7. The Vanderbergs

2.7K 197 78
                                        

Hindi talaga umalis si Edric sa Cabin kaya takang-taka si Mrs. Serena nang maabutan siya roon sa living room katabi ang teddy bear ni Donovan.

"Edric?" Sinukat siya ng tingin ni Mrs. Serena habang kunot na kunot ang noo nito. "Masyado pang maaga para sunduin ang numen."

Nagtaas lang din ng mukha si Edric at isinampay ang kanang kamay sa sandalan ng couch na inuupuan. "The witch is planning something worse, Serena."

"Alam ko."

Ang lalim ng buga ng paghinga ni Edric. Tama ang hinala niya. Mukhang nararamdaman din ni Mrs. Serena ang masamang pinaplano ni Chancey tungkol sa mga teddy bear nila at sa mga kinakain nitong hindi pang-tao.

"She's eating non-human foods. And I don't know what to put on her health reports," balita niya kay Mrs. Serena.

Mabilis na lumapit sa kanya si Mrs. Serena at pinaniningkitan siya ng mata. "Nakita ko siyang iniinom ang dugo para kay Donovan. Hindi niya dating ginagawa iyon."

"She's showing her true colors now. We need to protect the family from that monster."

"Dapat at kailangan. Anak lang niya ang kailangan ng pamilya. Pagkatapos nito, maaari na siyang dispatsahin."

Sabay pa silang tumango ni Mrs. Serena at hinintay ang pagbaba ng chairman at ng numen.

Araw ng paglilipat at paplanuhin na ang schedule sa pagbabantay sa Cabin.

Hindi maaaring magtagal sa Winglov si Donovan dahil nasa Grand Cabin ang opisina niya. Isa pa, kailangan niyang bantayan ang mansiyon. Ang inisyal na usapan ay tuwing day off ng chairman, doon ito sa kastilyo para bantayan ang asawa. Magbabantay naman sa Cabin si Morticia at ilang mga bampirang kamag-anak nila sa dalawang araw na iyon. Kapag naman araw ng trabaho, mga bampira at si Edric ang magbabantay kay Chancey sa Winglov.

Walang ibang makakakuha ng gamit ni Chancey kundi sila lang ng chairman dahil walang ibang nakakaakyat sa third floor maliban kay Eulbert Willis.

At eksaktong pagtapak nito sa loob ng Cabin ang pagsulpot nina Chancey sa itaas ng hagdan.

"Good morning," nakangiting pagbati ni Eul sa lahat.

"Hi, Eul!" masayang bati ni Chancey habang kumakaway.

"Kumusta, Miss Chancey?"

Ang sama talaga ng tingin ni Edric kay Eul. Wala talaga siyang tiwala rito. Hindi ito madaling hingan ng sagot. Wala pa itong alam sabihin kundi "Desisyon iyon ng pamilya." Mahirap pigain at solido ang paninindigan. Lahat sila ay may itinatagong pagkatao at masyadong kaduda-duda para sa kanya ang kabaitan nito sa lahat.

"Napag-usapan namin ni Donovan na hindi siya kukuha ng bagong sekretarya," bungad na bungad ni Chancey pagbaba nito sa hagdan. Mabilis na kinuha ni Eul ang maletang hatak-hatak nito habang tumatango.

"Nabanggit nga ni Mr. Phillips."

"Sabi ko, ikaw na lang muna ang papalit saka tatao sa opisina ko. Hindi ko muna pabababain si Zagan sa JGM. Okay lang ba?"

"Kung napagdesisyunan na ito ng pamilya, iyon ang susundin ko, Miss Chancey. Walang kaso sa akin kung kanino magtatrabaho."

"Yey! Thank you, Eul!"

Puno ng pagdududa ang mukha ni Edric habang nakasunod ang tingin sa numen at sa imortal na niyayakap nito.

May mga uri talaga sa pamilya na hindi niya kahit kailan pagkakatiwalaan.

"Ako na ang bahala sa mga imortal na maglilingkod sa numen," paalala ni Mrs. Serena habang sinusundan ng tingin sina Chancey na sinalubong na rin ni Lance.

Prios 4: Living with the VanderbergsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon