23. Abduction

2.2K 160 47
                                        


Kapag kasama talaga ni Edric si Chancey, hindi na siya umaasa ng maayos na tulog. Ala-una nang madaling-araw nang mapapikit siya at alas-tres pa lang, gising na naman ang diwa niya dahil sa gutom.

Payapang natutulog si Chancey at ayos na siya roon. Oras naman para sikmura niya ang mapayapa dahil wala siyang balak mag-almusal ng dahon para sa araw na iyon.

Hindi pa gising ang may-ari ng bahay nang lumabas siya sa kuwarto nila ni Chancey. Sakto lang dahil ayaw niyang imbestigahan siya ni Gaspar at makaalis nang tanghali na dahil sa sermon nito.

Sampung minuto lang ang layo ng Winglov sa lupain ng mga Sylfaen kapag nilakad. At dahil hindi naman kailangang maglakad ni Edric, mula sa hangin ay naging itim na usok na lang siya at dumeretso sa likod ng kastilyo para doon dumaan.

Naabutan pa niyang naghahanda sa paggising ang mga naroon nang makabalik siya sa sariling kuwarto. Kahit gusto pa sanang matulog ay pinili na lang niyang maligo nang maaga para makabalik sa bahay nina Mrs. Serena.

Nakakulong ang ama niya, gaya ng sabi nila. Naiwan naman niya si Chancey kina Mrs. Serena. Pero di-hamak na mas nag-aalala siya sa naroon sa mayordoma ng Cabin kaysa sa sarili niyang ama.

Kilala niya ito. Nagpapasensiya lang ito sa buong Prios at hinahayaang gawin ng pamilya ang gusto nito. Alam kasi niyang kapag lumaban ang ama niya, minuto lang ang aabutin at nasa Winglov na ulit ito. Takot lang ng buong Prios na literal na ikulong sa madilim na kulungan ang ama niya. Alam niyang kapag tinangka ng pamilyang gawin iyon, umasa na ang mga ito na sa paglabas ng ama niya ay may hahalili na agad kay Donovan bilang chairman.

At mukhang tama nga ang hinala niya. Pagbaba niya sa dining area, naabutan niya roon si Morticia na kauupo lang.

"Brother, where have you been yesterday?" bungad na tanong nito.

"I visited Gaspar."

"The old man is annoying. Why do you even bother to visit him?"

"I've had enough dose of stupidity from the family." Naupo na sa puwesto niya si Edric at saktong hinainan na siya ng pagkaing kahapon pa niya gustong sumayad sa lalamunan niya.

"Van called and asked your whereabouts."

Walang imik si Edric nang damputin ang mga kubyertos niya. Kumain din naman siya ng karne ng kuneho na handa ni Gaspar, pero iba pa rin ang mataas na kalidad ng karneng baka na kinakain nila sa Winglov.

"I just said you were looking for your food."

"Probably he's looking for someone to blame."

"The family don't want to see you near the numen. Father was brought to Devanagari."

Saglit na nandilat si Edric sa plato niya nang marinig kung saan dinala ng pamilya ang ama niya. Prios lang ang kilala niyang nagpapatapon ng miyembro ng pamilya sa isang magandang lugar. Kung siya lang ang tatanungin, mas gusto pa niyang manatili sa bayan ng Devanagari dahil maraming babae roon na puwedeng makain. Iyon nga lang, babantayan naman siya ng mga shifter na kinokontrol ni Poi. At delikadong kalabanin ang mga shifter para sa kanila.

Tumawag agad siya sa Prios para itanong kung kailangan pa ba niyang magpasa ng health reports. Ang sinabi lang doon ay si Alastor na raw ang gagawa ng reports dahil hindi siya hinayaang makalapit sa numen.

Wala naman na siyang pakialam. Kung alam lang ng mga itong naglayas ang numen at siya ang unang hinanap.

Gusto sana niyang makausap ang ama pero malamang na kokontrolin ng Prios ang paraan niya para makausap ito kaya hindi na siya nag-abala pang pansinin kung ano na ang ginagawa nito sa mga oras na iyon. Malamang na ginawa lang nitong bakasyunan ang kabilang bayan.

Prios 4: Living with the VanderbergsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon