-13-

5.2K 105 3
                                    

Happy 17k readths! Wow! Guyth, thank you thalaga! Thorry tha long waith. Don't expecth this thapter to muth. Thabaw ang uthak ni Mariath. HAHAHA!

-Maria ♥

- - -

Para akong tangang umiiyak dito sa hotel room. Naabutan pa nga ako ni Diana na umiiyak dito. Hindi na ako pinansin nito dahil pagkatapos niya akong nakita ay nagbihis lang ito at tsaka ay natulog. Mukhang pagod rin ito.

Pagkatapos kong maalala ang mga nangyari noon ay hindi ko mapigilang magtanim ng galit dito sa aking puso.

Walang araw noon na hindi ako umiiyak. Sa unang tatlong taon, lagi akong dinadalaw na bangungot na iyon. Pero hindi ko hinahayaan na ang bangungot na iyon ang maging hadlang para makamit ko ang hustisya na noon ko pa pinangarap.

Kinuha ko ang aking phone sa table sa gilid ng kama. Tinawagan ang alam kong makakatulong sa akin.

"Hello?" Sagot sa kabilang linya.

"Lucas? Si Cyra pala ito. Ahmm... May sasabihin sana ako sa iyo? Kung okay lang magkita tayo sa may restaurant dito sa resort bukas ng umaga?"

"Hello? Lucas? Andiyan ka pa ba?" Wala kasing nagreply sa kabila.

"Ahh... Sorry Cyra. Nagtootbrush kasi ako while ni loudspeaker ko iyong phone. Well, okay 7:30 if it is okay with you?"

"Ah, yeah yeah. Sure. Then see you tomorrow." Then I hanged up the phone. This is my first step to do. I'm going to do everything and I'll assure that he'll pay for this mess.

"WHERE are you going? Its so early para maglakwatsa ka. You need to get my things here and put it in the van. Babalik tayo ng Maynila mamayang alas otso at ipagbili mo na lang kami ng breakfast ni kuya. Bumili ka rin kay manong at sayo." Litanya ni Diana sa akin. Bago pa itong gising.

"Okay." I don't need to urgue with this kid, not this hour. Ang aga pa kasi eh.

Lumabas ako sa room at agad pumunta sa may restaurant. Agad kong nakita si Lucas na naghihintay doon. Napalingon ito noong malapit na ako makaabot sa table.

"Hey!" Tunayo ito at nakipagbeso-beso sa akin.

"Hi!" At sabay kaming umupo.

"Ano pala ang sasabihin mo sa akin? Alam mo ba hindi ako nakakatulog kakaisip sa sasabihin mo sa akin." Biro nito. Natawa kami pareho sa sinabi nito.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Ahmm, ano kasi." Natetense pa rin ako kaya nabigla ako nung hawakan niya ang mga kamay kong nangingig sa ibabaw ng mesa.

"Kalma lang." At ngumiti ito sa akin. Doon naman ay nabawasan ang kaba na nandito sa puso ko.

"May offer kasi ako sayo. Nagtatrabaho kasi ako sa Xero TV. Naikwento kasi ng kaibigan ko na katrabaho ko rin na may modelling at acting search na magaganap sa susunod na buwan sa aming company. Naghahanap kasi sila ng mga talents. Gusto sana kitang isali kung gusto mo? Nakikitaan kasi kita ng potential bilang isang modelo."

Napabitaw ito at napag-isip isip sa aking sinabi. Mga ilang segundo kaming tahimik ng biglang nagring ang phone nito.

"Wait lang Cyra ah." Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at ako namay matamlay na naghihintay. Mga ilang minutos rin bago ito nakabalik sa table na aming inuoccupy.

"Ahmm, Cyra. I'm sorry but there's an emergency in our house. I have to go." At umalis ito na hindi ko manlang nakuha ang sagot nito.

I'm slowly losing my hope.

Bumili nalang ako doon ng makakain namin at tsaka bumalik sa hotel room. Pagpasok ko doon hindi ko nakita si Diana. Baka nasa C.R. Mukhang naliligo pa ito. Kinuha ko ang mga gamit namin at tsaka nilagay ito sa van. Binigyan ko ng makakain si Manong na nasa van na rin pala. Nandoon na rin sa loob si Dino. May kausap rin ito sa phone. Kaya kinuha ko rin ang phone at tinawagan si Diana. Nakakatamad na kasing bumalik sa loob.

StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon