-22-

2.6K 115 52
                                    

LIMANG ARAW, akong nanatili sa hospital at pang pitong araw na ni Craig. Naging maayos naman ang operasyon niya at kailangan muna niyang manatili sa hospital dahil nandoon ang lahat ng kakailanganin niya. Kailangan ko ring kumayod para matustusan ang pangangailangan ng anak ko.

Nasa set ako at inihanda ko na ang mga gamit ni Dianna. Nasa tent si Dianna habang ako ay nasa van pa at kinuha ang mga gamit nito. Since ito ang first day ng taping, halos abala ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa. Mga ilang oras nalang at magsisimula na ang first take sa first scene ng movie na ito.

Biglang  may nagpark na isang van. Lumabas ang naka cap at naka rayband na lalaki. I don't know him but his quite attractive. Nagkibit-balikat nalang ako at ipinagpatuloy na iarrange ang mga gamit.

Agad akong lumabas sa van at dinala ang mga damit sa tent.

"Lahat ng staffs at actors! Pumunta kayo dito sa may tent ni direk. ASAP!"

Agad kami napatingin sa isang staff na sumigaw.  Agad naman tumayo si Dianna kahit na hindi pa ito tapos ang pag-aayos sa buhok niya. Halata na excited ito na makita ang director na ito.

"It's okay. Mamaya nalang natin to tapusin. Pinapatawag na kasi kami ni direk." Hindi mawalawala ang saya sa mukha nito.

"Okay te, dapat bumalik ka agad dito ha." Sabi ng make-up artist nito. Napatingin naman si Dianna sa gawi ko.

"Samahan mo ako. Bilisan mo." Agad akong napatayo at sinamahan siya sa tent ni direk. Hindi ko alam kong bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Mga ilang segundo at naabot namin ang tent ni direk. Madami-dami rin ang staffs. Mukhang nasa 50 persons ata ang nandito sa tent kasama na ang mga actors. Hindi ko makita ang mukha ng direktor kaya nagtiptoe ako ng makita ko ito ng hindi ko namalayan na wala na pala si Dianna sa tabi ko. At nakita ko nalang siya na papunta sa harap. Hindi ko nalang siya sinundan at nanatili nalang sa pwesto ko.

"Good morning everyone! I guess you don't know me." Mukhang familiar ang boses.

"I am a type of person who is straight forward. Kung tatanga-tanga ka, better prepare your ego for it. I have a motto and everyone in this set MUST apply it." May masama akong kutob talaga sa araw na ito.

"Failure is not an option." Bigla akong napahinto. Am I hearing it right?

Bigla napasinghap ang lahat. Ang iba ay hindi makapaniwala sa narinig.

Tumalikod ako at mga tatlong hakbang ko palang ng nahigit ko ang aking hininga sa aking narinig.

"William Benitez. Your director for Mad Attraction."

Nabingi ako ng ilang segundo.

Cedrick William Benitez.

I didn't know why he didn't use his first name.

Pero ang alam ko lang ngayon ay takot na takot ako. Takot ako dahil alam ko na galit ito dahil iniwan ko siya at ang anak ko na si Cole. 

Malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa tent ni Dianna. Agad akong umupo sa isang silya at napahawak sa aking sentido. Hindi ko kayang magpakita kay Cedrick ngayon.

Nabigla ako ng tumili si Dianna na ikinagulat ko.

"MYGOSH! Ang gwapo niya talaga!"

Umupo ito at pinagpatuloy ang naudlot na pag-aayos sa buhok nito.

"Cyra, nakita mo ba si direk William? He is sobrang gwapo!"

Napaangat naman ako ng tingin. Oo, gwapo siya at hindi yun maipagkakaila. Pero alamin lang nila ang ugali at pagkatao nito.

MGA ILANG MINUTO, pumunta na si Dianna sa set. Ako naman ay abala na naghahanap ng cap para matabunan ang aking pagmumukha ng hindi ako mamukhaan ni Cedrick. Nang makakita ako ng cap ay agad ko itong sinuot at pumunta sa set na dala ng tubig at punasan. 

Nakita ko si Dianna kasama ang ibang actors. Mukhang magsisimula na kaya naghanap ako ng mauupuan.

Ang scene na ito ay tungkol sa paano nagsisikap sa pag-aaral si Mira na pinagbibidahan ni Dianna. Nasa classroom setting ito at para sa akin, napakacliche ng scene.

I know Cedrick can do more than this. Hindi ko alam kung bakit tinanggap niya ang project na ito. He's not into this type of story. He is more on action film.

"CUT! My goodness! Miss Gonzalez, please show more emotion. This character is somewhat sensitive kaya please lang." Sabi ng assistant director. Hindi ko alam kong nasaan si Cedrick. Alam kong mataas ang pasensya non kaya pasalamat sila.

"MY GOD PLEASE TAKE A 5 minutes BREAK! Last take Dianna ha kaya galingan mo. " Paalala ng assistant director. Agad naman akong lumapit kay Dianna at binigyan siya ng tubig.

"Yes direk."

"MagsiCR muna ako. Babalik ako agad." Paalam ko kay Dianna. Tumango lang ito at nag basa ito ng script.

Hindi naman talaga ako magsiCR. Tatawagan ko lang si nanay para kamustahin si Craig. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at agad dinial ang numero ni mama. Mga ilang ring ay sinagot rin ito.

"Ma? Kamusta na si Craig?"

[Maayos na ang apo ko, anak. Pero lagi ka pa ring hinahanap niya. Kailan ba ang off mo?]

"Ma, sorry talaga at mukhang mga ilang araw pa bago ako magkaka-off. Iyon po kasi ang pakiusap ni Dino eh." Naluluha kong isipin na ilang mga araw pa bago ko makapiling muli si Craig.

[Okay lang anak. Nandito naman ako eh at hindi ko rin papabayaan ang apo.]

"Ma, pwede ko bang makausap si Craig?"

[Sige sige nak... Craig... si mama mo oh. Sabihin mo mama.]

[Mamama? As-an kayo?]

"Baby.. busy pa si mama eh. Pero pupuntahan ka rin ni mama jan. Ano ang gustong pasalubong?" Napangiti kong sambit dito.

[Tarak-tarak...]

"Gusto mo ng truck? Sige bibilhan ka ni mama ha?"

[Yeheeey!]

"Bigyan mo ako ng big hug at kiss ha? Pag-uwi ko."

[Labyo maaa]

"I love you to-"

Nabigla ako ng may malakas na sumagi sa aking kamay upang mabitawan ko ang aking cellphone. Kinuha ko ang aking cellphone na nahulog. Inis akong napatayo at nakataas ang aking mga kilay. Hinarap ko ang gumawa nito ng biglang bumaluktot ang aking dila.

"Kaya ka pala umalis dahil mas inuna mo pala ang lalaki mo kaysa sa sarili mong anak."

StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon