mukhang doon naman siya nag-iisip ng malalim. Ako na naman ang nagtanong sa kanya.

"Ikaw, okay ka lang ba? Parang nung narinig mo ang name ko hindi ka na kumibo." biro ko sa kanya.

"Para kasing pamilyar 'yung name mo eh. Saan kaba nag-aaral noon?" tanong naman niya na kinunutan ko ng noo. "Sa Southeast Asian University. Bakit?"

" 'Yung apilyedo mo?" Doon halos nagtataka na ako. Para rin kasing pamilyar ang kanyang mukha sa SAU "Alejandro".

"IKAW NGA! TOTOO NGA!"

"Totoo na alin?"

"Na isang salita mo lang, mapapasunod mo ang mga tao sa SAU. Kaya pala! Ikaw pala yun. May ginagamit kaba na gayuma para mapasunod ang sila sayo?"

StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon