Hi guys! Thank you so much for reading this story. By the way, I have made some changes about the story since I want all of you to understand yung stories ng bawat characters. Pati kasi ako hindi ko na naiintindihan ang flow ng story. Since alam ko na kung ano ang isusulat ko, maybe I'll try to make some updates.
So these are the changes I have made:
1) The name of Diana's brother before is Angelo and I change it to Dino.
2) Diana's age before is 13. I change it to 15.Sorry guys sa abala. And pwede bang magdemand ng thoughts? Comment naman kayo jan oh. Well, enjoy reading this update!
- - -
I ripped that paper off. I hate to assume pero sana hindi yun para sa akin. Pumasok ako sa loob ng aming room at agad na nahiga.
How can a simple kiss can trigger so much memories?
You know what, isa lang akong hamak na probinsyana na nangangarap ng magandang buhay para sa aking pamilya. Dahil sa hirap ng buhay, kailangan kong kumayod sa murang edad. Para makapag-aral, naging eskolar ako at nagtatrabaho bilang isang working student sa isang mayamang pamilya sa aming lugar. Nagsasideline ako. Nagtitinda ng mga produkto tulad ng mga make-up, pabango, damit, kahit na ano para lang may ipangdagdag sa aking pag-aaral.
Doon din nagsimula ang aking kalbaryo.
"Aling Nita, tulungan mo naman akong makapasok jan sa pinagtatrabahuan niyo po oh? Malapit na po ang pasukan. Kailangan ko po ng pera para pangkolehiyo. "
"Naku Yrang, mahirap makapasok dun sa pinagtatrabahuan ko. Kailangan mo ng lakas ng loob para makapagtrabaho dun." Kwento no aling Nita sa akin.
Si Aling Nita ay nag-iisang babaeng kapatid ng aking ama. Isa siya sa mga tinitingala kong nanay. Napakapositibo ng kanyang pananaw sa buhay. Noon, gustong-gusto niyang mag-aral kaya nakapag-aral siya ng sekundarya dito sa aming lugar. Ang aking ama ang nagpa-aral sa kanya noon kasi pursigido siya na makapag-aral. Naging isa siyang valedictorian sa kanilang batch. Gusto niya sanang mag-aral sa kalehiyo pero nagkasakit ang lolo kaya lahat ng naipon ni itang na pera na para sana sa pangkolehiyo ni aling Nita ay ipinanggamot nalang kay lolo. Sa kanya akong natutong mag-english kasi bata palang ako ay tinuturuan niya na ako. Kahit nung nagkaasawa na siya at may mga anak, tinuturuan niya parin ako dahil gusto niya na ako ang tumupad sa kanyang bigong pangarap.
"Kahit ako nalang po ang humarap sa kanila. Sige na po."
"Mailap ang Doña sa mga tao Yrang eh. Hindi nga iyon lumalabas sa kanilang bahay. Minsan ko lang siya nakita sa personal. Pero kung para sa kinabukasan mo, susubukan ko."
"Salamat Aling Nita! Napakalaking utang na loob po nito para sa akin." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya.
Kinabukasan, pinuntahan ako ni Aling Nita. Sinabihan niya ako na papapuntahin raw ako sa bahay ng mga Benitez ngayon at personal ko raw na hingin ng trabaho kay Doña Celina. Agad akong nagbihis para sabay na kami ni Aling Nita sa bahay ng mga Benitez. Sobra akong kinabahan pero kailangan kong magpakatatag para may pangtustos ako sa aking pag-aaral.
Nang makarating kami sa bahay nito, nalula ako sa laki nito. Bahay pa ba 'to? Sobrang laki kasi eh. Mukhang mansyon ata 'to eh.
Mas lalo akong kinabahan nung dinala ako ni Aling Nita sa isang napakagandang hardin. Pagpasok ko sa hardin, naaamoy ko ang iba't-ibang klaseng amoy ng bulaklak. Ang daming halaman dito. Napalapit ako sa puting rosas dahil kaakit-akit ang kulay nito. Sinimoy ko ito ng may nagsalita sa aking likuran.

BINABASA MO ANG
Stalker
Genel Kurgu"Stalking is unwanted or obsessive attention by an individual or group toward another person. Stalking behaviors are related to harassment and intimidation and may include following the victim in person or monitoring them."