-4-

7.5K 200 6
                                    

"HA? Wala naman. Bakit mo naman nasabi yun?"

"Sa SAU rin kasi ako nag-aaral. Marami na akong naririnig tungkol sayo," nagtaka naman ako dun. Ganun na ba ako kaganda para pag-usapan ng ibang tao?

"WELLA, ASAN KA NA? PUMUNTA KA RAW SA TENT NI DIREK," sigaw ng isang staff. Magtatanong pa sana ako ng magpaalam na ito. Mukhang sa ibang araw ko nalang siya tatanungin.

"HEY YOU!" napatingin naman ako sa kung sinong hudas ang nagsisigaw-sigaw.

Pagtingin ko naman sa aking likuran ay napasampak naman ang damit na itinapon sa aking mukha. Tinignan ko kung sino ang nag tapon nito. Eh, sino pa ba? Nag-iisang demonyita lang naman ang magtatapon nito. Napatawa naman nito na ikinainis ko.

"That's for treating me like you're the superior and also, for your information I am your boss so you don't have the right to dictate me. Always remember that," at agad naman itong umalis. Patulan ko kaya to ng makilala niya kung sinong anghel ang binangga niya.

ALAS SAIS na ng matapos ang scene ni Dianna. Mukhang mamaya pa matatapos ang scene ni Reighla kaya na una ng natapos ang demonyita sa kanyang parte. Dalawang oras rin akong bagot na bagot na naghihintay na matatapos ang trabaho ko ngayon. Gusto ko ng magpahinga kasi marami pa akong kakailanganin na iayos sa bahay.

Inayos ko naman ang mga ginamit ng demonyita at dinala ko ito sa van. Sumunod naman ang demonyita at agad na pumasok. Doon siya nakaupo sa passenger's sit at ako naman ay sa tabi ng driver's sit. Kinuha nito ang phone at agad na may tinawagan.

"Kuya, I'm on my way. Saang restaurant? . . . Okay. Sige. See 'ya!" at binabaan niya ito.

"Manong, dun sa favorite place naming ni kuya," sumunod naman ang driver. Wow, mukha naming code reader 'tong si manong ah.

"Manong, dun sa may gate ng kompanya mo nalang akong ihatid. Salamat."

"You're coming with me." Sabi ng demonyita. Napatingin naman ako sa kanyang inuupuan. Mukhang seryoso ito sa kanyang sinabi. At agad naman akong tumingin sa harap.

" I'm sorry but I can't. Magpapahinga na ako dahil tapos na ang trabaho ko." Tugon ko naman ditto.

"You don't want me to promote you on higher position? Baka magsisisi ka. Sayang pa naman, mukhang malaki pa naman ang sweldo nito."

"Oh, really? What kind of position naman ang ibibigay mo aber? As if you have the authority to do that to me huh," walang ganang sagot ko dito. Mukha naman korek 'tong batang 'to.

"You don't wan to be. . . my. . . manager?" pathrill-thrill nitong sagot. Magandang oportunidad sana to. Malaki ang pera na makukuha ng manager pag sikat na sikat ang talent na dinadala nito. Malaking pera na pwede kung pag-aralin ang iba kong kamag-anak sa SAU.

"No, thanks. Sa batang tulad mo na dadalhin ko? Dream on."

"I'll count to three. Take it or leave it."

"I said NO THA—"

"Going once."

"Ang tigas rin ng ulo mo no? I said—"

"Going twice. Pag-isipan mo. Malaking tulong rin ito," napaisip naman ako.

"If I will be your manager, would you follow my orders?" taas kilay kung tanong nito kahit hindi ako nakatingin dito.

"Why not?"

"Then, I'll come with you."

"Good. Sign this one and make it faster," at may ibinigay siya sa akin na papeles. Agad ko naman itong pinirmahan na hindi binabasa. Talagang tinatamad akong magbasa ngayon kasi gusto ko ng magpahinga.


AGAD na lumaki ang mata ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinet-up ako ng batang 'yun! URGH! Ba't hindi ko naisipan na basahin ang nakasulat doon. Alam niyo ba kung anong nakasulat dun? DATE MY BROTHER within 3 months. Anong akala niya sa akin, na willing na willing idate ang kanyang kuya?! Pero infairness, gwapo naman ito kaya lang hindi ko bet ito. Sorry not sorry.

"I heard na magdidiner kayo ng kapatid mo. Ba't tayo lang ang nandito?" tanong ko dito. Ang demonyita kasi ay umalis. Tataw-tawa itong umalis. Gusto niya ba akong maging sister-in-law? Ha-ha-ha.

Nasa may isang restaurant kami na napapalibutan ng magandang tanawin. Nasa may seaside lang ito naka base. Maganda rin ang ambiance, nakakarelaks. 

"'Coz I have ask her for a favor. I want to settle down--"

"By what? Blind date? Do you think this will work? Mister brother-of-my-boss, I don't think marriage is a game," at tumayo na ako at iniwan ito. 

Gutom na gutom na talaga ako. Gusto ko ng magpahinga. Kaya lang, may asungot na sumunod sa akin. 

"Hey, woman! What is your name?" hindi ko na ito pinansin. Bahala siya sa buhay niya. 

Hindi pa rin ito tumigil kaya hinarap ko na ito. 

"Ano ba ang problema mo ha? Ba't hindi ka nalang umuwi sa inyo at matulog. Pagod na ako! Pwede ba lubayan mo muna ako at saka hindi naman talaga kita kilala kaya please STOP PESTERING ME!" mukhang nagulat naman ito sa pagsigaw nito. 

"You're one hell of a woman. Kaya pala. You're a tigress. You're one of his type. I may not like someone that has this kind of attitude like you but I think I'm starting to like it." at napasmirk naman ito.

StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon