07/13/2021
Sorry for the long hiatus. Being an A1 worker really is exhausting to the point that work and sleep is what I do and the cycle repeats. As I scroll to through my phone, there's a notification for liking my story here on wattpad though it's really not good but I'll try my best to accommodate your imagination and it's for you to explore your fantasy. This was on my drafts for too long. Have a great week!
-------
[Its me, Mia!)]
"Mia? As in 'yong boba kong kaibigan na na inlove sa workmate niyang si Tim? Tapos binigay niya lahat yong pagmamahal niya pati ang--"
[OO NGA AKO NGA! Itong babaitang to. Nakamove on na ako sa kanya no.] Tumawa nalang ako nung narinig ko ang boses niyang naiirita sa mga sinasabi ko.
[Hello girl, four years mo kaya akong inindian. Kaya akala ko kinalimutan mo na ako.] Sabi niya sa kabilang linya. I smiled sadly.
"Sorry Mia...Sorry talaga...." Maiiyak na sabi ko.
[...]. Tila nakinig lang siya sa kabilang linya. Parang pinapahiwatig niya na ituloy ko lang kung ano ang sasabihin ko.
"Natakot ako sobra...sobrang takot yung nararamdaman ko na hindi ko na alam kung ano ang dapat uunahin." Bumigay yung luha na matagal ko ng tinatago.
[Cy, okay lang kahit hindi ko alam ang buong pangyayari, okay lang. Naiintindihan kita.] Tila pagbibigay niya ng kasiguraduhan na okay lang kahit nagtago ako ng ilang taon sa kanya.
[Alam kong hindi ka pa handa. Pagdating ng panahon, kung handa ka na, makikinig pa rin ako sayo.]
"Mia..." Humagulgol na ako ng iyak. Mga ilang minuto rin bago ako tumahan.
"Salamat kahit iyak lang yung narinig mo ngayon."
[Ano ka ba gurl. Okay nga lang. At tsaka ilang buwan na lang, uuwi na ako ng pinas.]
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na nangibang bansa na siya. Bigla akong nalungkot. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanya. Hindi ko man lang inalam kung kamusta na siya. Ano na ang bago sa buhay niya ngayon. Anong klaseng kaibigan ba ako?
"Kung uuwi ka, tawagan mo ako ha."
[Ikaw rin dapat yung una kong makita sa airport ha.] Tumawa siya sa kabilang linya.
[Sige gurl. Tawagan kita ulit. Bye gurl!]
"Bye gurl." Binaba ko na ang phone. Ang daming emosyon na nasa katawan ko ngayon.
Nalala ko na tatawagan ko pala si nanay at kakamustahin si Craig.
Tinawagan ko si nanay at nalaman ko na papunta na sa mabuting kalagayan ang anak ko. Biglang nawala ang ilang tinik sa puso ko. Sana makauwi ako ng ilang araw sa amin. Makita ko man lang si Craig, magbibigay ito ng panibagong lakas sa akin.
Pumunta na ako sa itaas para maghalf bath ng may dumating na mensahe sa akin. Isang unknown number. Binuksan ko ang mensahe at alam ko na kung kanino to galing.
(Plaza Cleopatra. Room 612. Don't mind bringing clothes for the event. Don't be late.)
Kinuha ko sa bag ang notebook planner ko at half-day lang kami bukas. Napabuntong-hininga nalang ako.
Ano ba 'tong panibagong kaguluhan na papasukin ko?
"Diana, mauna na ako. Nailagay ko na lahat ng gamit sa likuran ng van. Tapos sabi ng mama mo, may family dinner raw kayo mamaya." Tinapos ko na muna lahat ng trabaho ko bago ako umalis sa set.
BINABASA MO ANG
Stalker
General Fiction"Stalking is unwanted or obsessive attention by an individual or group toward another person. Stalking behaviors are related to harassment and intimidation and may include following the victim in person or monitoring them."