-5-

7.8K 187 14
                                    

UMUWI ako sa bahay na naguguluhan. Sino ba naman kasi ang hindi maguguluhan kung napapalibutan ka ng maraming weirdo sa iyong pinagtatrabahuan?

Binuksan ko ang pintuan sa aking bahay. Pinailaw ito agad na dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang basong tubig para inumin ito. Inalala ko pa ang mga nangyari noon.

Hindi naman kasi ako kasikatan sa SAU—o di kaya ng dahil sa isa akong dj sa school noon. Pero hindi naman pinahihintulutan na malaman ng mga estudyante sa SAU na malaman ang totoong pangalan ng dj sa aming school. Isa akong dj sa SAU noon since isa akong estudyante ng BA COMM. Sabi ng head ng department namin na isang requirements sa freshmen na makaduty sa radio station ng aming school since maliit lang ang population namin. Kaya naging dj ako at binigyan ako ng timeslot from 4 to 6 pm, Wednesday only. Kala ko nga noon na hindi magboom yung program na ibinigay sa akin. Nakakakaba talaga. Pero nung marami ng nagrequest ng mga songs, doon na pinaextend ang program ko from Wednesday at Friday.

Pumanhik na ako papunta sa kwarto ko para maghilamos at matulog. Nanghumiga na ako, naalala ko pa noon ang ganda ng naging experience ko bilang isang dj. Hay, sana hindi nalang nangyari ang isang bagay na 'yun.

Natulog nalang ako na may takot sa isipan.

SAKTONG ALAS TRES ng umaga na nagising ako. Hindi ko alam kung bakit ang aga kung nagising. Para kasing may nakamasid sa akin. Tinignan ko ang pintuan. Ba't hindi nato naka lock eh sa nilock ko ito bago ako matulog. Tumayo ako para ilock ito pabalik ng may yumakap galling sa aking likuran. 'Di ko na alam ang gagawin ko ng mga oras na 'yon pero talagang tumatambol na ang aking puso sa takot. Agad-agad akong tinakpan nito ng panyo na may malakas na amoy. Sa panahon na iyon hindi ko na alam basta nakatulog ako na hindi alam kung panaginip ba 'yon o totohanan ang nangyayari. Pero may isa akong hinding-hindi makakalimutan, ang kanyang mga magagandang kulay abo na mata na nakatiingin sa akin.

NAGISING ako sa lakas ng tunog ng aking cellphone. Pagtingin ko nito may isang unknown number na tumawag sa akin. Sinagot ko ito, "Hello?"

"Wala ka bang planong pumasok? It's already 10 am!"

Agad kong nilayo ang aking cellphone sa aking tainga. Anlakas kasing maksigaw ng demonyitang 'to eh! Ansakit lang sa bangs! At the same time tinignan ko rin kung anong oras na. Sheyt, it's already 10:14 na nga! Pupunta pa naman kami ng Batangas para sa kukuhanang scene ng demonyitang Dianna na 'yon.

Dali-dali akong bumangon para maligo at magbihis. Trientra minutos ang nagugol kong oras para makapaghanda. Simpleng white sleeveless lang at pinatungan ito ng black na blazer at tsaka pinarisan ito ng simpleng jeans at chucks. Dinala ko na rin ang aking sunnies at biscuits para baon kung gugutumin ako.

Kapag minalas ka naman, walang jeep o maskin taxi manlang ang dumaan kaya napagtanto kong maglakad papuntang gate ng subdivision. Dahil sa sobrang init, nagmamadali akong tumakbo papunta sa isang waiting shed doon sa may unahan. Pagkaabot ko roon ay dali dali kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Diana.

"BA'T WALA KA PA RITO? MALELATE NA AKO SA TAPING KO!" Bungad sa akin ng demonyitang batang 'to.

"Papunta na ako diyan."

" 'Wag na, kami nalang ang kukuha sayo! Itext mo nalang ang address kung nasaan ka na! Leche!" at sa ako binabaan ng tawag. Nakunakunako!

Napaupo nalang ako sa inis. Nako kung hindi ko lang kailangan ng trabaho, matagal na akong nagresign. Itinext ko nalang siya sa address kung nasaan ako ngayon.

Dahil sa inip naglaro nalang ako ng COC, para hindi ako mabore sa kakahintay. Nang biglang may nagsalita.

"Do you live here?" napatingin naman ako sa nagsalita. Ito 'yong lalakeng nakabangga sa akin doon sa may pasakayan ng jeep noong isang araw! Iyong napakaraming tattoo!

