5. Morning Cravings

3K 206 95
                                        


"Van, I can assign someone to take care of the mortal."

"Brother, we all are going to take care of the numen. Each of us needs to participate. It's a family decision."

Napanganga na lang si Edric habang sinusundan ng tingin ang chairman kasama ang asawa nito papuntang elevator.

Sa lahat ng desisyon ng pamilya, iyon na yata ang pinakaayaw niya sa lahat.

Bawat pamilya ay may partisipasyon sa pag-aalaga kay Chancey. Walang sosobra, walang kukulang. Bawat miyembro ng pamilya ay dadaan sa Winglov, magbibigay ng kontribusyon nila sa pagbubuntis ng anak ng Ikauna hanggang isilang ang anak nito.

At sa dinami-rami ng i-a-assign na trabaho kay Edric, iyon pang maging personal nurse ni Chancey.

O hindi naman talaga personal nurse dahil siya lang ang nag-a-assume n'on. Magpapasa lang siya ng report tungkol sa kalagayan nito sa Winglov at iyon lang. Mga imortal pa rin naman ang mag-aalaga kay Chancey sa halos lahat ng gagawin.

Mabilis siyang sumunod sa elevator kasabay ang iba pang miyembro ng pamilya.

"Bibisita kami sa susunod na linggo para magdala ng prutas," sabi ng isa sa board member. "May alam akong mainam na citrus para sa nagbubuntis."

"Salamat, Zina," nakangiting pasalamat ni Chancey.

Tumabi agad si Edric kay Donovan para bumulong. "Van, you know I want to kill your wife, right?"

Nakangiting tumango ang chairman. "And I know you can't kill Chancey, Edric. That's against the First's Testament."

"I don't want to see the witch!" gigil na bulong ni Edric.

"The family agreed to it, brother. We're going to stay beside Morticia's room."

"Still, I don't want to see her every day! She's getting on my nerves!"

Tinapik-tapik lang ni Donovan ang balikat ni Edric pagbukas ng elevator.

Mabilis lang na umikot ang mata ng bampira bago sumunod sa kanila.

Imbis na magdiwang sa pagkatanggal ni Chancey sa trabaho pansamantala, lalo lang nainis si Edric dahil patitirahin pa ito sa Winglov. At kailangan niyang manatili sa kastilyo para lang ma-monitor ang kalagayan nito. Paano nga naman siya gagawa ng report kung wala siyang ideya sa kung sino ang gagawan niya ng ulat?

Mahigpit pa naman ang pamilya sa detalye, at ang pagkakamali niya ay pagkakamali ng buong pamilya nila dahil doon titira ang numen sa kastilyo nila. Gusto na niyang sisihin ang ama dahil nagprisinta pa itong alagaan nila si Chancey.

"Van, let me tell you something," pagpigil niya bago pa makasakay sa itim na kotse ang chairman.

"Alright? Go ahead." Matiim na nag-abang ng salita si Donovan sa pinsan niya.

"Father planned all this."

"Okay?" Tumango-tango pa ang kausap.

"He wants to take the mortal for a purpose." Tumango-tango rin si Edric para papaniwalain si Donovan sa sinasabi niya.

"And what is that purpose?"

"He wants to take care of the First's grandchild."

"And . . . that is his grandchild as well, brother."

"Yes, I know."

"And . . .?" Nag-abang pa ng kasunod si Donovan sa sinasabi ni Edric.

Nagkrus naman ng braso si Edric habang nagtataka sa itsura ng kausap.

Prios 4: Living with the VanderbergsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon