Happy 24K reads guyth! Do not expect, masasaktan ka lang. Sabaw update. Lutang ang nagtype. Babussssh!
* * * * *
"YOU AND YOUR GUTS. Stop worrying about your upcoming movie." Umupo naman ako sabay bigay ng bored-look sa kanya."Damn, si kuya kasi. I insisted na gusto ko munang mag-unwind for a months. This movie is freaking insane!" Naglalakad ito ng pabalik-balik.
"Alam mo, I heard na isang sikat na international director ang magdidirect nito. So bakit hindi ka masaya? Alam mo kung ako ang nasa posisyon mo, magiging masaya talaga ako no. Bihira lang dito sa Pinas ang makakatrabaho ang mga huwarang direktor plus kilala ito internationally."
Umupo naman ito sabay kuha sa kanyang cellphone. "Si Nicholas kasi..." Bulong nito.
"At bakit nasali si Nicholas dito?" Taas kilay na tanong ko dito. I smell something fishy. " Sabihin mo nga sa akin ang totoo, what's the real score between you and Nicholas?"
"Its none of your business witch." Sabay alis nito sa wardrobe. Here we go again. Demonyita mode.
ISANG BUWAN matapos ang meeting sa bagong movie ni Diana ay dinalaw ako ng matinding sakit. Noong nagdaan kasing araw ay nag-overnight ang shooting nilang Diana kaya wala ding beauty rest. At sa kabi-kabila rin ang appointment nito sa kanyang bagong endorsements kaya andami kong pinagkakaabalahan na bookings nito. Umalis kasi si Dino papuntang planet shrek which is 'I-really-don't-know-where' for a month. Kaya ako muna ang acting manager ni Diana. Isang linggo kong ininda ang sakit ng aking tiyan kaya 'hello hospital' ang peg ko ngayon.
Kasalukuyan pa rin akong nagcoconfirm ng mga bookings ni Diana ng biglang pumasok si Dino. Atlast.
"Sino ang kasama ni Diana ngayon?"
"Wow ha. Ba't hindi iyong kapatid ang puntahan mo at tanungin? Tsk." Nilagay niya sa mesa ang isang basket ng prutas at umupo naman ito sa may upuan na katabi ng kama ko.
"Alam mo, hindi ka pwede sa trabahong ito. Ang hinahina mo kasi." Sabay kuha ng mansanas na nasa basket na dala nito.
"'Di ba pwedeng maganda lang at nagkakasakit?" Sabay bato ko ng isang mansanas nito. Nakuha naman niya ito sabay kain. "Thanks!"
"Sa'n kaba nagpunta ha? At ba't ang tagal 'mong bumalik?" Tanong ko dito.
"Uuuuy, namiss mo 'ko no?" Lumapit ito sabay taas-baba ng kilay.
Binatukan ko ito ng malakas. Tawa lang ito ng tawa kaya napatawa nalang din ako. Mukha kaming mga tangang tumatawa. Pagtingin ko sa may pintuan, nakabukas ito ng maliit. Kaya agad akong napatigil sa pagtawa sa aking nakita.
"C-Cedric..."
Bigla itong nawala sa aking paningin kaya agad kong kinuha ang needle na nakapasak sa akin at tumakbo para habulin siya.
"T-teka. Cyra!" Napatayo na rin si Dino at hindi ko alam kung nakasunod ito sa akin.
Nakalabas ako ng pintuan at nakita ko pa itong naglalakad. Mukhang liliko na ito sa ibang pasilyp kaya binilisan ko ang takbo.
"Cedric!"
Ngunit pagkaabot ko sa pasilyo na nilikuan nito ay wala na akong nakita kundi mga nurse na nakaduty at mga pasyente.
"Cyra! Ba't bigla mung tinanggal ang dextrose mo? At sino iyong hinahabol mo?"
Napaluhod naman ako sa sobrang pagod at unti-unting nagsilabasan ang aking mga luha. I need to see him. I need to ask him too.
"PWEDE ka na dawng lumabas bukas. Buti at unti-unti kanang gumaling. May two days day-off ka at iyong salary mo, natransfer ko na sa bank account mo kaya enjoy your two days vacation, okay? Sige, alis muna ako." Tulala pa rin ako kahit nakaalis na si Dino. Hindi ako sigurado sa nakita ko pero mukhang si Cedric iyon eh. Hindi ko nakita ang kabuuan nito kaya nagdadalawang isip ako kung siya ba talaga iyon.
Gustong-gusto ko siyang makita dahil marami akong gustong itanong sa kanya.
Ilang taon akong nagdusa. Ilang taon akong naghirap. Ilang taon rin akong nagbabakasali. Nakakagago. Nakakabaliw. Nakakapanlumo.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mama.
"Hello Ma? Kamusta ka na?"
["Anak! Okay lang kami dito. Ikaw kamusta?"]
"Okay lang ako dito ma. Kamusta si .. Cr..aig?" Naluluha ako nung binanggit ko ang pangalan niya.
["Nak, alam mu ba lagi ka niyang hinahanap?"]
Muntik ko ng nabitawan ang aking cellphone at biglang bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Ma, ginagawa ko naman ang lahat." At in-off ko ang tawag.
This whole thing, para naman ito sa kanya. Ginagawa ko ito para sa kinabukasan niya. At siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, lumalaban pa rin ako. Siya ang dahilan.
Si Craig ang dahilan ng lahat.
Si Craig. Ang anak ko.* * * * *
"GODDAMN Will! . . . I can't do this anymore! Sht!" I throw my phone. He's threatening me. Mahal ko ang pamilya ko at hindi ko sila kayang saktan. Why on earth he is giving me this fcking problem?
I once again threw all the things that comes my way. Why? WHY?!
Nakita ko ang family picture namin. Napaupo nalang ako sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Hindi sana ito mangyayari kung hindi sana ako naging gag*.
"Ma, pagbigyan mo ako sa gagawin ko. Para naman to sa inyo." I shed my tear. Tumayo ako. I need to get this done.
* * * * *
"KUYA DINO, how is she?"
"She's now resting. Mga tatlong araw at pwede na siyang makapagtrabaho ulit. Ako na muna ang tutulong sayo sa ngayon. Okay?" Saad ko rito.
"Ah, I see. By the way, tumawag na naman siya kuya. Nanghihingi ng pera. Diba kakapadala mo lang nung isang araw?"
" Huwag na huwag mo na siyang bigyan. Magdusa siya sa kanyang mga ginagawa."
"Pero kuya, Ate ko pa rin siya. Kahit ano mang takot na meron ako sa kanya, hindi ko pa rin na maiwasan na maawa. "
I look at here with anger. " Awa? Hinanap siya nina mommy at daddy, naawa ba siya sa kanila? Nung sinapak niya ng martilyo si Kuya Luis, naawa ba siya? Nung binaril ka niya, makikita mo bang nagsisisi siya? Diba wala?"
"But she is my only sister."
"We only have you. Tatlo lang tayong magkakapatid. Ikaw, ako at si Kuya Luis. Sina Mommy at Daddy. Tayo lang ang pamilya. Kaya kalimutan mo na siya. Dahil kinalumutan niya ring may pamilya pa siya dito."
BINABASA MO ANG
Stalker
General Fiction"Stalking is unwanted or obsessive attention by an individual or group toward another person. Stalking behaviors are related to harassment and intimidation and may include following the victim in person or monitoring them."