"Did I scare you?" Alanganin naman itong nagtanong sa akin. Agad naman akong napailing.

"No, I'm just not used to see people having tattoos on their body. And to answer your first question, actually yes," at inoff ko nalang ang aking phone. Parang ang rude kasi pag nagpatuloy pa ako sa paglalaro ng COC habang may tao na nakikipag-usap sa akin.

Mga dalawang minutos rin kaming tahimik doon ng napagtanto ko

ng magtanong sa lalakeng kumausap sa akin kanina.

"Dito ka rin ba nakatira, Mr?" Alanganin kong tanong dito.

"Yes, I am Lucas Monteiro and you are?" at inextend ang kanyang kanang kamay. Tinanggap ko naman ito.

"Cyra Alejandro." At nginitian ko ito. Nabigla naman ako ng halikan nito ang kamay ko na nakatingin sa akin. Sa mga oras na yun, mukhang kilala ko ang mga mata nito.

Sa ganoon ring lagay kami naabutan ng batang demonyita.

"Kaya ka pala late kasi nakikipaglandian ka pala! Hindi ka na nahiya sa boss mo na naghintay at nagsundo sayo!" sigaw nito sa akin. Hindi na ito bumaba sa van. "Bilisan mo at halika na—Kuya Lucas!"

Parang tuod na bati nito sa katabi ko.

"Diana." At nginitian lang ito. Nagpaalam nalang ako nito at tsaka nagmamadaling sumakay sa van. Tinignan ko muna nito samay window at tsaka ito nginitian ng paumanhin. Napailing naman itong lumakad papunta sa ibang daan.

"NAKU at mabuti nalang na hindi pa tayo late! Ihanda mo na ang gamit ko at bilhan mo na ako ng pangmeryenda."

Alas dos na ng hapon kami nakaabot dahil sa traffic. Andito kami sa Batangas ngayon para sa gaganaping eksena nina Rheigla at Diana kasama na rin rito ang love team ni Diana na si Nicholas. May chemistry naman sila ni Nicholas pero mukhang may history ata 'tong si Rheigla at Nicholas. Magkababata raw kasi sila. Ewan ko nalang rito kay Diana kung alam na ba niya ang chikang ito. Narinig ko lang 'to nung hindi pa ako nagtatrabaho.

Enough for that chika. Ihahanda ko muna ang gamit ni Diana at ng makapagbili na rin ako ng meryenda dito.

Mga tatlong minuto kung inihanda ang gamit nito at ibinigay sa kanya para makapagbihis ito. Agad naman akong pumunta sa may malapit na convenience store para bumili ng makakain at iinumin ni Diana. Well, since PA niya ako, binibigyan ako ng pera ng kanyang accountant para sa mga kakailanganin nito. And guess what? Ang kuya lamang nito ang kanyang personal accountant. Eh sino pa ba? 'Yung nakadate ko lang naman.

(I'll give you the amount for Dianna's traveling expenses and also for the things she wanna buy.)

Sino bang loko-loko ang nagtext nito? Nireplyan ko naman ito.

(Who is this?)

Mga ilang Segundo lang at nagreply ito.

(Dino Gonzalez. Diana's brother and personal accountant and your future husband. :*)

Nagtext ito pagkatapos kung umalis sa date 'kunno' namin. Kagabi lang ito. At nung patungo na kami rito sa Batangas ay may ibinigay si Diana sa aking na envelope. Pera na pala yon. Pinapabigay ng kanyang kuya at tsaka kailangan ko rawng ilista ang mga binili ko sa kay Diana. May nakasulat kasi doon sa may short bondpaper. At sa isang bondpaper naman ay yung photocopy ng deal namin na kailangan ko ito idate for 3 months. At ang nakakainis ay wala na akong kawala doon dahil may pirma na ito ng abogado at kapag hindi daw ako sumipot, pagbabayarin ako ng 5,000php na damage.

At makikita mong mukhang galling sa mayamang angkan ang pamilya ni Diana since ang kuya nito na si Dino ay isang accountant habang ang panganay nito na si Luis ay isang abogado. Yes, ito ang nagpirma sa may kasunduan nila. Paano ko nalaman? May nakita akong litrato nilang tatlo sa sasakyan at mukhang may kapatid pa pala silang babae. Magana rin ito. 22 years old version ni Diana.

Pagkatapos kung bumili ay agad akong pumunta sa set para ibigay itong mga binili ko kay Diana. At dahil mukhang pinagtripan nga ako ng tadhana, nakita ko si Angelo sa may van na may hawak na papeles, at nakangisi ito sa akin.

StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon