-11-

5K 175 11
                                    

LIMANG BUWAN ang nakaraan nung ibinigay sa akin ni Cedric ang kanyang DSLR. Hindi ko alam kung ano ang pinili niya kasi umalis na ito pagkaumaga. Ang Doña ay parang wala lang nung umalis si Cedric.

Actually hindi ko pa niminsan na ginamit ang kanyang DSLR na binigay sa akin. Natapos ang isang semester ay hindi ko ito naisipan gamitin kasi para sa akin parang napakamisteryo naman na ibigay niya ang kanyang mamahaling gamit sa akin. Hindi naman dahil mayaman siya, eh ipapamigay niya ito. Pero parang may malalim pa na dahilan kumg bakit niya ibinigay to sa akin. Malakas kasi ang kutob ko eh. Kaya hindi ko pa ito ginamit.

Kinuha ko ito sa bag nito ng napagtanto ko na limang buwan na itong hindi ginagamit so baka low battery na ito kaya kinuha ko ang battery nito at charger. Chinarge ko ito ng may kumatok sa quarter namin. Yung mga kasama ko rito ay mga kapwa ko katulong dito sa mansyon.

"Cyra, pinatawag ka ng Doña. Pumanta ka raw sa hardin." Sabi sa akin ni Aling Martha. Kapwa ko ring katulong.

"Sige po, pupunta na ko." Nilisan ko ang aming quarter at agad na pumunta sa hardin ng Doña. May mga bagong bulaklak na tinanim ang Doña.

Nakita ko siya na nagdidilig. Agad ko siyang nilapitan. "Pinatawag niyo po raw ako."

Tumingin ito sa akin na parang may gusto itong ipahiwatig. Mukhang sa kanya na mana ni Cedric ang mga mata nitong mahilig magpapahiwatig ng emosyong hindi mo maiintindihan.

"Umuwi ka muna sa inyo bukas,"

Tuwang-tuwa ako kasi makakauwi na ako bukas! Akala ko tapos na ang Doña sa pagsasalita. Hindi pa pala.

"At huwag ka ng bumalik rito." Diretsong sabi niya sa akin. Tila parang kinapusan ako ng hininga pagkasabi niya nun.

"Po?" Naiiyak kung saad.

"Nakakaintindi ka naman diba? Sige na, umalis ka na bukas at huwag ka ng bumalik." Tumalikod agad ito.

"Doña Celina, maawa po kayo sa akin! Hu-huwag niyo po akong tanggalin! Gagawin ko po lahat, huwag lang niyo po akong tanggalin." Lumuhod ako nung sinabi ito sa kanya.

Lumingon siya sa akin. Iyong awra niya kanina straight lang. Ngayon, nababalot ang hiwagang mata nito ng misteryo. Para bang may masamang mangyayari. "Tinutulungan na kita. Baka magsisisi ka sa huli."

"Tinataboy niyo po ako, hindi yun tulong!" Nakayuko 'kong sabi nito. Iyak lang ako ng iyak. Gusto ko pang mag-aral. Gusto ko pang tulungan sina Mama at Itang.

Hindi ko nakita ang mukha nito. Pero tumalikod na ito.

"Sige, mananatili ka. Pero huwag mong isumbat sa akin ito kung nagsisisi ka sa iyong desisyon.Binabalaan na kita."

Iniwan niya akong naguguluhan.

MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip sa sinabi ng Doña. Bakit ba gusto niya akong paalisin? Ano ba ang alam niya na hindi ko alam? Bakit niya ako binabalaan? May mangyayari bang masama?

Ako nalang ang hindi natutulog habang ang ibang kapwa 'kong kasambahay ay tulog na tulog na. Naisipan 'kong lumabas muna at dinala ako ng aking mga paa sa hardin ng Doña. Nilapitan ko iyong puting rosas at sinimhot ko. Napakabango. Ito iyong paborito ko dito sa lahat. Nakita ko ang pulang rosas. Nilapitan ko ito at sinimhot rin ng may biglang nagsalita sa aking likuran.

"Iyan ang paborito ko sa lahat." Napatingin naman ako dun sa nagsalita. Si Cedric!

"Si-sir! Nandito na pala kayo! Naku, baka gutom po kayo at gusto niyong kumain. Ipagluluto ko kayo." Nabigla 'kong sabi kasi sa pagkakaalam ko eh nasa isang sikat na unibersidad sa Manila nag-aaral si Cedric. Akala ko nga na hindi ito uuwi ngayon. Pero naalala ko na sembreak pala kaya ito umuwi.

StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon