I'm so nervous. Its 9 am in the morning but I felt really nervous the moment I woke up. It's not an ordinary day for me you see. For almost 5 years, I never saw his face. I wonder what he looks like, how tall he is, and how handsome could he be. I never see him walk and saying 'mama' or any words that he utter. It's a special day and I need to ready myself.
Cedrick is on his way to the airport. I don't know which airport and I don't care. All I care right now is to see my first baby boy. So naghanda ako ng pagkain, naglinis dito sa rest house at nilinis ko rin ang guest room na pagtutuluyan ng anak ko.
Pagkatapos kong maglinis ay agad akong naligo at nagbihis ako ng presentable na dress na nandito sa closet sa guestroom. Naglagay ako ng konting make-up. Pagkatapos kong maglipstick ay tinignan ko ang aking reflection sa salamin. Nakikita ko ang blooming na Cyra. Nakikita ko ang saya sa kanyang mata.
Biglang may tumawag sa aking cellphone. Si mama. Sinagot ko ito ng masigla.
"Ma! Napatawag ka?"
"Anak, si Craig..." Nag-alala nitong sabi. Bigla akong kinabahan.
"Bakit? Anong nangyari kay Craig?" Taranta kong sagot.
"Nasa hospital siya ngayon. Inatake siya sa puso. Kailangan ka niya rito, anak." Halata sa boses nito na hindi ito mapakali.
I sat down on the floor. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Cole na papunta na rito na hindi ko kailan man makita simula nung kunin siya ni Cedrick sa akin o si Craig na may sakit sa puso na kailangang-kailangan ako ngayon?
"Anak? Nandyan ka pa ba?"
"Nay, si Co--"
"Kailangan na rawng operahan si Craig ngayon kundi..." At that moment, hindi ko maitanggi na mas kailangan ako ni Craig. Kailangan niya ako ngayon bilang isang ina.
Tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinahiran. Uuwi ako ngayon kahit masakit man sa aking kalooban na hindi ko makikita si Cole na matagal ko ng inaasam na makita.
Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko at tumakbo ako papuntang pintuan palabas. Nang pinihit ko ito, hindi ito nakalock. Mabuti naman dahil kailangan kong magmadali ngayon. Paglabas ko ay ang nakita ko lang ay kagubatan na mukhang malayo sa siyudad. Lakad-takbo ang aking ginawa at laking pasasalamat ko ng nakakita ako ng motor-single o motor habal/habal, pinara ko ito sabay sakay.
"Manong sa siyudad po. Magmadali po tayo. Please lang po may emergency kasi."
"300 ineng papuntang siyudad." Sabi nito.
"Sige po manong. Pakibilisan niyo lang po ang biyahe."
Trienta minutos rin papunta sa siyudad galing sa rest house ni Cedrick. Hindi na ako nag-abalang sumakay ng bus papuntang Manila. At inasakto rin na lalarga na ito kaya nakapasok at nakaupo ako. Sabay panalangin na magiging okay lang ang bunso ko.
"A DOŃDE VAMOS, PAPÁ? (Saan tayo pupunta, ama?" Tanong ni Cole kay Cedrick. Hindi maiaalis ang mga ngiti ni Cedrick na nakapaskil sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung bakit ang saya-saya ng kanyang nadarama. Pero bigla siyang dinatnan ng kaba, hindi niya alam kung bakit. Isinawalang bahala niya nalang ito.
"Yo te daré su solicitud. (Ibibigay ko sayo ang iyong kahilingan)"
"Realmente, papá? Gracias! Gracias! (Talaga po, papa? Salamat! Maraming salamat po)". Sabay yakap nito sa kanya.
"Poco a poco. Es posible que chocan y no cumplir con la solicitud. (Dahan dahan lang. Baka mabangga tayo at hindi na matutupad ang kahilingan mo.)" Sabay bigay ngiti sa kanyang anak.
"Lo sentimos Papa. (Pasensya na po papa)" Sabay harap nito at nakangiti. Halatang excited na excited ito sa surpresa na ibibigay ng papa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stalker
General Fiction"Stalking is unwanted or obsessive attention by an individual or group toward another person. Stalking behaviors are related to harassment and intimidation and may include following the victim in person or monitoring them."